ITINUTULAK ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM2) ang pagsusuri sa mga epektibong modelo ng asynchronous learning upang matugunan ang learning gaps na dulot ng madalas na suspensyon ng klase dahil sa masamang panahon. Sinabi ni EDCOM2 Executive Director Dr. Karol Mark Yee na batay sa pag-aaral ng komisyon, umaabot sa 30 hanggang 50 araw ng 180-day school year ang nawawala sa nakalipas na dalawang taon dahil sa class suspensions. Dahil dito, nahihirapan umanong habulin ng mga mag-aaral ang mga araling dapat nilang matutuhan sa loob ng isang quarter. “Nakita…
Read MoreCategory: BALITA
CLAIRE CASTRO VS IMEE MARCOS MULING NAGSAGUTAN SA ISYU NG MGA GURO
MULING nagbanggaan sina Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro at Senator Imee Marcos, matapos batikusin ng senador ang naunang pahayag ng opisyal tungkol sa mga guro at moralidad. Sa isang video statement na inilabas sa kanyang social media account, pinuna ni Imee ang umano’y pagsisi sa mga guro kasunod ng naging pahayag ni Castro na may ilang guro na hindi magandang ehemplo sa kanilang mga estudyante. “Ano ba naman sila, bakit naman sisisihin ang mga hamak na teacher, samantalang yung isang guro, siya pa nga…
Read MoreIBA PANG ‘KAKAIBANG’ PANGALAN LUMITAW SA ACKNOWLEDGMENT RECEIPTS NG OVP CONFIDENTIAL FUNDS
MAS marami pang kakaibang pangalan ang lumitaw sa mga acknowledgment receipt para sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP), habang binusisi ng prosekusyon ng Kamara kung personal na matitiyak ng dating Special Disbursing Officer (SDO) na si Gina Acosta na aktwal na nakatanggap ng pera ang mga indibidwal na nakalista sa mga dokumento. Kabilang sa mga pangalang nasa mga resibong ipinrisinta sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sina “Antonio Pagong,” “Timon Andrew Pusa,” “Don Piang,” “Shane Ngitngit” at “Xuniso P. Belat.” Makikita sa mga resibo…
Read More250K DOXYCYCLINE CAPSULES, INIHANDA NG MAYNILA LABAN SA LEPTOSPIROSIS
SA gitna ng posibilidad ng pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa Maynila, naghanda ang lokal na pamahalaan ng mahigit 250,000 doxycycline capsules na maaaring makuha sa mga health center at ospital ng lungsod. Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso, mahalaga ang maagang paghahanda dahil maaaring lumabas ang impeksiyon ilang araw matapos lumusong sa baha dulot ng malalakas na pag-ulan. Sinabi ni Mayor Isko na nakahanda ang mga ospital at health center sa ilalim ng lokal na pamahalaan sakaling tumaas pa ang bilang ng mga kaso ng leptospirosis. Aniya, mayroong pitong…
Read MoreSUSPEK SA MAMASAPANO SAF 44 ENCOUNTER, NAPATAY
NAPATAY ang itinuturing na kilabot na gun-for-hire at notorious drug personality na pinaghahanap ng batas kaugnay ng malagim na “Mamasapano SAF 44” encounter noong 2015 sa isinagawang law enforcement operation sa Maguindanao del Sur kamakalawa ng umaga. Ayon kay Capt. Steffi Salanguit, Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) spokesperson, napatay sa engkwentro si Rambo London Guiasalim, alyas “London,” ng Barangay Kuloy, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur. Batay sa impormasyon ni Salanguit, wanted si Guiasalim sa kasong murder at kabilang umano sa mga sangkot sa 2015 Mamasapano encounter na ikinasawi ng…
Read More8 PINOY NA BIKTIMA NG CATPHISHING, NAILIGTAS NG BI
NAILIGTAS ng Bureau of Immigration (BI) ang walong pasaherong patungong Indonesia matapos mapag-alamang posibleng biktima sila ng ilegal recruitment gamit ang tinatawag na “catphishing” modus. Ang walong pasahero, edad 26 hanggang 49, ay binubuo ng limang lalaki at tatlong babae. Sila ay hinarang noong Agosto 7 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 habang naghahandang bumiyahe patungong Surabaya, Indonesia, sa pamamagitan ng Malaysia. Sa unang pagtatanong, sinabi ng mga pasahero na pupunta sila sa Indonesia para sa limang araw na bakasyon at kasama umano ang kanilang mga dating katrabaho…
Read MorePAGBAWI NI LACHICA SA ARs NG P125M CONFIDENTIAL FUNDS, KINUWESTYON
KINUWESTYON ng private prosecution ang umano’y kakaibang sistema kung saan binabawi ni Col. Raymund Dante Lachica ang mga acknowledgment receipt matapos gamitin ng dating Special Disbursing Officer (SDO) ng Office of the Vice President (OVP) na si Gina Acosta ang mga ito sa paggawa at pagsusumite ng liquidation reports para sa P125 milyong confidential funds na iniulat na nagastos sa loob lamang ng 11 araw. Sa ika-17 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, sinabi ni Acosta na unang ibinibigay sa kanya ni Lachica ang fund utilization report.…
Read MoreMemoryado at may template ang sagot ILANG SENADOR ‘SURRENDER’ KAY ACOSTA
SA ika-17 araw ng impeachment trial, halos sumuko ang ilang senator-judge sa pagtatanong kay dating Special Disbursing Officer (SDO) Gina Acosta dahil sa umano’y paulit-ulit at tila “template” na mga sagot nito hinggil sa pagdidisburse ng P500 milyong confidential funds ng Office of the Vice President (OVP). Sumentro ang pagtatanong ng ilang senador sa pagbibigay ni Acosta ng buong confidential funds kay Col. Raymund Dante Lachica, na noon ay security officer ni Vice President Sara Duterte. Binusisi nina Senator Judges Kiko Pangilinan, Erwin Tulfo, Raffy Tulfo, Sherwin Gatchalian, Juan Miguel…
Read MoreOVP MAAARING MAG-TREE PLANTING KAHIT WALANG CONFI FUNDS—PROSECUTION
BINIGYANG-DIIN ng House prosecution panel na maaaring magsagawa ng mga aktibidad tulad ng tree planting ang Office of the Vice President (OVP) kahit walang ginagamit o inilaang confidential funds, ayon kay Private Prosecutor Amando Ligutan sa ika-17 araw ng impeachment trial. Ginawa ni Ligutan ang pahayag habang inihaharap ang screenshot ng isang social media post noong Agosto 13, 2026 na nagpapakita sa paglahok ni Vice President Sara Duterte sa tree-planting activity sa Nunungan, Lanao del Norte, sa ilalim ng PagbaBAGo: A Million Trees Campaign ng OVP. Tinanong ni Ligutan ang…
Read More