INUTOS ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Undersecretary Isagani Nerez ang masinsing manhunt laban sa grupong nakapatay ng isang PDEA agent at nakasugat sa isang senior Philippine Marine officer sa isinagawang joint anti-drug operation sa Bongao, Tawi-Tawi. Ayon sa PDEA, target ng operasyon sina alias Antonio, alias Nasser, alias Abon at dalawa pang hindi nakikilalang lalaki na nakatakas matapos ang halos tatlong oras na engkuwentro. Nauwi sa matinding bakbakan ang joint operation ng PDEA-BARMM at Philippine Marine Battalion Landing Team-4 laban sa grupo ni Jimhar Jawadil, alyas “Boss…
Read MoreCategory: BALITA
P11.6-M HALAGANG SHABU, NASAMSAM NG BOC SA PORT OF CLARK
TINATAYANG P11.6 milyong halaga ng shabu na itinago sa mga piyesa ng sasakyan ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC)–Port of Clark sa pakikipag-ugnayan sa Clark Inter-Agency Task Force Against Illegal Drugs. Ayon sa BOC, ang kargamento mula South Africa na nakatakdang ihatid sa Angeles City, Pampanga ay naglalaman ng 1,706 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu. Nadiskubre ang kontrabando matapos makitaan ng kahina-hinalang imahe ang shipment sa X-ray Inspection Project at magpositibo sa K-9 sniff test, dahilan upang isailalim ito sa 100% physical inspection. Natagpuan ng mga awtoridad ang…
Read MorePBBM SA GOV’T AGENCIES: MANATILING ‘HEIGHTENED ALERT’
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na manatiling naka-“heightened alert” habang patuloy na nararanasan ang epekto ng Southwest Monsoon o Habagat. Ito’y bunsod ng pagbaha sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon dahil sa malakas na pag-ulan nitong Linggo. “The President is closely monitoring the impact of the Habagat, particularly the situation in flood-prone areas and the rising water levels in dams and reservoirs,” ayon sa Malacañang. “He has directed concerned agencies to remain on heightened alert, closely coordinate on water releases, and…
Read MorePara sa 55% ng Pinoy – Survey EBIDENSIYA MUNA SA IMPEACHMENT TRIAL NI VP SARA
TINATAYANG 55% ng mga Pilipino ang naniniwalang dapat munang makita at masuri ang mga ebidensyang ihaharap bago magpasya ang mga senador bilang mga hukom sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, ayon sa pinakabagong non-commissioned survey ng OCTA Research. Sa impeachment trial, conviction o acquittal lamang ang maaaring maging pinal na pasya ng mga senador bilang impeachment court. Batay sa July 2026 Tugon ng Masa (TNM) nationwide survey, sinabi ng OCTA Research na “it is still too early to decide” para sa mayorya ng mga Pilipino at nais muna…
Read MorePUBLIKO PINAG-IINGAT NG DOH SA LEPTOSPIROSIS
PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa leptospirosis sa gitna ng patuloy na pag-ulan at pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa isang statement, pinaalalahanan ng DOH ang publiko na iwasang lumusong sa tubig-baha upang makaiwas sa sakit. Kung hindi naman maiiwasang lumusong sa baha, pinapayuhan ang publiko na magsuot ng boots at iba pang proteksyon sa katawan, at agad na kumonsulta sa doktor para sa tamang payo at reseta, kabilang ang Doxycycline prophylaxis kung kinakailangan. Maaari ring tumawag sa National Emergency Hotline na 911 kapag…
Read MoreCAYETANO TEAM NAGHATID NG TULONG SA MGA BINAHANG LUGAR SA PARAÑAQUE, CAVITE AT LAS PIÑAS
NAGHATID ng pagkain at inumin ang Emergency Response Team ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa Parañaque, Cavite at Las Piñas habang patuloy ang pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat. Sa Barangay San Isidro, Parañaque City, nakipag-ugnayan ang grupo sa mga barangay responder at rescue personnel na nagsasagawa ng clearing at recovery operations. Ayon kay Barangay Chairman Noel Japlos, walang naitalang nasawi at tuloy-tuloy ang paglilinis ng mga natumbang puno, creek at kanal upang maiwasan ang panibagong pagbaha. Sa Cavite, namahagi rin…
Read MoreEXTRADITION NI QUIBOLOY INAARAL PA NG PHL GOV’T — MALACAÑANG
PINAG-AARALANG mabuti ng gobyerno ng Pilipinas ang kahilingan ng Estados Unidos na i-extradite ang lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo Quiboloy, ayon sa Malacañang. Si Quiboloy, na kasalukuyang nakapiit sa Pasig City Jail, ay nahaharap sa mga kasong child sex trafficking, bulk cash smuggling at iba pang kaso sa Estados Unidos, bukod pa sa mga lokal na kaso ng qualified human trafficking at child abuse. “Sinabi po niya (Pangulong Ferdinand Marcos Jr.) na kailangan ‘tong pag-aralang mabuti. Pero in a couple of weeks ay magbibigay…
Read MoreBASURA LUMUTANG SA BASECO BEACH
LUMUTANG ang tambak na mga basura sa Baseco Beach sa Maynila kasabay ng pagtaas ng tubig-dagat at malakas na alon dulot ng patuloy na malakas na pag-ulan na nagsimula pa nitong mga nakaraang araw. Ilang tonelada ng mga basura ang tinangay at naipon sa baybayin ng dagat bunsod ng pagtaas ng alon na tinatayang tatlong talampakan ang taas, habang mataas ang lebel ng tubig dahil sa high tide. Dahil dito, agad nagsagawa ng puspusang clearing operations ang Department of Environment and Public Services (DEPS) ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila. Sa…
Read MorePUJALTE OUT, DR. MERCADO IN BILANG KALIHIM NG DOH — MALACAÑANG
INANUNSYO ng Malacañang na itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Lunes, Agosto 10, si Dr. Edwin Mercado bilang bagong kalihim ng Department of Health (DOH). Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, si Dr. Mercado ay kasalukuyang Acting President and Chief Executive Officer ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), kung saan siya itinalaga noong Pebrero 2025. Bago ang kanyang appointment bilang DOH Secretary, nagsilbi si Dr. Mercado bilang medical director ng Daniel Mercado Medical Center mula 1998 hanggang 2000 at naging president…
Read More