P120B ELEVATED ROAD ITATAYO MULA BALINTAWAK HANGGANG BOCAUE

INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang planong P120-bilyong elevated road project na mag-uugnay sa Balintawak, Quezon City, hanggang Bocaue, Bulacan, upang mapaluwag ang daloy ng trapiko at mabawasan ang oras ng biyahe ng mga motorista. Inihayag ng Pangulo ang proyekto nitong Huwebes sa pagbubukas ng NLEX-C5 Northlink Segment 8.2 Section 1A sa Valenzuela City. Ayon kay Pangulong Marcos, pangangasiwaan ng MVP Group ang proyekto sa pakikipag-ugnayan sa San Miguel Corporation (SMC) Group upang mapalawak ang road network at magkaroon ng alternatibong ruta ang mga motorista. Aniya, hiniling niya…

Read More

Magpapalaki pa sa kita ng tsuper E-TRIKE ISINULONG PARA TIPID SA GASOLINA

MAKATITIPID sa gasolina at mas malaking kita ang maiuuwi ng mga drayber ng traysikel sa paggamit ng mga de-kuryenteng traysikel o e-trike, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Bahagi ito ng pagsusulong ng administrasyon sa lokal na pagmamanupaktura ng mga de-kuryenteng sasakyan upang mabawasan ang gastusin sa transportasyon at mapalakas ang industriya ng sasakyan sa bansa. “Mas mababang gastos sa gasolina, mas malaki ang maiuuwi sa ating mga pamilya,” pahayag ng Pangulo sa pagbisita niya nitong Huwebes sa planta ng Sazgar Philippines Inc. sa Biñan, Laguna. Ayon kay Pangulong…

Read More

13K PULIS, FORCE MULTIPLIERS IPAKAKALAT NG POLICE REGIONAL OFFICE 3 SA UNDAS 2026

AARANGKADA na ang higit sa 13 libong pulis at force multipliers upang panatilihin ang kaayusan at seguridad ngayong Undas 2026. Ayon sa Police Regional Office 3, magbabantay ang halos 8,000 na mga pulis sa mga himlayan habang ang limang libo naman ang gaganap ng kanilang tungkuling pangseguridad at kaligtasan Nasa 857 naman ang mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang law enforcer at mahigit 4,400 ang miyembro ng iba’t ibang grupo at force multipliers Sinabi ni PRO 3 Director, PBGen. Jess Mendez,…

Read More

P110.9M SMUGGLED PRODUCTS NASABAT SA 3 SASAKYANG-PANDAGAT

NASABAT ng mga operatiba ng Philippine Navy Naval Command Western Mindanao (NCWM) ang tatlong sasakyang-pandagat na may kargang hinihinalang puslit na mga sigarilyo sa magkakahiwalay na operasyong pandagat na isinagawa mula Oktubre 9 hanggang 27, 2026. Ayon sa report na isinumite ng NCWM sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Jose Ambrosio Ezpeleta sa punong himpilan ng Philippine Navy sa Maynila, nasa P110,907,467.20 ang pinagsamang halaga sa pamilihan ng mga sasakyang-pandagat at kanilang mga kontrabando. Ayon sa NCWM, noong nakalipas na Martes, Oktubre 27, nasabat ng mga…

Read More

3 PERSONALIDAD SA P3.5B SHABU SHIPMENT DEDMA SA PNP, PDEA

HINDI pa rin lumulutang o tumutugon sa subpoena kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang tatlong personalidad na iniuugnay sa nabigong pagpupuslit ng shabu na nagkakahalaga ng P3.54 bilyon mula Laos patungong Pilipinas. Ayon kay PDEA Spokesperson Atty. Joseph Frederick Calulut, nagpahiwatig na umano ang kampo ni dating Bangsamoro Transition Authority (BTA) member Sultan Edrieza Hadji Nasser Rimbang na haharap siya sa ahensya sa Nobyembre 5, 2026. Itinuturong financier at mastermind si Rimbang sa nabigong pagpupuslit ng ilegal na droga mula…

Read More

P.5M NATANGAY SA FAST FOOD SA TAGAYTAY

TINATAYANG P477,000.00 halaga ng kita ng isang kilalang fastfood restaurant ang natangay makaraang puwersahang sirain ang drive-thru sliding window nito sa Brgy. San Jose, Tagaytay City noong Miyerkoles ng madaling araw. Upang hindi makilala ang suspek, pinutol nito ang linya ng CCTV surveillance system at binitbit sa kanyang pagtakas. Ayon sa ulat, bandang alas-5:50 ng umaga nang natuklasan ang insidente ng sales manager ng fastfood restaurant sa Brgy. San Jose, Tagaytay City. Pagpasok nito ay napansin na puwersahang sinira ang sliding window sa take-out order. Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya,…

Read More

P3.5M UNREGISTERED COOKING OIL SINAMSAM SA LIPA CITY

TINATAYANG P3.5 milyong halaga ng hindi rehistrado at walang label na cooking oil ang nasamsam ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isang warehouse sa Lipa City, Batangas. Isang babaeng empleyado ang inaresto ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon dakong alas-2 ng hapon noong Martes, sa Barangay Lodlod, sa koordinasyon ng Food and Drug Administration (FDA) at Lipa City Health Office. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009. Nagbabala ang CIDG na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan…

Read More

PNP-CIDG PINASASAGOT SA COUNTER-AFFIDAVIT NI APLASCA

BINIGYAN hanggang Nobyembre 6 ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) upang sagutin ang counter-affidavit na inihain ni dating Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca sa Department of Justice (DOJ). Kaugnay ito ng reklamong direct assault na isinampa ng PNP-CIDG laban kay Aplasca matapos ang kontrobersiyal na barilan sa Senado noong Mayo 13, 2026, na sinundan ng pagtakas ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, na kasalukuyang target ng manhunt operations. Nabatid na PNP-CIDG, at hindi ang National Bureau of Investigation (NBI), ang nagsampa ng reklamo laban kay Aplasca. Gayunman, ayon…

Read More

BAHAGI NG NLEX-C5 NORTHLINK SA VALENZUELA BUKAS NA

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbubukas ng NLEX Segment 8.2 Section 1A sa Valenzuela City, na maaaring daanan nang libre ng mga motorista hanggang sa katapusan ng taon. Ayon kay Pangulong Marcos, layunin ng proyekto na mapabilis ang biyahe at makatulong sa pagpapagaan ng trapiko sa Metro Manila. Mag-uugnay ang bagong kalsada sa Mindanao Avenue Toll Plaza at Quirino Highway sa Novaliches, Quezon City. Inaasahang makatutulong din ang pagbubukas ng naturang bahagi ng NLEX-C5 Northlink project sa mga motorista ngayong Undas, lalo na sa mga bibiyahe sa…

Read More