PINAGTANGGOL ng Malacañang ang presensiya ng dalawang local government official sa pamamahagi ng cash aid para sa mga tricycle driver. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, dumalo ang mga opisyal bilang hosts at kinatawan ng kanilang LGUs—hindi para sa pamumulitika. Binigyang halimbawa si Mayor Isko Moreno na present sa event sa Maynila bilang host, habang si Mayor Francis Zamora ay dumalo bilang national president ng League of Cities of the Philippines. Giit ni Castro, hindi nilabag ng mga opisyal ang probisyon ng “anti-epal” sa ilalim ng 2026 national budget…
Read MoreCategory: BALITA
‘WALANG PASOK’ ADVISORY PEKE – MANILA LGU
PINASINUNGALINGAN ng City Government of Manila ang kumakalat na “walang pasok” advisory sa social media, at iginiit na hindi ito nagmula sa kanilang tanggapan. Ayon sa Manila Public Information Office, ginaya umano ng pekeng post ang format at disenyo ng kanilang opisyal na anunsyo kaya nagdulot ito ng kalituhan sa publiko. Nilinaw ng LGU na tanging sa official Facebook pages ng Manila PIO, City Government of Manila, at ni Isko Moreno inilalabas ang lehitimong advisory. Mariin ding kinondena ng lungsod ang pagpapakalat ng maling impormasyon at nakikipag-ugnayan na sa mga…
Read MoreTRIKE DRIVER NA TUMULONG SA NAKURYENTENG BATA, PATAY
PATAY ang isang tricycle driver habang inoobserbahan pa ang isang batang babae matapos makuryente sa Intramuros, Maynila, Lunes ng umaga. Kinilala ang nasawi na si Adrian Matados, 30-anyos at residente ng Cabilao Street. Isinugod naman sa Seaman’s Hospital ang walong taong gulang na batang babae na patuloy na inoobserbahan. Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), naganap ang insidente alas-11:25 ng umaga sa isang construction site sa Maibsan Compound. Tinulungan umano ni Matados ang bata na nakahawak sa live wire na konektado sa electrical post, ngunit sa kasamaang-palad ay nakuryente…
Read MoreP7.4-M REWARDS IBINIGAY NG PDEA SA 31 IMPORMANTE
PINAGKALOOBAN ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng kabuuang ₱7,466,707.69 na cash incentives ang 31 civilian informants noong Marso 23, 2026 sa ilalim ng Operation: Private Eye (OPE). Isinagawa ang awarding sa PDEA National Office sa Quezon City, kung saan anim na impormante ang personal na tumanggap ng kanilang pabuya, habang ang iba ay ginawaran sa regional offices sa buong bansa. Panauhing pandangal si Secretary Oscar F. Valenzuela, chairman ng Dangerous Drugs Board (DDB) kasama ang mga opisyal ng PDEA at miyembro ng OPE Reward Committee. Ayon kay PDEA Director…
Read More’18 BAGMEN’ KINASUHAN NI TRILLANES SA DOJ
NAGSAMPA ng cyberlibel complaint sa Department of Justice (DOJ) si dating senador Antonio Trillanes IV laban sa 18 indibidwal na nagpakilalang dating sundalo at bagmen ng dating mambabatas na si Zaldy Co. Kaugnay ito sa alegasyon na tumanggap umano siya ng pera para sa International Criminal Court (ICC). Ayon kay Trillanes, bahagi ng paninira ang naturang akusasyon at isinama rin sa reklamo ang ilang vlogger at host ng isang news TV station. Dagdag pa niya, may ilang indibidwal na lumapit sa kanya at nagsabing inalok silang mag-imbento ng alegasyon kapalit…
Read More1ST MANILA HALAL FESTIVAL, OPORTUNIDAD SA MSMEs
OPISYAL nang binuksan sa lungsod ang kauna-unahang ‘Manila Halal Festival’ na nagtatampok ng mga sertipikadong produktong Halal. Ang pagdiriwang ay hindi lamang isang pagtitipon kundi isang pagdiriwang ng kultura, pananampalataya, negosyo at pagkakaisa na isang pagkakataon para makilala ang Halal Industry na sumisimbolo sa integridad, kalidad at respeto sa tradisyon. Isinakatuparan ang aktibidad sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaang lungsod at DTCAM na siyang nag-organisa sa programa, DTI Halal Project Management Office at Department of Tourism, Halal Tourism and Muslim Concerns. Dumalo sa pagbubukas ng Manila Halal Festival sina Mayor…
Read More50K PULIS IPAKAKALAT SA TIGIL-PASADA—PNP
MAGPAPAKALAT ang Philippine National Police ng 50,000 pulis sa buong bansa kaugnay ng nakaambang tigil-pasada ng grupong MANIBELA at mga kaalyado nito sa Huwebes at Biyernes. Ayon kay PNP Spokesperson Randulf Tuaño, bahagi ito ng security template upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng publiko sa gitna ng protesta. Paliwanag niya, may mga naitalang tensyon sa mga nakaraang tigil-pasada kung saan may mga tsuper na pinipilit o hinaharang ng kapwa driver na huwag bumiyahe. Kasabay nito, naghanda rin ang PNP ng libreng sakay para sa mga pasaherong maaapektuhan. (TOTO NABAJA)…
Read MorePBBM SA TRANSPORT SECTOR: WALANG MAIIWAN SA FUEL SUBSIDY
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi pababayaan ang transport sector sa gitna ng tumataas na presyo ng langis, kasabay ng nakatakdang nationwide fuel subsidy rollout sa Abril 6. Sa vlog na inilabas noong Linggo, Marso 22, sinabi ng Pangulo na inilabas na ang pondo para sa fuel subsidy ng Department of Transportation bilang tugon sa epekto ng oil price hike dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan. “Naiintindihan natin ang sigaw ng mga nagpoprotesta na kababayan nating nasa sektor na ito. Pero gusto kong ulitin sa inyo — hindi…
Read More3-TERM SCHOOL CALENDAR APRUBADO SIMULA SY 2026–2027
APRUBADO na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang three-term school calendar sa public schools simula School Year 2026–2027. Mula sa apat na quarter, gagawin na itong tatlong termino para maiwasan ang siksik na schedule at mapabuti ang daloy ng pagkatuto. Inatasan ang Department of Education (DepEd) na ihanda ang implementasyon habang mananatili ang 180 araw ng klase. Layunin ng bagong setup na pahabain ang uninterrupted learning time, ayusin ang pacing ng lessons, at magbigay ng mas maayos na assessment periods. Magkakaroon din ng nakalaang oras para sa training at wellness…
Read More