MARK VILLAR SUPORTADO PANUKALANG MAGPAPALAWIG SA LIBRENG TERTIARY EDUCATION

IPINAHAYAG ni Senador Mark Villar ang buong suporta nito sa Senate Bill No. 1894 o panukalang magpapalakas sa implementasyon ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act. Bumoto pabor si Villar sa panukala at nagpahayag din ng intensyong maging co-author nito kasabay ng pagbibigay-diin na hindi lamang libreng matrikula ang problema ng maraming estudyante kundi maging ang pang-araw-araw nilang gastusin. “Marami pa ring kabataang Pilipino ang nangangarap makapagtapos ng kolehiyo ngunit hirap na hirap matustusan ang kanilang pang-araw-araw na gastusin sa pag-aaral,” ani Villar. “Hindi lamang tuition ang problema ng…

Read More

Walang atrasan! BARDAGULANG KIKO VS ROBIN SA SENADO

HINDI uurungan ni Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan si Senator Robinhood Padilla matapos itong magbanta na magsampa ng ethics complaint laban sa kanya kaugnay umano ng pagsigaw sa sesyon ng Senado. Ayon kay Pangilinan, handa rin siyang maghain ng kontra-reklamo sa Ethics Committee laban kay Padilla dahil sa umano’y paglabag sa parliamentary rules, pagiging out of order at kawalan ng proper decorum. Nag-ugat ang tensyon sa plenary session noong Martes habang tinatalakay ang Senate Resolution 44 na nagsasaad na dapat idaan muna sa local court ang anomang warrant of arrest mula…

Read More

Prenup agreement nina Bea at Vincent, gusto nga bang gawing parang endorsement contract ng talent manager ng aktres?

BIGLANG umingay sa social media ang kasalang Bea Alonzo at Vincent Co, na base sa huling mga ulat ay naudlot na raw. Isa sa mga pinagdududahang dahilan ng problema ay ang labis umanong pagsawsaw ng manager ni Bea na si Shirley Kuan. Ayon sa mga taong may alam sa mga paghahanda sa kasal, marami ang nagulat sa pagiging sobrang “hands-on” umano ni Kuan, lalo na pagdating sa mga detalye ng prenup agreement. “Akala mo endorsement contract na may komisyon siya kung makialam,” litanya raw ng isang taong malapit sa magkasintahan.…

Read More

PULIS TIKLO SA P.7-M DROGA SA PAMPANGA

ISANG pulis na kabilang sa drug watchlist, ang naaresto sa buy-bust operation na isinagawa ng Police Regional Office 3 (PRO3) sa Lungsod ng San Fernando, sa Lalawigan ng Pampanga nitong Mayo 12, 2026. Ang suspek na isang 28-anyos na patrolman na nakatalaga sa Mexico Municipal Police Station sa Pampanga, ay naaresto dakong alas-11:49 ng umaga sa Purok 5, Brgy. San Jose, Lungsod ng San Fernando, Pampanga. Ang operasyon kontra ilegal na droga ay magkatuwang na isinagawa ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Pampanga Police Provincial Office bilang lead unit,…

Read More

3 BUS SINUSPINDE SA MADUGONG AKSIDENTE SA SORSOGON

INIHAYAG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa ilalim ng patnubay ni DOTr Sec. Giovanni “Banoy” Z. Lopez, na pansamantalang sinuspinde sa loob ng 30 araw ang operasyon ng hindi bababa sa tatlong yunit ng isang kumpanya ng bus kasunod ng pagkakasangkot ng isa sa kanilang mga bus sa isang nakamamatay na aksidente sa kalsada sa Juban, Sorsogon. Nabatid sa ulat na dalawang pasahero ng isang pribadong sasakyan ang namatay habang siyam na iba pa ang malubhang nasugatan sa hindi magandang pangyayaring naganap noong Mayo 11 sa Maharlika…

Read More

BAGONG RICKY REYES HAIR CLINIC BRANCH, BINUKSAN SA BATANGAS

OPISYAL nang binuksan noong Mayo 11, 2026 ang bagong sangay ng Ricky Reyes Hair Clinic sa Lifestyle Mall sa Santo Tomas, Batangas. Pinangunahan ni Ricky Reyes ang ribbon-cutting ceremony at blessing kasama ang panauhing pandangal na si Jo Ann Uy, Cedrick Eliponga na kampeon ng 29th APHCA Hair-Beauty Olympic, Ador Blaza, Liz Mabao, at Marck Marasigan. Kilala bilang isa sa pinakamabilis lumagong hair clinic sa bansa, patuloy na nagbibigay ang Ricky Reyes Hair Clinic ng iba’t ibang solusyon para sa problema sa buhok. Sa susunod na dalawang buwan, plano rin…

Read More

HINDI LANG SI VP SARA ‘NASA TRIAL’ SA IMPEACHMENT PROCEEDINGS – INTON

HINDI lamang si Vice President Sara Duterte ang nakasalang sa impeachment trial kundi maging ang mga demokratikong institusyon ng bansa. Ito ang pananaw ni Atty. Ariel Inton kaugnay ng muling pag-impeach ng House of Representatives kay VP Sara Duterte. Ayon kay Inton, tapos na ang proseso sa Kamara at nasa Senado na ang susunod na yugto ng impeachment proceedings. “Tapos na sa House. Ang laban ay sa Senado na. Pero hintayin natin ang magiging pasya ng Korte Suprema sa mga kaso na isinampa tungkol sa proseso ng impeachment,” ani Inton.…

Read More

GRUPONG SANDUGO NANGALAMPAG SA SENADO

SUMUGOD sa Senado ang grupong Sandugo sa pangunguna ni Ka Jet Gonzaga upang ipanawagan sa mga senador ang pagpapatuloy ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay Ka Jet, nararapat lamang na managot umano si Duterte sa mga alegasyon laban dito, partikular sa umano’y paglustay ng pondo ng bayan. Sinabi rin nito na dapat makamit ng mamamayan ang hustisya kaugnay ng isyu. Bukod sa panawagan para sa impeachment, hinimok din ni Ka Jet si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na sumuko at harapin ang proseso ng batas.…

Read More

PAGPAPALAKAS SA PARENT-TEACHER AND COMMUNITY ASSOCIATIONS, APRUB SA KOMITE NG KAMARA

INAPRUBAHAN ng House Committee on Welfare of Children ang isang panukalang batas na naglalayong gawing institusyonal at palakasin ang papel ng Parent-Teacher and Community Associations (PTCAs) sa mga pampublikong paaralan. Ang substitute bill ay pinagsamang bersyon ng House Bills Nos. 415, 2972 at 4069 na inakda nina Reps. Lani Mercado-Revilla, Bryan Revilla, Ramon Jolo Revilla III, Martin Romualdez at Yedda Marie Romualdez. Ayon kay Ako Ilokano Party-list Rep. Richelle Singson na siyang chairperson ng komite, mahalagang hakbang ito dahil matagal nang umiiral ang PTCA sa pamamagitan lamang ng administrative issuances…

Read More