PDEA: POLITIKO ‘UTAK’ SA NASABAT NA SHABU SHIPMENT SA LAOS

ANG sinasabing opposition politician na tinutukoy na siyang financier sa nasabat na 521 kilo ng shabu mula sa Laos, ay siyang itinuturo ngayong “mastermind” sa likod ng P3.5-billion illegal drug shipment, ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Isagani Nerez. Ayon kay Nerez, lumilitaw na si Sultan Edrieza Hadji Nasser Rimbang ay hindi lamang basta financer backer sa halip siya ang tumatayong utak na nagplano sa tangkang pagpuslit ng mahigit kalahating tonelada ng shabu papasok ng Pilipinas. “He was the one who made those plans, made suggestions to…

Read More

MGA PUGANTENG NASA ABROAD PINATUTUGIS NI MARCOS

INIUTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na tugisin ang mga puganteng nagtatago sa ibang bansa upang matiyak na mapananagot ang mga ito sa batas. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro, malinaw ang direktiba ng Pangulo na kumilos ang mga awtoridad alinsunod sa mga umiiral na batas. “Kung ano ang dapat gawin ng gobyerno, kung ano ang mga nasasaad sa ating batas, gawin ang dapat gawin… iyan ang utos ng Pangulo,” ani Castro sa press briefing…

Read More

HIGIT 140K PNP PERSONNEL IDEDEPLOY SA UNDAS 2026

police

AABOT sa 140,860 personnel mula sa iba’t ibang ahensya at grupo ang inaasahang ide-deploy para matiyak ang seguridad at kaayusan sa paggunita ng Undas 2026. Sa nasabing bilang, 72,501 ang mga pulis, 16,892 ang personnel mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine Coast Guard (PCG), habang 51,467 naman ang mga police multiplier. Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Philippine National Police (PNP) spokesperson PCol. Allen Rae Co na ikakalat ang mga personnel sa mga mataong lugar, kabilang ang mga…

Read More

EXTRADITION PETITION VS QUIBOLOY POSIBLENG MAIHAIN BAGO NOBYEMBRE

NASA huling yugto na ng pagsusuri ng legal team ng Department of Justice (DOJ) ang extradition petition laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy, na inaasahang maisusulong bago matapos ang Nobyembre. Ito ang kinumpirma ni DOJ Chief State Counsel Arvin Chan nang tanungin sa regular press briefing hinggil sa estado ng extradition request ng United States kaugnay ng mga kasong kriminal na kinakaharap ng pastor. Ayon kay Chan, patuloy na bineberipika ng kagawaran ang karagdagang impormasyong mula sa Amerika upang matiyak na tama at sapat ang…

Read More

SEN. MARK VILLAR, ISINUSULONG KABALIKAT SA HANAPBUHAY ACT PARA MABAWASAN GASTOS NG JOB SEEKERS

ISINUSULONG ni Senator Mark A. Villar ang pagbibigay ng diskwento at pag-aalis ng ilang bayarin sa mga dokumentong kailangan sa pag-aaplay ng trabaho upang mabawasan ang gastusin ng mga kapos sa buhay na naghahanap ng hanapbuhay. Nakapaloob ito sa Senate Bill No. 1272 o ang panukalang Kabalikat sa Hanapbuhay Act, na naglalayong gawing mas abot-kaya ang pagkuha ng mga kinakailangang dokumento ng mga kwalipikadong aplikante. “Hindi dapat maging hadlang ang kakulangan ng badyet ng ating mga kababayang naghahanap ng trabaho. Sa pamamagitan ng panukalang ito, nais nating mabawasan ang kanilang…

Read More

LUMALAWAK NA TRANSNATIONAL CRIMES TINALAKAY NG ASEAN MEMBERS

NAGTIPON ang mga kasaping bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) upang palakasin ang kooperasyon at bumuo ng mga hakbang laban sa lumalawak at nagbabagong anyo ng transnational crimes sa rehiyon. Pormal na binuksan sa Makati City ang ika-20 ASEAN Ministerial Meeting on Transnational Crime (AMMTC), kung saan nagsisilbing host at chair ang Pilipinas ngayong 2026. Sa opening ceremony, iginiit ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla ang kahalagahan ng mas matibay na pagtutulungan ng mga kasaping bansa laban sa mga sindikatong…

Read More

ATONG ANG WALANG RECORD SA IMMIGRATION NA NAKALABAS NA NG PH – DOJ

KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na walang rekord ang Bureau of Immigration (BI) na nagpapatunay na nakalabas na ng bansa ang puganteng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang. Ito ang paglilinaw ni Justice Secretary Fredderick Vida kasunod ng pahayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nakalabas na ng bansa ang negosyante sa pamamagitan ng backdoor. Gayunman, sinabi ni Vida na hindi nila kinukuwestiyon ang pahayag ng DILG at nakabatay lamang ang kanilang posisyon sa mga opisyal na rekord ng immigration. Ipinaliwanag ni Vida na posibleng makalabas…

Read More

MGA DUTERTE NILINIS SA LAOS DRUG SHIPMENT

NILINAW ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na walang ebidensiyang nag-uugnay sa pamilya Duterte sa nasabat na 521-kilong drug shipment sa Laos. Ayon kay Remulla, matagal nang magkakakilala at magkakaalyado sa pulitika ang pamilya Duterte at si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliament member Sultan Edrieza Nasser Rimbang, na tinukoy niyang financier umano ng nasabing drug shipment na nasabat sa Luang Prabang Airport. Ipinagtaka rin ni Remulla kung bakit hindi kabilang si Rimbang sa drug watch list noong kasagsagan ng kampanya kontra…

Read More

SC, MAAARI PANG HILINGING REPASUHIN ANG DESISYON SA PAMBANSANG BADYET

BINIGYAN ng Korte Suprema ng 15 araw ang kampo ng administrasyon upang maghain ng motion for reconsideration at hilinging muling repasuhin ang desisyon nitong nagdedeklarang labag sa Konstitusyon ang ilang probisyon kaugnay ng unprogrammed appropriations sa mga pambansang badyet. Kinumpirma ito ni Supreme Court spokesperson Atty. Camille Ting kasunod ng anunsyo ng Malacañang na naghahanda ang pamahalaan na kuwestiyunin ang ruling sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG). Ayon kay Ting, hindi pa pinal at executory ang desisyon ng Korte Suprema, kaya maaari pang hilingin ng mga kinauukulang…

Read More