ILANG lugar sa Batangas City ang nakaranas ng pagbaha noong Sabado ng umaga, Agosto 8, kasunod ng tuloy-tuloy at malakas na pag-ulan na dulot ng southwest monsoon o habagat. Gutter-deep ang baha sa Lawas Junction sa Barangay Calicanto, habang ilang bahagi rin ng lungsod ang binabaha dahil sa walang tigil na buhos ng ulan. Kabilang dito ang ang Barangay Kumintang kung saan mabilis na tumaas ang tubig sa ilang bahagi ng lugar. Sa bayan ng Balayan ay baha na rin sa harapan ng Bonville Subdivision dahil sa malakas at walang…
Read MoreCategory: BALITA
COA PIPIGAIN SA CONFI FUND NI VP SARA
AALAMIN ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sa Commission on Audit (COA) kung nagsagawa ito ng fraud audit sa paggamit ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte. Sinabi ni Lacson na isa ito sa mga magiging tanong niya sa COA sa pagpapatuloy ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. Ipinaliwanag ng senador na mayroon ding Anti-Fraud Division ang COA na maaaring magsagawa ng fraud audit kapag may nakitang iregularidad sa paggamit ng pondo ng isang ahensya. Kung nagsagawa na umano ng fraud audit ang COA, posibleng malayo na…
Read MoreQC NAG-AALOK NG LIBRENG TEKNIKAL NA PAYO SA SOLAR PANELS INSTALLATION
NAG-AALOS ang Quezon City government ng libreng teknikal na gabay sa mga residente at negosyo na nagpaplanong mag-install ng solar panels sa rooftop sa pamamagitan ng Helpline 122. Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, ang mga lisensyadong electrical engineer ng QC Engineering Department ang magbibigay ng gabay sa mga interesado, kabilang ang pagpili ng tamang laki ng solar system, teknikal na requirement, kinakailangang permit at pagtukoy sa mga akreditadong solar service provider na nakarehistro sa Department of Energy (DOE). Sinabi ni Belmonte na layunin ng programa na gawing mas accessible…
Read MoreROMUALDEZ POSIBLE PA RING ‘MANOK’ NI PBBM SA 2028 — INTON
NANINIWALA si Atty. Ariel Inton na nasa plano pa rin ni dating House Speaker Martin Romualdez ang pagtakbo sa presidential elections sa 2028. Ayon kay Inton, habang tumatagal ay tila lumalabo ang mga kasong iniuugnay kay Romualdez kaugnay ng umano’y trillion-peso flood control scam, kaya posible pa rin umanong siya ang maging pambato ng kanyang pinsang si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 2028. Sinabi ni Inton na bago uminit ang isyu ng flood control at habang Speaker pa si Romualdez, tinitingnan na ito bilang posibleng presidential candidate ng mga…
Read MoreP3-M SMUGGLED CIGARETTES, NASAMSAM NG PCG SA ZAMBOANGA CITY
TINATAYANG P3 milyon halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang passenger vessel sa Zamboanga City nitong nakalipas na linggo. Ayon sa PCG, nadiskubre ang mga assorted na sigarilyo na nakatago sa iba’t ibang bahagi ng barko matapos itong matunton sa isinagawang K9 security inspection. Tinatayang nasa P3,058,600 ang kabuuang halaga ng mga nasamsam na kontrabando. “The operation stemmed from intelligence information that alleged undocumented imported cigarettes were bound for Zamboanga City,” ayon sa PCG. Hindi itinanggi ng apat na crew…
Read MoreAGFO SA MGA OPISYAL NG GOBYERNO: SUMUNOD SA POLISIYA NG PILIPINAS SA WPS O MAGBITIW
NAGLABAS ng manifesto ang Association of General and Flag Officers (AGFO), na binubuo ng mga retirado at aktibong heneral, na nananawagan sa mga opisyal ng pamahalaan na humanap ng judicial remedies o magbitiw sa puwesto kung hindi nila kayang suportahan ang opisyal na posisyon ng bansa sa West Philippine Sea (WPS). Ayon sa AGFO, na pinamumunuan ni retired Police Major General German Doria, ang pagsunod sa mga legal na obligasyon ng Pilipinas sa WPS ay usapin ng pagtalima sa batas at hindi ng pampulitikang paninindigan. Iginiit ng grupo na ang…
Read MorePBBM HUMIRIT SA KONGRESO NA SUSPENDIHIN IMPLEMENTASYON NG RPVARA
HINILING ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na suspendihin ang pagpapatupad ng Real Property Valuation and Assessment Reform Act (Republic Act No. 12001) upang maiwasan ang dagdag na gastos sa mga negosyo, mahikayat ang pamumuhunan at matiyak ang maayos na paglipat sa bagong property valuation system. Sa isinagawang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting sa Malacañang, kabilang sa mga inilahad ng Pangulo ang mga priority measure ng administrasyon. Alinsunod din ito sa kanyang panawagan sa State of the Nation Address (SONA) na pansamantalang ipagpaliban ang implementasyon ng Real Property…
Read MorePUBLIKO HINIKAYAT NI SPEAKER DY NA MAKILAHOK SA PAGBUO NG MGA BATAS
BUTUAN CITY — Hinikayat ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang mga Pilipino mula sa iba’t ibang sektor na aktibong makibahagi sa proseso ng paggawa ng batas, kasabay ng pagdadala ng Kamara de Representantes ng programang LegisHear sa Mindanao. Sa video message na ipinalabas sa pagbubukas ng LegisHear sa Butuan City nitong Biyernes, sinabi ni Dy na ang pinakamahuhusay na batas ay hindi lamang binubuo ng mga mambabatas kundi ng mamamayang kanilang pinaglilingkuran. Aniya, layunin ng LegisHear na ilapit ang Kongreso sa publiko sa pamamagitan ng pakikinig sa…
Read MoreMALACAÑANG PINAAARAL NA SA DOJ ANG EXTRADITION REQUEST NG U.S. LABAN KAY QUIBOLOY
BINIGYAN na ng go signal ng Malacañang ang Department of Justice (DOJ) na pag-aralang mabuti ang extradition request ng pamahalaan ng Estados Unidos laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy. Kasunod ito ng kumpirmasyon na natanggap na ng DOJ ang mga dokumentong may kaugnayan sa extradition request kaugnay ng mga kasong sex trafficking, visa fraud at iba pang reklamo. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, natanggap na ng DOJ ang “voluminous records” mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) matapos itong iendorso ng ahensya. “Kahapon…
Read More