HIGIT 978,000 LOW-INCOME SSS MEMBERS NAKATANGGAP NA NG UPLIFT ASSISTANCE

INIHAYAG ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mahigit 978,000 miyembro ng Social Security System (SSS) na may mababang kita ang nakatanggap na ng P2,000 Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Assistance. Ayon kay DSWD Assistant Secretary at tagapagsalita Irene Dumlao, kabilang ang mga ito sa Group 3 beneficiaries ng programa na inilunsad bilang tugon sa epekto ng krisis sa enerhiya. Ang UPLIFT Assistance ay ipinatutupad sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang bahagi ng social protection program para sa mga pamilyang mahihirap,…

Read More

MALACAÑANG PINALAGAN AKUSASYONG ‘SELECTIVE JUSTICE’ SA PIYANSA NI BONG REVILLA

ITINANGGI ng Malacañang ang alegasyon ng “selective justice” matapos payagan ng Sandiganbayan Third Division si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na makapagpiyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya sa kasong malversation. Nahaharap si Revilla sa kasong malversation na may kaugnayan sa umano’y P92.8 milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang desisyon ay ginawa ng isang independent court at walang kinalaman ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. “Ang pagdedesisyon po iyan,…

Read More

MALAKANYANG SUPORTADO ‘RESIGN APPEAL’ NI TEODORO

SUPORTADO ng Malacañang ang panawagan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa mga opisyal ng pamahalaan na panindigan ang posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang katapatan ng bawat Pilipino ay dapat nakatuon lamang sa bansa, anoman ang kanilang political affiliation. Ayon kay Castro, walang nakikitang mali ang administrasyong Marcos sa pahayag ni Teodoro na dapat ikonsidera ng mga opisyal ng gobyerno ang pagbibitiw sa puwesto kung hindi nila kayang…

Read More

HAGUE RALLIES NI VP SARA IKINONEK SA 2028 CAMPAIGN

GINAGAMIT umano ni Vice President Sara Duterte ang kanyang mga pagpapakita sa The Hague, Netherlands upang palakasin ang kanyang political base para sa 2028 elections habang ang kanyang mga abogado ang humaharap sa impeachment trial sa Senado. Ito ang pahayag ni House impeachment trial spokesperson Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong matapos ang isinagawang “Free Duterte Now” rally sa labas ng International Criminal Court (ICC) na dinaluhan ni Duterte. “Una, I think nagra-rally lang siya ng support talaga eh. That’s how we see it,” ani Adiong. Matatandaang inanunsyo ni…

Read More

WIN KAY IMEE: TUMULONG HUWAG PURO BATIKOS

HINIMOK ni Senate President Sherwin Gatchalian si Senador Imee Marcos na makiisa sa pagpasa ng mga priority bill ng Senado sa halip na batikusin ang naging performance ng Kamara sa unang regular na sesyon ng 20th Congress. Ito ay matapos sabihin ni Marcos na “palpak” ang Senado dahil dalawa lamang umanong panukalang batas ang naipasa nito sa nakalipas na first regular session. Ayon kay Gatchalian, mas makabubuting makibahagi ang senadora sa trabaho ng Senado upang mapabilis ang pagpasa ng mahahalagang panukala. Ipinaliwanag niya na anumang puna laban sa Senado ay…

Read More

VILLAR NAGHAIN NG PANUKALANG TAX EXEMPTION SA MSMEs

NAGHAIN si Senador Mark A. Villar ng Senate Bill No. 2362 na naglalayong i-exempt ang mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa pagbabayad ng Minimum Corporate Income Tax (MCIT) upang mabawasan ang kanilang pasanin sa buwis at mapalakas ang kanilang kakayahang lumago at makalikha ng mas maraming trabaho. Ayon kay Villar, ang mga MSMEs ay bumubuo ng 99.63 porsyento ng lahat ng rehistradong negosyo sa bansa noong 2024. Nag-aambag din ang sektor ng 35.7 porsiyento sa Gross Domestic Product (GDP) at nagbibigay ng trabaho sa 63.19 porsiyento ng kabuuang…

Read More

GUN FOR HIRE, NO. 2 MWP DINAKMA SA SAN PABLO CITY

ARESTADO ang isang hinihinalang gun for hire at rank no. 2 regional most wanted person sa CALABARZON, sa isinagawang operasyon ng Police Regional Office 4A sa isang farm sa Barangay San Lucas, San Pablo City nitong Sabado. Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas “Bobby” na nahaharap sa kasong murder. Inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court sa Siniloan, Laguna na walang inirekomendang piyansa. Sa isinagawang preventive search, nakuha mula sa kanyang pag-iingat ang isang kalibre .45 na baril, mga magazine at…

Read More

DROGA NAKUMPISKA SA PORT OF LUCENA

ISANG sachet ng hinihinalang ilegal na droga na nagkakahalaga ng tinatayang P3,400, ang nakumpiska sa Port of Lucena sa Barangay Talao-Talao, Lucena City noong Biyernes, Hulyo 31. Ang nakuhang ebidensiya ay agad na itinurn-over sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Quezon Seaport Interdiction Unit para sa kaukulang kustodiya, laboratory examination, at karagdagang imbestigasyon. Isinagawa ang turnover sa tulong ng magkasanib na operasyon ng Port Police Division ng Philippine Ports Authority, Philippine Coast Guard, Quezon Maritime Police Station, Lucena City Police Station, at Quezon Police Mobile Force Company. Bukod sa isang…

Read More

16 PARES NG KATUTUBO IKINASAL SA MASS WEDDING SA SIERRA MADRE

LABING-ANIM na pares ng mga katutubong Dumagat-Remontado ang nag-isang dibdib sa kauna-unahang Kasalang Bayan na isinagawa sa Sitio Miyunod, Barangay Magsaysay, isang liblib na komunidad sa kabundukan ng Sierra Madre noong Biyernes, Hulyo 31. Pinangunahan ni Infanta Mayor Lord Arnel “L.A.” Ruanto ang seremonya matapos marating ang lugar na nangangailangan ng mahigit dalawang oras na paglalakad sa matarik na kabundukan. Bilang bahagi ng programa, nagbigay ang lokal na pamahalaan ng libreng handaan, kasal package, dalawang sako ng bigas at tig-P2,000 na tulong-pinansyal sa bawat bagong kasal. Kasabay ng pagdiriwang, muling…

Read More