PINANGUNAHAN nina MMDA Chairman Don Artes, DPWH Sec. Vince Dizon, at San Juan City Mayor Francis Zamora ang pulong ng Metro Manila Council nitong Martes sa Pasig City, kung saan tinalakay ang truck ban, exemption ng fuel trucks sa Unified Vehicular Volume Reduction Program, at ang Oplan Kontra Baha sa Greater Metro Manila. (DANNY QUERUBIN) INAPRUBAHAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga alkalde ng Metro Manila ang isang resolusyon na muling nagpapatibay ng exemption sa Unified Vehicle Volume Reduction Program (UVVPR) o number coding at truck ban para…
Read MoreCategory: BALITA
PNP TINIYAK KAPAKANAN NG MGA PULIS SA GITNA NG MATINDING INIT
TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) ang kapakanan ng kanilang mga tauhan na naka-duty, lalo na ang mga nagsasagawa ng patrol at checkpoints sa gitna ng matinding init ng panahon. Kasabay ng pagsisimula ng tag-init, inatasan ni PNP Chief PGen. Melencio Nartatez Jr. ang mga hepe ng pulisya at unit commander na repasuhin ang deployment strategy ng kanilang mga tauhan. Layunin nitong matiyak na hindi makokompromiso ang kalusugan ng mga pulis, partikular ang mga naka-field duty. Ayon sa PNP chief, kinakailangang maprotektahan ang mga tauhan laban sa mga karaniwang sakit…
Read MoreDOJ PINASASAGOT MAGKAKAPATID NA INAKUSAHAN NG SYNDICATED ESTAFA SA ALITAN SA PUBLISHING GROUP
INATASAN ng Department of Justice (DOJ) ang tatlong magkakapatid na babae na sangkot sa pamamahala ng isang matagal nang educational publishing house sa Pilipinas na sagutin ang kinahaharap nilang kasong kriminal na syndicated estafa at umano’y pandaraya sa Securities and Exchange Commission (SEC). Sa subpoena na inilabas noong Marso 19, 2026, iniutos ni Senior Assistant City Prosecutor Joselito C. Bacolor ng Quezon City Office of the City Prosecutor kay Nila Vibal Mata at sa kanyang mga kapwa respondent na magsumite ng kanilang counter-affidavits sa Abril 16 at Abril 30, 2026.…
Read MoreMARCOS PABOR SA P50/KILO PRICE CAP SA IMPORTED RICE
SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang P50 price cap sa imported na bigas. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nagsumite na ng rekomendasyon ang Department of Agriculture sa National Price Coordinating Council para pag-aralan ang nasabing hakbang. Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na may ilang retailers na nagbebenta ng imported rice sa P55 hanggang P58 kada kilo. Kaya’t isa sa mga hakbang ng DA ang gawing available ang bigas sa P45 hanggang P48 sa piling pamilihan upang mapigil ang pagtaas ng presyo. Binabantayan din…
Read MoreVP SARA ‘DI TIYAK NA DADALO SA DAY 1 NG IMPEACHMENT HEARING
WALANG kumpirmasyon kung dadalo si Vice President Sara Duterte sa unang pagdinig ng kanyang impeachment case ngayong Marso 25. Ayon kay House Justice Committee Chairman Gerville Luistro, wala pa silang natatanggap na anomang abiso mula sa kampo ng Bise Presidente. “Wala tayong nare-receive about the possibility of the Vice President attending our hearing tomorrow,” ani Luistro. Gayunman, tiniyak nito na bukas ang komite para kay Duterte at tuloy-tuloy ang pagpapadala ng imbitasyon sa kanya. “Hangga’t hindi natatapos ang hearing proper, we will keep on sending invitation to her so that…
Read MorePAKIUSAP NI PBBM SA OPERATORS, DRIVERS: PASAHERO TULUNGAN
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga operator at driver na tumulong upang hindi lubusang mabigatan ang mga mananakay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa Parañaque Integrated Terminal Exchange kung saan pinangunahan niya ang pamamahagi ng fuel subsidy. “Please help us so that our riding public will not have too much difficulty,” apela ni Marcos sa transport sector. Sa ilalim ng programa, may P10,000 fuel subsidy kada bus unit, kung saan 27 operator na may 1,096 unit ang nakatanggap…
Read MoreSUSPEK SA P10-M ROBBERY SA BULACAN, ARESTADO
ARESTADO sa isinagawang hot pursuit operation ng Calumpit Police Station ang isa sa apat na mga suspek sa P10-million robbery holdup sa bahay ng isang negosyante sa Bulacan, sa pinagtataguan nito sa Parañaque City noong Linggo ng gabi. Ayon kay PCol. Angel Garcillano, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, ang suspek na kinilalang si alyas “Lupin” ay isa sa mga armadong kalalakihan na nanloob sa bahay ng isang negosyante sa La Residencia Subdivision sa Brgy. Balite, Calumpit, Bulacan noong gabi ng Marso 21. Nabatid na ang suspek ang siyang…
Read MoreLALAKI TINADTAD NG BALA NG TANDEM
PATAY ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Malabanban Sur, Candelaria, Quezon nitong Linggo ng hapon, Marso 22. Kinilala ang biktimang si alyas “Salbakuta”, 35-anyos, naka-backride sa motorsiklo ng kanyang kaibigan. Ayon sa ulat, biglang sumulpot ang mga suspek at pinaputukan ang biktima bandang alas-3:20 ng hapon malapit sa riles ng tren. Natadtad ng bala ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong pagkamatay habang mabilis namang tumakas ang mga suspek makaraan ang pamamaril. Patuloy na nire-review ang mga CCTV at iniimbestigahan ang posibleng motibo sa krimen. Nagsasagawa…
Read MoreCAYETANO, ITINUTULAK HIWALAY NA KAGAWARAN SA PANGINGISDA
NANAWAGAN si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ng pagtatatag ng hiwalay na kagawaran para sa sektor ng pangingisda sa gitna ng tuluy-tuloy na pagbaba ng produksyon ng isda sa bansa. Sa ilalim ng Senate Bill No. 417, isinusulong ni Cayetano ang paglikha ng Department of Fisheries and Aquatic Resources (DFAR) na tututok sa pangangalaga, pamamahala, at pagpapaunlad ng yamang-dagat ng Pilipinas. Base sa ulat, tinatayang nasa 45,472 metric tons ng isda ang nawawala kada taon sa nakalipas na isang dekada—isang sitwasyong nagbabadya ng banta sa food security at pangmatagalang…
Read More