LTFRB: P651-M FUEL SUBSIDY NAIPAMAHAGI NA

TINIYAK ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pinabilis na nito ang pamamahagi ng mahigit P651 milyong fuel subsidy sa mga benepisyaryo sa buong bansa. Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II, inatasan na ang mga regional director na ipagpatuloy ang validation process sa koordinasyon ng iba’t ibang ahensya upang matiyak ang maayos at mabilis na distribusyon. Aminado si Mendoza na nagkaroon ng ilang hamon sa implementasyon, partikular sa Metro Manila, ngunit ginamit umano ito bilang aral upang mapabuti ang rollout sa mga probinsya. Ang subsidy…

Read More

RICKY REYES MAAGANG NAGDIWANG NG KAARAWAN KASAMA MGA BATANG CANCER PATIENT

MAAGANG ipinagdiwang ni Ricky Reyes, founder ng Center for Health Improvement and Life Development (CHILD) ang kanyang ika-76 na kaarawan na ginanap sa opisina ng organisasyon sa Maynila noong Linggo, Marso 29, 2026 kasama ang mga batang cancer patient. Nagpasalamat ang mga batang pasyente mula sa CHILD Haus sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga sulat-kamay na liham sa beauty icon at kay SM Prime Holdings CEO Hans Sy bilang pagpapahalaga sa kanilang patuloy na suporta. Kabilang sa mga dumalo sa selebrasyon sina Sergio Yu, Manny Sy, Jun Gaw, Eisa Mercado,…

Read More

IMPEACHMENT COMPLAINT VS COMELEC CHAIR, 6 COMMISSIONERS ISASAMPA NG CITIZENS LAWYERS

MAGHAHAIN ang dalawang abogado ng Verified Complaint for Impeachment laban kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin M. Garcia at anim na kasalukuyang Commissioner sa House of Representatives. Inakusahan ng mga abogadong sina Eldrige Marvin B. Aceron, Founding Partner ng Aceron & Attorneys at Founder ng Aceron Public Interest and Legal Association (APILA), at Sikini S. Labastilla, kapwa co-founder ng Project Damaskus Lawyers, ang mga respondent ng culpable violation ng Republic Act No. 8436 (Automated Election System Law), betrayal of public trust, at iba pang mabibigat na krimen na…

Read More

MALACAÑANG: ‘ENERGY LOCKDOWN’ HINDI PA POSIBLE SA NGAYON

ITINANGGI ng Malacañang ang posibilidad ng “energy lockdown” sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, wala pang nakikitang dahilan ang pamahalaan upang magpatupad nito sa kasalukuyan. “Sa ngayon po, wala po tayong nakikita,” ani Castro. Sinabi rin ng opisyal na naglabas na ng mga panuntunan ang Department of Energy upang payagan ang paggamit ng mas murang fuel at dagdag na suplay ng kuryente mula sa iba’t ibang sources. Idinagdag…

Read More

SEN. ERWIN TULFO, ISINULONG WORK FROM HOME AT RIDE SHARING PARA MAKATIPID NGAYONG KRISIS

SA gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, mungkahi ni Sen. Erwin Tulfo na ibalik ang work from home program ng mga pribadong kumpanya at pamahalaan para makatipid ang mga manggagawa. Suhestiyon ni Sen. Tulfo, “kung hindi naman kailangan ang pisikal na presensya o aktibidad ng manggagawa sa trabaho, bakit ‘di na lang mag-report online?” Aniya, “halimbawa ang mga nasa opisina sa planning, research, admin, customer service at iba pang kahalintulad na trabaho ay pwede na mag-work from home.” Nagawa naman ito noong pandemic at epektibo naman daw…

Read More

OSMA NAKAPAGSAGAWA NG UNANG CORONARY ANGIOPLASTY

PUMASOK sa panibagong yugto ng serbisyong pangkalusugan ang Ospital ng Maynila Medical Center matapos maisagawa ang kauna-unahang matagumpay na coronary angioplasty procedures nito. Ayon kay Manila City Health Officer Grace Padilla, dalawang angioplasty procedures ang matagumpay na naisagawa noong Marso 27. “We are very excited and happy to announce na nagawa natin ang dalawang successful cases of angioplasty,” ani Padilla. Ang milestone ay naisakatuparan ilang buwan matapos buksan ng lungsod ang catheterization laboratory noong Setyembre 2025, na nagsimula sa angiogram bago umusad sa mas advanced na procedures. Ipinaliwanag ni Padilla…

Read More

PAGBASURA SA OIL DEREGULATION LAW, BUWIS SA BILYONARYO ITINUTULAK NG MAKABAYAN BLOC

NAGHAIN ng dalawang panukalang batas ang Makabayan Bloc sa Kamara na layong tugunan ang lumalalang epekto ng mataas na presyo ng langis sa bansa. Sa ilalim ng House Bill 8766, isinusulong ang pagbabasura sa Oil Industry Deregulation Act of 1998, habang ang House Bill 8123 naman ay naglalayong patawan ng wealth tax ang mga bilyonaryong Pilipino. Iginiit ng grupo, na kinabibilangan nina ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, Gabriela Party-list Rep. Sarah Elago at Kabataan Party-list Rep. Renee Co, na dahil sa deregulated oil industry ay hindi sapat na nababantayan…

Read More

PH NAVY, NAKAIWAS SA HALOS BANGGAAN SA CHINESE WARSHIP SA PAG-ASA ISLAND

NAIWASAN ng barkong pandigma ng Philippine Navy ang posibleng banggaan sa isang warship ng China People’s Liberation Army (PLA) Navy malapit sa Pag-asa Island noong Marso 25, 2026. Sa ulat ng Western Command (WESCOM) ng Armed Forces of the Philippines, nakasalubong ng BRP Benguet ang Chinese missile frigate habang nagsasagawa ng lehitimong operasyon. Ayon sa WESCOM, nagsagawa ang Chinese vessel ng mapanganib at hindi propesyonal na maniobra matapos itong lumapit at dumaan sa napakalapit na distansya. Tinukoy ng militar na paglabag ito sa Convention on the International Regulations for Preventing…

Read More

OPERATOR NG NI-RAID NA SABUNGAN, PLANONG KASUHAN ANG CIDG

PINAG-AARALAN ng operator ng ni-raid na sabungan sa Tondo, Maynila ang pagsasampa ng kaso laban sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nagsagawa ng operasyon noong Marso 25, 2026. Ayon kay Alvin de Leon, operational staff ng Coliseo de Manila, wala umanong nakuhang ebidensya ang CIDG kaya naglabas ang Manila Prosecutor’s Office ng resolusyong “referred for further investigation” (RFI), na nagresulta sa pagpapalaya sa 28 empleyado ng sabungan. Kinuwestiyon din ng mga empleyado ang patuloy na pagbabantay ng mga nakasibilyang pulis sa lugar kahit na wala…

Read More