TASK FORCE 92, DINEPLOY NG PHILIPPINE ARMY PARA SA BARMM ELECTION

DINEPLOY ng Philippine Army ang Task Force 92, na hinugot mula sa 1st Brigade Combat Team (1BCT), bilang suporta sa ligtas, maayos at mapayapang pagsasagawa ng 2026 Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Election. Sa send-off ceremony sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija, pinaalalahanan ni 1BCT Commander Brig. Gen. Von Albert M. Sumergido ang mga sundalo na panatilihin ang pinakamataas na pamantayan ng propesyonalismo, disiplina, integridad at paggalang sa karapatang pantao sa buong panahon ng kanilang misyon. Binigyang-diin din ni Sumergido ang kahalagahan ng pagiging walang kinikilingan sa anumang…

Read More

CHRISTMAS ACTIVITY, APPRECIATION NIGHT PINONDOHAN NG CONFI FUND NI VP SARA

INISA-ISA sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ang ilang aktibidad na pinaggamitan umano ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd). Sa ika-14 na araw ng impeachment trial, iginiit ni Commission on Audit-Intelligence and Confidential Funds Audit Office (COA-ICFAO) State Auditor Xylene del Campo na hindi compliant o hindi nakasunod ang OVP sa Joint Circular 2015-01 kaugnay ng mga aktibidad na maaaring paggamitan ng confidential funds. Ipinakita ni Del Campo ang listahan ng confidential activities ng OVP na pinaggamitan ng…

Read More

PBBM AMINADO: KONTRA-BAHA NG GOBYERNO KULANG PA

AMINADO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na epektibo ang mga ginagawa ng pamahalaan laban sa pagbaha, subalit marami pa ring kailangang gawin upang tuluyang matugunan ang problema. Ito ang sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati matapos inspeksyunin ang High Vacuum Self-Priming Drainage Trailer Pump sa Alido Bridge, Barangay Zapote, Las Piñas City, nitong Martes. Ayon kay Pangulong Marcos, nagkaroon ng epekto ang patuloy na dredging na isinagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos niya itong ipag-utos. “Malakas ang ulan nung nakaraang ilang araw at mabuti naman…

Read More

UNPROGRAMMED, CONFI FUNDS PASOK PA RIN SA 2027 BUDGET

INAMIN ng Department of Budget and Management (DBM) na mayroon pa ring unprogrammed at confidential funds sa ilalim ng 2027 proposed national budget, subalit mas maliit ang mga ito kumpara sa mga nakaraang taon at tiniyak na gagamitin lamang sa itinakdang layunin. Sa press conference matapos ang pagsusumite ng panukalang badyet sa Kamara, sinabi ni DBM Acting Secretary Kim Robert de Leon na ang unprogrammed appropriations sa National Expenditure Program (NEP) ay may “strict uses” at nakapailalim sa mga umiiral na patakaran sa paggamit ng pondo. Nasa P111.984 bilyon ang…

Read More

NDRRMC NANATILING RED ALERT; DEATH TOLL SA MASAMANG PANAHON, UMAKYAT SA 19

KASUNOD ng isinagawang pagpupulong ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at mga tanggapan ng gobyernong nasa ilalim nito, nananatiling naka-red alert status ang nasabing ahensiya hanggang nitong Martes para patuloy na matutukan ang pinagsama-samang epekto ng Tropical Storm Luis, Maymay at ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat. Nagpulong nitong hapon ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at uniformed services para sa nagpapatuloy na koordinasyon kaugnay ng epekto ng Bagyong Maymay at Habagat at pagtugon ng pamahalaan sa sinasabing nasa 19 na bilang ng…

Read More

LALAKING NANISID NG TALABA, PATAY

WALA nang buhay ang isang 56-anyos na lalaki nang iahon matapos sumisid upang kumuha ng pang-ulam at pangbentang talaba sa Kawit, Cavite noong Lunes ng hapon. Dineretso ang biktimang si alyas “Alejandro”, may asawa, ng Brgy. Toclong, Kawit, Cavite, sa isang punerarya matapos ideklarang wala nang pintig ang kanyang pulso ng nagrespondeng mga tauhan ng MDRRMO ng Kawit, Cavite Ayon sa ulat, sumisid ang biktima upang kumuha ng mga talaba sa Tulay Malamok sa Tirona Highway, Brgy. Kanluran, Kawit, Cavite, bandang alas-2:00 ng hapon pero hindi na ito lumutang. Sinisid…

Read More

2 TIRADOR NG PANABONG, NILAMOG SA BUGBOG

BUGBOG-SARADO sa taumbayan ang dalawang lalaki makaraang magnakaw ng labing-isang panabong na manok na nagkakahalaga ng P55,000 sa Imus City, Cavite noong Lunes ng umaga. Nahaharap sa kasong theft at trespass to dwelling ang arestadong mga suspek na sina alyas “Ramir”, 33, construction worker, ng Brgy. Poblacion IV-C, Imus City, at “Christian”, 22, walang trabaho, ng Brgy. Bayan Luma V, Imus City dahil sa reklamo nina alyas “Jayro”, 61, may-ari ng mga panabong, residente ng Brgy. Bayan Luma 5, Imus City, at “Carmina”, 35, may-ari ng isang carwash kung saan…

Read More

MERALCO 24/7 NA NAGTATRABAHO PARA MAIBALIK ANG SERBISYO NG KURYENTE SA MGA LUGAR NA APEKTADO NG HABAGAT

Tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco) na walang tigil ang pagtatrabaho ng mga crew at personnel ng kumpanya para ligtas na maibalik ang serbisyo ng kuryente sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng Habagat. Makikita sa larawan ang mga crew ng Meralco na nagsasaayos ng mga pasilidad ng kuryente sa Meycauayan, Bulacan. “Nagpapasalamat kami sa aming mga customer sa kanilang pang-unawa at tulong na maiparating sa amin ang mga alalahanin sa serbisyo ng kuryente para mabilis namin itong maaksyunan. Makakaasa ang aming mga customer na hindi titigil ang aming mga…

Read More

Nalunod sa rescue operation; BENEPISYO NG PAMILYA NI PMS MARFA INAAYOS NA

NAGPAABOT ng pakikiramay ang Pambansang Pulisya sa pagkasawi ni Police Master Sergeant Fernando Marfa ng Cadiz Component City Police Station. Si Marfa ay nasawi noong Agosto 7 makaraang iligtas ang kanyang dalawang kasamahan na muntik nang malunod habang nagsasagawa ng seaborne patrol sa Cadiz City, Negros Occidental. Ayon kay PNP Public Information Office chief, Col. Allen Rae Co, inaayos na ng Philippine National Police ang mga benepisyong matatanggap ng pamilya ni Marfa. Aniya, kinikilala at pinahahalagahan ng PNP ang tapang at sakripisyo ni Marfa. (TOTO NABAJA) 185

Read More