DALAGA PINATAY NG AMA SAKA NAGPAKAMATAY

PINANINIWALAAN ng pulisya na pinatay ng ama ang kanyang 22-anyos na anak bago nagpakamatay, matapos silang matagpuang wala nang buhay sa loob ng kanilang bahay sa General Mariano Alvarez (GMA) noong Linggo ng hapon. Ayon sa ulat, bandang alas-3:30 ng hapon noong Lunes nang matagpuan ang bangkay ng mag-amang biktima na sina alyas “Carl”, 48, at “Anne”, 22, sa loob ng kanilang bahay sa Pasong Saging A, Brgy. Delas Alas, GMA, Cavite. Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, bago naganap ang insidente, isang kapitbahay ang nakarinig ng komosyon sa loob ng…

Read More

DATING MAMBABATAS NA WANTED SA GRAFT, MALVERSATION SUMUKO SA PNP

SUMUKO sa pulisya ang isang dating mambabatas na nahaharap sa apat na warrant of arrest na inilabas ng Sandiganbayan kaugnay ng mga kasong graft at malversation of public funds. Sa inilabas na pahayag ng Philippine National Police (PNP), kinilala ang dating mambabatas sa alyas na “Boss.” Pinangasiwaan ng Lebak Municipal Police Station ang pagsuko nito sa koordinasyon ng Sultan Kudarat Police Provincial Office at General Santos City Police Office. Ang apat na warrant of arrest ay may kaugnayan sa umano’y paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Article 217…

Read More

NOLCOM NAGPAHAYAG NG SUPORTA SA 18-DAY CAMPAIGN TO END VAW

NAGPAHAYAG ng suporta ang Northern Luzon Command (NOLCOM) sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) sa isinagawang flag-raising ceremony sa Camp Aquino, Tarlac City noong Nobyembre 9, 2026. Pinangunahan ang aktibidad ni BGen. Dean Mark Mamaril PA, Deputy Commander ng NOLCOM, na kinabibilangan ng Panunumpa ng Komitment para wakasan ang karahasan laban sa kababaihan at pagbasa ng mensahe ng Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ayon sa NOLCOM, pinagtibay ng aktibidad ang kanilang paninindigan na protektahan ang karapatan ng kababaihan, labanan ang karahasan at…

Read More

FIRST LADY LIZA MARCOS, MAGHO-HOST NG GLOBAL COALITION PARA SA KAPAKANAN AT KALIGTASAN NG MGA BATA

MAGHO-HOST si First Lady Marie Louise “Liza” Araneta-Marcos ng pagtitipon ng “Fostering the Future Together” Global Coalition sa Maynila sa Nobyembre 16, 2026, kasabay ng pagdaraos ng 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit. Inihayag ang pagho-host ng Unang Ginang matapos siyang dumalo sa luncheon ng nasabing koalisyon na pinangunahan ni US First Lady Melania Trump noong Setyembre 22, 2026, sa New York, sa sidelines ng 81st United Nations General Assembly. Sa naturang pagtitipon, pinasalamatan ni Melania Trump ang pangako ng Pilipinas na magsagawa ng katulad na aktibidad sa…

Read More

APLIKASYON PARA SA BAGONG ASSOCIATE JUSTICE NG SUPREME COURT BINUKSAN

supremecourt

BINUKSAN na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang pagtanggap ng aplikasyon para sa posisyon ng bagong Associate Justice ng Korte Suprema. Nabakante ang puwesto matapos italaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Chief Justice Rodil V. Zalameda bilang bagong pinuno ng Kataas-taasang Hukuman, kapalit ng nagretirong si dating Chief Justice Alexander Gesmundo. Ayon sa JBC, maaaring bisitahin ng mga interesadong aplikante ang opisyal nitong website na www.jbc.judiciary.gov.ph para sa kumpletong detalye at mga kinakailangang dokumento sa paghahain ng aplikasyon. Itinakda sa Disyembre 28, dakong alas-4:30 ng hapon, ang…

Read More

WALANG GUN BAN SA METRO MANILA, REGION III AT IV-A SA ASEAN SUMMIT — PNP-FEO

NILINAW ng Philippine National Police-Firearms and Explosives Office (PNP-FEO) na walang ipatutupad na gun ban at suspensyon ng Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) kaugnay ng nalalapit na 49th ASEAN Summit. Pinabulaanan ng PNP-FEO ang kumakalat na advisory na nagsasabing magkakaroon ng gun ban sa Metro Manila, Region III at Region IV-A mula Nobyembre 1 hanggang 15, 2026. Batay sa pahayag na nilagdaan ni FEO Chief PBGen. Melecio Buslig Jr., walang inilabas na kautusan para sa nationwide suspension ng PTCFOR kaugnay ng naturang summit. Upang maiwasan ang pagkalat…

Read More

CYBER LIBEL VS TOPACIO, SONZA, 4 PA UTOS NG DOJ

INIUTOS ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong cyber libel laban kina Atty. Ferdinand Topacio, broadcaster na si Jay Sonza at apat na iba pa kaugnay ng umano’y mga social media post na nag-aakusa kay Senator Risa Hontiveros. Hinggil ito sa umano’y panunuhol, pamumuwersa at pagtuturo ng testimonya ng senadora sa isang dating testigo sa imbestigasyon ng Senado laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Founder Pastor Apollo Quiboloy. Bukod kay Topacio, kabilang sa mga respondent sina vloggers Byron “Banat By” Cristobal, Jeffrey Celiz, Krizette Chu at Alex…

Read More

PAGLILINIS SA URBAN POOR, STREET VENDORS BAHAGI NG ASEAN SUMMIT PREPS — PALASYO

BAHAGI ng paghahanda ng Pilipinas sa nalalapit na 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ang paglilinis sa mga urban poor communities at pag-aalis sa mga street vendors sa ilang lugar sa Metro Manila, ayon sa Malacañang. Sa press briefing, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na hindi isinasagawa ang paglilinis upang itago sa mga delegado ng ASEAN ang kalagayan ng mga komunidad, kundi bahagi ito ng pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa Metro Manila. Ayon kay Castro, patuloy ang paglilinis…

Read More

SUPLAY NG TUBIG SA MGA DAM SAPAT SA HARAP NG EL NIÑO — PALASYO

TINIYAK ng Malacañang na sapat ang suplay ng tubig sa mga dam at iba pang pinagkukunan nito sa bansa sa kabila ng paghahanda ng pamahalaan sa posibleng epekto ng El Niño. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na patuloy ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensiya na tiyakin ang kahandaan ng bansa sa posibleng tagtuyot. Ayon kay Castro, bukod sa sapat na suplay ng pagkain at kuryente, nais din ng Pangulo na matiyak ang pagkakaroon ng sapat…

Read More