VILLAR NABABAHALA SA PAGTAAS NG PRESYO NG LANGIS; SUPORTADO MGA HAKBANG PARA MAPAGAAN EPEKTO SA PILIPINO

IKINABABAHALA ni Senador Mark A. Villar ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at gasolina at ang magiging epekto nito sa mga pamilyang Pilipino sa buong bansa. “Alam natin na mabigat sa bulsa ng ating mga kababayan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at krudo. Kaya mahalagang mapag-aralan kung ano pa ang maaaring gawin ng pamahalaan upang mapagaan ang epekto nito sa ating mga mamamayan, lalo na sa sektor ng agrikultura at transportasyon,” ani Villar. Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, posibleng tumaas ng humigit-kumulang ₱17 hanggang…

Read More

PBBM: ‘PINAS KUMIKILOS PARA MA-EXTRADITE SI ZALDY CO

NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang pamahalaan ng Pilipinas sa mga awtoridad ng Portugal upang mapadali ang posibleng pagbabalik sa bansa ni dating cong. Zaldy Co. Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kinakailangan ang kooperasyon ng bansang kinaroroonan ni Co dahil walang hurisdiksyon ang mga awtoridad ng Pilipinas na arestuhin siya sa ibang bansa. “You cannot bring him home because that is not the way it works. We have to ask the assistance of the country where he is in, which is presently Portugal,” pahayag ng Pangulo sa panayam sa New York City.…

Read More

P5K FUEL SUBSIDY SA DRIVERS ILALABAS NA NEXT WEEK

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang pamamahagi ng P5,000 fuel subsidy para sa mga pampasaherong driver na naapektuhan ng pagsirit ng presyo ng langis bunsod ng tensyon sa Gitnang Silangan. Upang mapabilis ang implementasyon, pinulong ni Executive Secretary Ralph Recto, ang mga alkalde ng Metro Manila upang plantsahin ang distribusyon ng tulong. “Bilang mayors, kayo ang higit na nakakaalam sa tunay na sitwasyon at bilang ng mga tricycle at jeepney drivers sa inyong mga lungsod. Kaya mahalaga ang ating pagtutulungan,” pahayag ni Recto. Magsisimula na sa susunod na…

Read More

PETISYON SA DUTERTE CUSTODY PINAAAKSYUNAN SA SC

KINALAMPAG ni Senador Robin Padilla ang Supreme Court upang agarang aksyunan ang mga petisyong may kaugnayan sa custody ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kaso nito sa International Criminal Court (ICC). Kasama ang grupong “Tay, Kami Naman Movement,” nagtungo si Padilla sa SC nitong Martes upang suportahan ang muling pagsusumite ng signature campaign ng mga tagasuporta ni Duterte. Ayon sa senador, umaabot na sa 238,561 Pilipino ang lumagda sa petisyon na humihiling sa Korte Suprema na maglabas ng desisyon sa mga nakabinbing kaso hinggil sa pagbabalik ng dating pangulo.…

Read More

COMELEC HINDI MAGPAPATUPAD NG 4-DAY WORKWEEK

HINDI magpapatupad ng four-day workweek ang Commission on Elections (Comelec) dahil sa nagpapatuloy na paghahanda para sa tatlong halalan na nakatakda ngayong 2026. Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, hindi maipatutupad ng Comelec ang nasabing iskedyul dahil sa kasalukuyang voter registration. Bukod dito, puspusan din ang paghahanda sa ikalawang distrito ng Antipolo City na itinakda sa Marso 14; ang Bangsamoro parliamentary elections na isasagawa sa Setyembre, at ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Nobyembre 2. Bagama’t hindi in-adopt ang polisiya, sinabi ni Garcia na nagsimula na ang Comelec…

Read More

MAGSASAMANTALANG GAS STATIONS SA MALOLOS BABAWIAN NG BUSINESS PERMIT

BULACAN – Ipinahayag ni Malolos City Mayor Christian Natividad na kakanselahin o sususpendihin ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos ang business permit ng gasoline stations na mapatutunayang nagsamantala sa kasagsagan ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Epektibo nitong Marso 10 ay naramdaman na ng mga motorista ang matinding epekto ng kaguluhan sa Middle East dahil sa sigalot sa pagitan ng Iran kontra sa pinagsanib na pwersa ng Amerika at Israel, na nagtulak sa pagmahal ng krudo sa pandaigdigang merkado. Una nang inihayag ng Department of Energy (DOE) na aapela…

Read More

P20.7-M DROGA NASABAT SA 2 NEGOSYANTE

LANAO DEL SUR – Arestado ang dalawang negosyante sa ikinasang anti-narcotics operation ng mga awtoridad makaraang mahulihan ng mahigit P20.7 milyong halaga ng ilegal na droga sa bayan ng Picong sa lalawigan, ayon sa ulat ng pulisya nitong Martes. Sa ibinahaging report ni Brig. Gen. Jaysen de Guzman, director ng Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), isinagawa ang drug sting operation noong Lunes ng umaga sa national highway sa Barangay Maladig, bayan ng Picong. Kinilala lamang ang naarestong dalawang high-value target na sina alyas “Ben” mula sa General…

Read More

CAAP AT PPA MAGPAPATUPAD NG MAHIGPIT NA SECURITY SCREENING

NAKATAKDA ring magpatupad ng mas mahigpit na security screening ang Office for Transportation Security (OTS) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong summer break partikular sa paggunita ng Holy Week. “We will also implement stricter coordination with airport authorities and law enforcement agencies, as well as continuous monitoring of security operations,” ayon kay OTS Administrator Gilberto Cruz. Ayon kay Cruz, pagaganahin ang OTS Transportation Operations Center nang 24/7 upang matiyak ang agarang pagtugon sa anomang insidente, bagaman aminado siyang hindi pa ganap na…

Read More

Sa operasyon ng PDEA P383.08-M DROGA NASAMSAM, 119 SUSPEK ARESTADO

NAKASAMSAM ng mahigit P383.08 milyong halaga ng illegal drugs at nakadakip ng 119 drug personalities ang Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA), katuwang ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang inilunsad na 85 operasyon laban sa droga. Ayon sa ibinahaging datos ng PDEA, sa loob ng isang linggo mula Pebrero 27 hanggang Marso 6, 2026, matagumpay na nagsagawa ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng 85 malalaking operasyon laban sa ilegal na droga sa buong bansa. Ang mga operasyon ay nagreresulta sa pagkakaaresto ng 119 drug personalities at pagsamsam ng ipinagbabawal…

Read More