TINIYAK ni Senate President Alan Peter Cayetano na agad aaksyunan ng Senado ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte at susundin umano nila ang itinatakda ng Konstitusyon. “There won’t be delays,” sabi ni Cayetano sa panayam sa mga mamamahayag. “We will do what has to be done. Judge us by our actions,” dagdag nito. Nang tanungin kung agad bang magco-convene ang Senado bilang impeachment court sa oras na matanggap ang Articles of Impeachment, diretsahang sumagot si Cayetano ng “Forthwith.” Ayon kay Cayetano, tuloy-tuloy ang konsultasyon ng liderato…
Read MoreCategory: BALITA
AFP NAG-DEPLOY NA NG MARINES SA SENADO
KINUMPIRMA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may naka-deploy na contingent ng Philippine Marines sa paligid ng Senado bilang bahagi ng regular security operations. Ayon kay AFP Spokesperson Francel Margareth Padilla, walang kaugnayan ang deployment sa mga kasalukuyang kaganapan sa Senado. “To confirm, we really have deployments to different areas, different institutions. So over and above the Senate, we also have deployments in Malacañang Palace at kung napapansin ninyo, meron din po tayo sa mismong rebulto ni Dr. Jose Rizal,” ani Padilla. Ipinaliwanag ni Padilla na matagal nang…
Read MoreBALWARTE NI VP SARA SA VISMIN NAYANIG SA IMPEACHMENT VOTE – SOLON
NAYANIG ang itinuturing na “southern stronghold” ni Vice President Sara Duterte matapos bumoto ang malaking mayorya ng mga kongresista mula sa Visayas at Mindanao pabor sa impeachment laban sa kanya. Ayon kay House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur, ipinakita ng resulta ng botohan na lumampas na sa usapin ng rehiyon at pulitika ang panawagan para sa pananagutan. Sa pinal na tala ng Kamara na 257-25-9, lumabas na 43 sa 50 mambabatas mula sa Visayas ang bumoto pabor sa impeachment habang 41 naman sa 61 kongresista…
Read MoreKALINGA BILL NASA PINAL NA DELIBERASYON NA SA KAMARA
SUMALANG na sa pinal na deliberasyon sa House of Representatives ang panukalang KALINGA bill matapos ang halos dalawang buwang sunod-sunod na pagdinig kaugnay ng lumalalang krisis sa langis at enerhiya sa bansa. Sa pulong ng Ad Hoc Committee on Legislative Energy Action and Development (LEAD), sinabi ni Marikina City Rep. Miro Quimbo na pinagsasama-sama na sa isang substitute bill ang mga rekomendasyon at resulta ng malawakang konsultasyon sa iba’t ibang sektor. Ayon kay Quimbo, ang KALINGA bill na inihain nina Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III at House Majority Leader…
Read MoreSENADO KINUWESTIYON SA SC SA ‘PAGKANLONG’ KAY SEN. BATO
KINUWESTIYON sa Korte Suprema ng isang high school teacher ang constitutionality ng Senate Resolution No. 44 na naglalayong protektahan ang mga Pilipino laban sa extrajudicial rendition. Sa petisyong inihain nitong Martes, sinabi ni Barry Tayam na labag umano sa Konstitusyon ang Senate Resolution No. 44 at maaari itong magdulot ng “constitutional crisis.” Ayon kay Tayam, malinaw umano sa Konstitusyon na maaari lamang magkaroon ng immunity sa pag-aresto si Senator Ronald “Bato” dela Rosa kung ang kasong kinahaharap nito ay may parusang mas mababa sa anim na taon. “However, kapag ikaw…
Read MoreLALAKI ITINUMBA SA CAVITE
PINAGHAHANAP ng pulisya ang suspek na bumaril at pumatay sa isang lalaki habang nakaupo sa Tanza, Cavite noong Linggo ng umaga. Inilarawan ang suspek na nakasuot ng itim na jacket, tinatayang 5’7″ ang taas at katamtaman ang pangangatawan. Ayon sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga habang nakaupo ang biktimang si alyas “Mark” sa isang kutson sa Brgy. Paradahan 1, Tanza, Cavite nang lapitan ito ng suspek at pinagbabaril na nagresulta sa agaran nitong kamatayan. Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek. Inaalam pa ng pulisya kung ano ang…
Read MoreJEEP INIIWAS SA BANGIN, BUMANGGA SA PUNO: 4 PATAY, 14 SUGATAN
NAUWI sa trahedya ang masaya sanang family outing nang bumangga sa isang puno ang sinasakyan nilang passenger jeep sa provincial road ng Oriental Mindoro na ikinasawi ng apat katao kabilang ang isang menor de edad, habang 14 naman ang sugatan na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Grace Mission Hospital sa Barangay Catiningan, bayan ng Socorro, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office. Ayon sa ulat, nangyari ang sakuna pasado alas-11:45 ng umaga noong Linggo sa Barangay Fortuna ng nabanggit na bayan. Bigla umanong mawalan ng preno ang jeep…
Read MoreP20-M COCAINE NABINGWIT SA KARAGATAN NG PALAWAN
NASA kustodiya na ng Palawan PNP ang tinatayang P20 milyong halaga ng hinihinalang cocaine matapos itong isuko ng dalawang mangingisda na nakabingwit dito habang namamalakaya sa karagatang sakop ng Barangay Taburi sa Rizal municipality. Ayon sa ulat ng Rizal Municipal Police Station, natagpuan ang palutang-lutang na pakete sa dagat noong Linggo sa katimugang bahagi ng Palawan. Nakabalot umano sa itim na plastic ang hinihinalang cocaine na tumitimbang ng dalawang kilo at may tinatayang street value na P20 milyon. Agad itong isinailalim sa kustodiya ng Palawan Police Provincial Office para sa…
Read MoreBALIGOD HUMIRIT NG EXTENSION SA DOJ PARA SA COUNTER-AFFIDAVIT
HUMIRIT ng extension si Atty. Levito Baligod sa Department of Justice (DOJ) upang makapagsumite ng counter-affidavit at karagdagang sinumpaang salaysay hanggang Mayo 25. Kinakaharap ni Baligod ang reklamong cyber libel, perjury at unlawful utterances kaugnay ng alegasyon ng mga dating sundalo at Marines hinggil sa umano’y flood control kickbacks na kinasasangkutan ng ilang opisyal ng gobyerno. Sa ambush interview, sinabi ni Baligod na may pitong testigo umanong nagsabing nakita nila si dating Sen. Leila de Lima habang apat naman ang nagsabing nakita si Fr. Albert Alejo Villanueva na tumanggap umano…
Read More