MARIING pinabulaanan ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang mga puna na “watered down” o pinalabnaw ang inaprubahang Anti-Political Dynasty Bill ng Kamara. Ayon kay Adiong, chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, direktang tinatarget ng panukala ang monopolyo ng kapangyarihang pampulitika habang pinoprotektahan pa rin ang demokratikong karapatan ng mga botante. “On the contrary, it actually addresses the very core problem of the monopoly of power exercised by one family within one locality,” ani Adiong. Noong Hunyo 3, ipinasa ng House of Representatives sa ikatlo…
Read MoreCategory: METRO
CAYETANO: SENATE LEADERSHIP ROW, NAKAUGAT SA FLOOD CONTROL PROBE
IGINIIT ni Senador Alan Peter Cayetano na hindi matatapos sa pagpapalit ng liderato ng Senado ang paghahanap ng katotohanan sa umano’y mga iregularidad sa flood control program ng pamahalaan. Sa isang online statement nitong Hunyo 17, nagpasalamat si Cayetano sa mga sumuporta sa kanya at kinilala ang mga kaalyadong nanindigan sa kanyang panig sa gitna ng sigalot sa Senado. Kasabay nito, tiniyak niyang ipagpapatuloy niya ang pagtutok sa usapin ng pananagutan kaugnay ng flood control projects. Ayon kay Cayetano, hindi ang posisyon sa Senado ang tunay na isyu kundi ang…
Read MorePBBM PINULONG MGA AHENSYA PARA SA RELIEF, REHABILITATION SA MINDANAO QUAKE
PINULONG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Office of Civil Defense (OCD) at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang talakayin ang patuloy na relief at rehabilitation efforts para sa mga lugar na sinalanta ng magnitude 7.8 na lindol sa Southern Mindanao noong Hunyo 8. Dumalo sa pulong ang mga kinatawan ng OCD, Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Inatasan ng Pangulo ang…
Read MoreDSWD nagpaabot ng tulong sa pamilya 14-ANYOS NA PWD NASAWI SA BUGBOG NG 6 KABATAAN
NAGPAABOT ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng agarang tulong pinansyal at psychosocial support sa pamilya ng 14-anyos na person with disability (PWD) na nasawi matapos umanong bugbugin ng anim na kapwa menor de edad sa Parañaque City. Ayon sa DSWD, nagsagawa ng home visit ang mga social worker mula sa Central Office noong Hunyo 11 upang matukoy ang agarang pangangailangan ng pamilya kasunod ng insidente. Matapos matukoy ang suliraning pinansyal ng pamilya, nagbigay ang ahensya ng P10,000 na ayuda para makatulong sa gastusin sa pagpapalibing ng biktima.…
Read MoreFLOATING PLATFORM SA BAJO DE MASINLOC, POSIBLENG MAY MILITARY PURPOSE — AFP
HINDI inaalis ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang posibilidad na may layuning militar ang isang floating platform na namataan sa paligid ng Bajo de Masinloc at hinihinalang konektado sa isang Chinese research vessel. Patuloy na binabantayan ng AFP ang naturang aktibidad sa West Philippine Sea malapit sa lalawigan ng Zambales na pinaniniwalaang may kaugnayan sa marine o underwater research activities. Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Col. Xerxes Trinidad, anumang marine scientific research ay maaaring magbigay ng impormasyon na magagamit para sa ekonomikong, pangkapaligiran at maging pangmilitar…
Read MoreMATIBAG WALANG KREDIBILIDAD SA ICC WARRANTS — ATTY. INTON
KINUWESTIYON ni veteran lawyer Atty. Ariel Inton ang pahayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag na maaari pang maglabas ang International Criminal Court (ICC) ng karagdagang warrants of arrest laban sa mga umano’y sangkot sa drug war ng nakaraang administrasyon. Ayon kay Inton, mistulang pananakot lamang umano ang naturang pahayag. Aniya, tila “yabang” lamang ang naging pahayag ni Matibag sa media na posible pang madagdagan ang mga warrant sa loob ng isang buwan. “More ICC warrants may be issued within a month,” ayon sa naging pahayag…
Read MoreCAYETANO NAGBABALA SA POSIBLENG PAGBALUKTOT SA IMPEACHMENT RULES
NAGBABALA si Senate President Alan Peter Cayetano laban sa posibleng pagbaluktot sa mga patakaran ng nalalapit na impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte dahil umano sa paiba-ibang interpretasyon ng voting requirements ng kampo ni Senator Sherwin Gatchalian. Ito ang pahayag ni Cayetano matapos kumpirmahin ni Gatchalian sa isang Facebook post na 16 na boto ang kinakailangan upang mahatulan o ma-convict ang isang impeachable official. Ayon kay Gatchalian, nakasaad sa Konstitusyon na kailangan ang two-thirds vote ng lahat ng miyembro ng Senado para sa conviction. Dahil nakapirmi sa 24 ang…
Read MoreDY IDINIIN PAGPAPALAKAS NG DISASTER PREPAREDNESS SA LGUs
NANAWAGAN si Speaker Faustino “Bojie” Dy III ng mas pinaigting na disaster preparedness at risk-based planning sa mga lokal na pamahalaan matapos ang malakas na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao. Sa panayam sa General Santos City, sinabi ni Dy na bagamat hindi mahuhulaan ang lindol gaya ng bagyo, maaari pa ring mabawasan ang panganib sa pamamagitan ng wastong pagpaplano at hazard mapping. “Kapag may bagyo, nakakapaghanda tayo kung gaano kalakas yung bagyo o typhoon. Pero pagkadating ng earthquake, importante lamang malaman natin kung nasaan yung sentro, kung…
Read MorePBBM MAKIKIPAGKITA KAY PUTIN SA RUSSIA
NAKATAKDANG bumiyahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kazan, Russia sa susunod na linggo para sa kanyang kauna-unahang bilateral meeting kay Russian President Vladimir Putin at upang pangunahan ang ASEAN-Russia Commemorative Summit bilang ASEAN Chair. Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) ASEAN 2026 Philippines Spokesperson Dominic Xavier Imperial, gaganapin ang summit sa Hunyo 17 at 18 kung saan magsasama-sama ang mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Russia upang suriin ang kanilang strategic partnership at pag-usapan ang mga susunod na hakbang para sa kooperasyon. Bilang ASEAN…
Read More