Mastermind nakapuslit sa Hongkong SHABU SHIPMENT MULA LAOS, THAILAND MAAGANG NA-MONITOR NG PDEA

MAY hawak nang intelligence information ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dalawang linggo bago ang nakatakdang pagpupuslit ng mahigit isang toneladang shabu mula Laos at Thailand patungong Pilipinas, kaya naihanda na ang isasagawang interdiction operation, ayon kay PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez. Sa pulong-balitaan sa punong tanggapan ng PDEA sa Quezon City, sinabi ni Nerez na nakipag-ugnayan na siya kay Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro, Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Antonio G. Nafarrete at Philippine Navy dalawang linggo bago ang nakatakdang delivery…

Read More

Sa mga dadalaw sa MNC, MSC PUNTOD ONLINE FINDER GAMITIN – MANILA LGU

PINAYUHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang mga dadalaw sa Manila North Cemetery at Manila South Cemetery na gamitin ang Puntod Online Finder upang madaling maghanap ang puntod ng yumao nilang mahal sa buhay. Karamihan sa mga puntod ay matagal na ring hindi nabibisita kaya hinikayat ng Manila LGU ang publiko na hanapin ito sa pamamagitan ng nasabing online finder kapag sila ay maglilinis bago ang Undas 2026 o kaya sa kanilang pagbisita sa sementeryo sa Nobyembre 1. Payo ng lokal na pamahalaan na Maynila na mas maiging gamitin ang…

Read More

Pinarerebisa ng Ombudsman ‘MAIN PLUNDERER’ DOCTRINE NAGAGAMIT NA SHIELD NG MGA SABIT SA FLOOD SCAM

UMAPELA ang Office of the Ombudsman sa Korte Suprema na muling suriin ang “main plunderer doctrine,” na umano’y nagiging panangga ng mga politiko at iba pang indibidwal na sangkot sa kontrobersyal na flood control scam. Ito ay kasunod ng panawagan ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla sa isang press conference na rebisahin ng Kataas-taasang Hukuman ang nasabing doktrina, na aniya’y nagpapahirap sa pag-usig sa mga kasong plunder o pandarambong. Ayon kay Remulla, walang probisyon sa Republic Act No. 7080 o Anti-Plunder Law na nag-aatas na tukuyin at patunayang may pangunahing…

Read More

KORUPSYON SA GOBYERNO SINISI SA LUGMOK NA EKONOMIYA

IGINIIT ni Senate President Sherwin Gatchalian na ang korupsyon sa pamahalaan ay isang pangunahing panganib sa paglago ng ekonomiya ng bansa at nagiging dahilan upang magdalawang-isip ang mga dayuhang mamumuhunan na magnegosyo sa Pilipinas. Ayon kay Gatchalian, umabot sa P2.75 trilyon ang nawala sa ekonomiya mula noong ikalawang quarter ng 2025 dahil sa korupsyon at inflation, kabilang ang aktuwal na pagkalugi at mga nawalang oportunidad. Ipinaliwanag ng Senate President na nagmumula ang aktuwal na pagkalugi sa paghina ng local consumption at government spending para sa imprastraktura, habang makikita naman sa…

Read More

‘SARA, SARA LABANDERA’ CHANT UMALINGAWNGAW SA PROTESTA

MULING umalingawngaw ang chant na “Sara, Sara Labandera” sa protesta sa labas ng Senado, kung saan nanawagan ang mga raliyista na hatulang guilty si Vice President Sara Duterte sa nagpapatuloy na impeachment trial kaugnay ng mga alegasyon ng unexplained wealth. Tinatayang 12,500 katao ang lumahok sa protesta sa Jose W. Diokno Boulevard, ayon sa Akbayan Party-list, isa sa mga nag-organisa ng demonstrasyon. Sa bilang ng mga organizer, humigit-kumulang 2,500 ang mula sa Akbayan, habang 10,000 naman ang kinatawan ng iba pang civil society groups. Kabilang sa mga lumahok ang Akbayan…

Read More

1 SUGATAN, 4 BAHAY NAABO SA SUNOG

ANIM na pamilya ang nawalan ng matitirahan at isang lalaki ang nasugatan nang sumiklab ang sunog sa Carmona City, Cavite noong Sabado ng gabi. Ayon sa ulat, bandang alas-7:28 ng gabi nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa Brgy. Cabilang Baybay, Carmona City, Cavite. Mabilis ang paglagablab ng apoy at nadamay ang apat na kabahayan. Ang mga nasunugan ay kasalukuyang nanunuluyan sa isang evacuation area sa Brgy. Cabilang Baybay. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid kung ano ang pinagmulan ng sunog. (SIGFRED ADSUARA) 233

Read More

ASHFALL IBINABALA SA BULKANG TAAL

NAGBABALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa posibleng pagbagsak ng manipis na ashfall sa Agoncillo, Lemery, San Nicolas at Taal, gayundin sa mga karatig-lugar sa Batangas. Gayunman, sa kabila ng pagputok noong Huwebes ng gabi, nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal. Pinayuhan naman ang publiko na manatiling mapagmatyag at sumunod sa mga abiso ng Phivolcs at lokal na pamahalaan. Magugunitang umabot sa 29 pamilya mula sa bayan ng Agoncillo, Batangas ang inilikas bilang pag-iingat matapos ang limang minutong phreatomagmatic eruption ng Bulkang Taal noong Huwebes…

Read More

LACSON: SEN. ALAN NATATARANTA NA SA ISYU NG TAGUIG

MULING pinasaringan ni Senador Panfilo Lacson si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, na inakusahan niyang nagpapakita ng pagkataranta sa pagtatangkang baligtarin ang usapin sa mga umano’y maanomalyang proyektong pang-imprastraktura at ilegal na reclamation sa Taguig. Ayon kay Lacson, ginawa ito ni Cayetano sa pinakahuli nitong Facebook Live na tinawag niyang “live selling.” Hinamon ni Lacson si Cayetano na pangalanan ang mga indibidwal na umano’y nagsabing binantaan niya ang mga ito upang direkta niyang masagot ang naturang alegasyon. Binigyang-diin din ng senador na walang anomang pagtatangkang baluktutin ang kuwento ang…

Read More

SEN. ERWIN TULFO, NAGBABALA SA POWER COMPANIES VS ABUSADONG SINGIL, BAWAS-SERBISYO SA PANAHON NG SUPER EL NIÑO

NAGBABALA si Senate Committee on Energy Chairman Senador Erwin Tulfo sa mga power generation company at distribution utility laban sa hindi makatarungang pagtataas ng singil sa kuryente at pagbabawas ng serbisyo sa harap ng inaasahang epekto ng “Super El Niño.” Kasunod ito ng babala ng Department of Energy (DOE) at ilang electric cooperative hinggil sa posibleng pagtaas ng singil sa kuryente at mga rolling blackout dahil sa inaasahang pagtaas ng demand at paghina ng suplay ng kuryente. Ayon kay Tulfo, bagama’t inaasahang maaapektuhan ang presyo at suplay ng kuryente, dapat…

Read More