LAST MINUTE INSERTIONS SA 2027 BUDGET TATABLAHIN

TINIYAK ni Senate Committee on Finance Chairman Sen. JV Ejercito na hindi nila papayagan ang last-minute insertions o amendments sa panukalang pambansang badyet para sa 2027, kabilang na hanggang sa bicameral conference committee. Sinabi ni Ejercito na ipagpapatuloy ng Senado ang mga repormang sinimulan noong nakaraang taon upang maiwasan ang mga kwestyonable at hindi makatwirang budget insertions. Binigyang-diin ng senador na magkakaroon ng assessment sa bawat amyenda sa budget at dapat itong isapubliko. Padadaluhin din aniya ang mga civil society organization sa proseso, habang muling ila-live stream ang mga bicameral…

Read More

Sa gitna ng problema sa basura WASTE-TO-ENERGY PROGRAM IKAKASA

ITINUTULAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapatupad ng waste-to-energy program bilang hakbang upang matugunan ang lumalaking problema sa basura at makapagbigay ng karagdagang suplay ng kuryente. Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos personal na inspeksyunin ang clearing operations sa Baclaran River sa Parañaque City nitong Martes, Agosto 12, kung saan naipon ang napakaraming basura kasunod ng pagbaha dulot ng Bagyong Maymay at Habagat. Ayon kay Marcos, lumala ang pagbaha matapos matangay sa mga kanal ang basura mula sa iba’t ibang lugar at maipon sa daluyan ng tubig dahil…

Read More

IMPEACHMENT TRIAL IBA SA CRIMINAL CASE – USEC CASTRO

NILINAW ng Malacañang na magkaiba ang nature ng impeachment case at criminal case kaya maaaring sampahan ng criminal complaint si Vice President Sara Duterte habang nagpapatuloy ang impeachment trial laban sa kanya. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, walang legal na hadlang sa paghahain ng criminal case laban sa isang impeachable official habang dinidinig ang impeachment case nito. “Magkaiba po kasi ang criminal case, magkaiba din po ang impeachment. Iba po ang nature ng dalawa,” binigyang-diin ni Castro. Ang paglilinaw ay kasunod ng…

Read More

Usec Castro may duda sa ‘mastermind’ INABANDONANG KABAONG SA METRO MANILA KINONDENA

HINDI ikinatuwa ng pamahalaan ang napaulat na pagkalat at pag-iwan ng mga kabaong sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila nitong Biyernes, Agosto 7. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hindi ikinatutuwa ng pamahalaan at Philippine National Police (PNP) ang naturang insidente, lalo na’t may umiiral na freedom of expression sa bansa. Isa sa mga kabaong ay iniwan sa Boy Scout Circle sa Quezon City at naglalaman ng mga larawan ng dalawang hindi pa nakikilalang indibidwal, gayundin ng mga poster na may…

Read More

BALDWIN, ATENEO PINAGMUMULTA NG DOLE

HINDI nakalusot sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang kontrobersyal na dating Ateneo coach na si Thomas Anthony “Tab” Baldwin matapos pagmultahin ng P4.9 milyon dahil sa kawalan ng Alien Employment Permit (AEP). Bukod kay Baldwin, inatasan din ng DOLE ang Ateneo de Manila University (ADMU) na magbayad ng multa kaugnay ng paglabag sa labor laws. Batay sa desisyong ipinalabas ni Labor Secretary Francis Tolentino, napatunayang nagtrabaho si Baldwin sa Ateneo nang walang AEP at Certificate of Exemption. Pinagbabayad si Baldwin ng P4.9 milyon dahil sa pagtatrabaho sa Ateneo…

Read More

TRO SA DAGDAG-SAHOD PINABABASURA SA SC

KINALAMPAG ng Akbayan Party-list ang Supreme Court (SC) upang hilingin na baligtarin ang naging desisyon ng Pasig Regional Trial Court (RTC) na pumigil sa pagpapatupad ng P85 dagdag-sahod para sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR). Sa pamamagitan ng tinawag nilang “love letter,” hiniling ng grupo sa Korte Suprema na gamitin ang kapangyarihan nito sa ilalim ng Konstitusyon upang imbestigahan ang mga hukom at magsagawa ng pagdinig kaugnay ng posibleng misconduct, gross ignorance of the law, bias at iba pang administrative violations. Umaasa ang Akbayan na mapagbibigyan ang kanilang…

Read More

VP SARA SINAMPAHAN NG 3 COUNTS OF GRAVE THREAT SA QC RTC

OPISYAL nang isinampa ng Department of Justice (DOJ) sa Office of the Clerk of Court ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang tatlong bilang ng kasong Grave Threat laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng umano’y pagbabanta nito sa buhay nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez. Kinumpirma ito ni DOJ Presidential Spokesman Atty. Polo Martinez, na nagsabing nakitaan ng prima facie evidence at matibay na ebidensya ang umano’y pagbabanta ng Vice President na nakuhanan sa video. Isinampa ang…

Read More

FLOOD CONTROL PROGRAM, MAY PONDO NA SA 2027 BUDGET

MULA sa zero budget noong 2026, pinaglaanan na ng P107.4 bilyon ang flood control program sa ilalim ng 2027 National Expenditure Program (NEP). Ayon kay DBM Acting Secretary Kim Robert de Leon, kailangan nang pondohan ang mga flood control program dahil may mga proyektong kailangang ituloy ng pamahalaan. Sa nasabing alokasyon, P19.6 bilyon ang nakalaan para sa capital outlay, habang P3.41 bilyon naman ang para sa flood control programs ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kabilang ang maintenance at operasyon ng mga flood control structure gaya ng pumping stations. “Hindi…

Read More

2027 BUDGET BUBUSISIIN PARA MATIYAK NA BAWAT PISO AY MAPAKIKINABANGAN NG MGA PILIPINO — SPEAKER DY

NANGAKO si House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III nitong Martes na masusing susuriin ng House of Representatives ang panukalang pambansang badyet para sa 2027 upang matiyak na ang bawat pisong ilalaan ay magdudulot ng konkretong pakinabang sa mga Pilipino. Sa pormal na pagtanggap ng Kamara sa 2027 National Expenditure Program (NEP), sinabi ni Dy na mananatiling sentro ng proseso ng pagbabadyet ang kapakanan ng mga Pilipino, alinsunod sa tema ng pamahalaan na “People-Centered Growth for an Inclusive and Resilient Future.” “Hindi sapat na sabihin kung magkano ang ginagastos. Dapat…

Read More