SASAGUTIN ng Estados Unidos ang gastusin sa paglilipat kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy at dalawa pa nitong kapwa respondent sakaling maaprubahan ang extradition request laban sa kanila. Ayon kay Department of Justice (DOJ) Chief State Counsel Dennis Arvin Chan, walang babayarang aktuwal na transfer cost ang Philippine government dahil sagot ito ng requesting state o ng US government. Aniya, ang sagot lamang ng Pilipinas ay ang pagproseso at paghahain ng extradition case sa bansa. “Under, I recall, the extradition treaty properly, ‘yung cost ng pag-file…
Read MoreCategory: BALITA
SUNDALO PATAY, 2 PA SUGATAN SA AMBUSH SA SULU
NAKIKIPAGTULUNGAN ngayon ang Philippine Army sa Philippine National Police para matukoy at madakip ang mga responsable sa likod ng pananambang sa tatlong sundalo na ikinamatay ng isa at malubhang ikinasugat ng dalawang kasamahan nito, sa bayan ng Indanan sa lalawigan ng Sulu. Ayon sa ulat, sakay ng single motorcycle ang tatlong sundalo nang dikitan ng dalawang hindi pa nakikilalang gunman at pagbabarilin ang mga biktima habang binabaybay ang national highway sakop ng Sitio Kasambuhan, Barangay Tagbak, sa bayan ng Indanan noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ng Indanan PNP ang nasawi…
Read MoreSa barilan sa Maragondon, Cavite DISMISSAL PROCEEDING LABAN SA PULIS SINIMULAN
UMARANGKADA na ang dismissal proceeding laban sa isang pulis na sangkot sa pamamaril sa isang resort sa Maragondon, Cavite makaraang ipag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez, Jr. Matatandaan, isang pulis na nakatalaga sa Magallanes MPS station, at isang sibilyan ang nasawi habang sugatan naman ang isa pang pulis na nakatalaga sa Ternate MPS, dahil sa insidente ng pamamaril na kinasangkutan ng suspek na isa ring pulis. Dahil sa nangyaring insidente, iniutos ni Nartatez sa Cavite Police Provincial Office na magsasagawa ng masusi at…
Read More1 PATAY, 11 SUGATAN SA AKSIDENTE SA JEEP SA QUEZON
NASAWI ang isang 72-anyos na lola habang sugatan ang 11 iba pa nang sumalpok sa isang puno ng mahogany ang pampasaherong jeep sa Barangay Bacungan, Lopez, Quezon noong Miyerkoles. Ayon sa pulisya, patungong Buenavista ang jeep nang maputol ang tie rod nito habang nasa kurbadang kalsada, dahilan upang mawalan ng kontrol ang driver at sumalpok sa puno ang sasakyan. Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang residente ng Brgy. Poblacion, Buenavista. Isinugod naman sa Quezon Provincial Hospital Network-Magsaysay ang driver at 10 pang pasahero. Nangako naman ang pamunuan ng…
Read MoreP.3-M SHABU NASAMSAM, 2 TULAK ARESTADO
TINATAYANG halos kalahating milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa arestadong dalawang hinihinalang tulak na nasa listahan ng high at street value individuals ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City, Cavite nitong Huwebes ng madaling araw. Hawak na ng Dasmariñas CCPS ang naarestong mga suspek na sina alyas “Jaime” at “Michael” matapos nahulihan ng humigit kumulang 52.4 gramo ng hinihinalang shabu. Ayon sa ulat, bandang ala-1:30 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Dasmariñas CCPS sa Barangay Paliparan 2, Dasmariñas City na…
Read MoreSa SSS, PhilHealth, Pag-IBIG VOLUNTARY DEDUCTIONS SA GOV’T COS, JO WORKERS APRUB KAY PBBM
NAGPALABAS si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Administrative Order No. 43 na naglalayong palawakin ang social protection coverage ng mga contract of service (COS) at job order (JO) workers sa pamahalaan. Sa ilalim ng kautusan, pinapayagan ang voluntary deduction at remittance ng kontribusyon sa Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), at Pag-IBIG Fund mula sa kompensasyon ng mga COS at JO workers, batay sa kanilang pagsang-ayon. Saklaw ng AO ang lahat ng departamento, ahensya, bureau, tanggapan at instrumentalities ng national government na may COS at JO workers,…
Read MoreP347.37-M pinsala sa agrikultura 3,637 BARANGAY APEKTADO SA BAGYO AT HABAGAT
UMABOT na sa 3,637 barangay sa buong bansa ang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng Tropical Storms Luis at Maymay at Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Batay sa pinakahuling datos ng NDRRMC hanggang 6:00 ng umaga nitong Agosto 13, 2026, nasa 1,087,246 pamilya o 3,733,883 indibidwal ang naapektuhan sa Regions I, II, III, V, VI, IX, CALABARZON, CAR, NCR at MIMAROPA. Ayon naman sa Department of Agriculture (DA), umabot na sa P347,372,392 ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa anim na rehiyon…
Read More12-TAON KULONG SA PULIS NA NANGMOLESTIYA SA EX-VICE MAYOR
HINATULANG “guilty” ng Quezon City Regional Trial Court Branch 98, si PLt. Col. Jigger Noceda, ang dating hepe ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center. Matatandaang inakusahan si Noceda ni dating Vice Mayor Nova Parohinog ng panghahalay habang nakakulong ito sa PNP Custodial Center sa Camp Crame dahil sa kasong may kinalaman sa droga, at illegal possession of firearms noong taong 2017. Dahil sa insidente, naghain ng patung-patong na kasong rape, acts of lasciviousness, unjust vexation at paglabag sa Safe Spaces Act si Parohinog kay Noceda. Makaraan ang anim na…
Read MoreAFP CHIEF NAFARRETE, LUSOT NA SA CA
BILANG miyembro ng Commission on Appointments (CA), binati ni Marikina Congressman Marcy Teodoro si AFP Chief of Staff Gen. Antonio Nafarrete matapos siyang ma-confirm ng makapangyarihang komisyon. Nagbigay rin si Teodoro ng kanyang manifesto sa plenaryo ng Senado bilang suporta sa appointment ni Nafarrete na kabilang sa 37 AFP officers na kinumpirma ng CA. (DANNY BACOLOD) INAPRUBAHAN na ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni AFP Chief of Staff General Antonio Nafarrete bilang four star general. Kasama rin sa inaprubahan ng CA ad interim appointment ng 37…
Read More