PINAG-USAPAN sa social media nitong weekend ang inilabas na charge sheet ng International Criminal Court kung saan pinangalanan sina Senador Ronald “Bato” dela Rosa at Senador Christopher Lawrence “Bong” Go bilang co-perpetrators sa kasong may kaugnayan sa kampanya kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Tulad ng inaasahan, nilaro nang todo ng mga netizen ang pagkakadawit ng dalawa at halos iisa ang kanilang paniniwala na susunod na magtatago si Sen. Go. Nauna nang hindi nagpakita sa Senado si dela Rosa mula nang pumutok ang balitang may arrest warrant na siya…
Read MoreCategory: NASYUNAL
TRACKING SA BANK ACCOUNTS NI ROMUALDEZ IHIHIRIT SA AMLC
KINUMPIRMA ni Senador Panfilo Ping Lacson na irerekomenda nila sa Anti-Money Laundering Council na itrack na rin ang galaw ng accounts ni dating House Speaker Martin Romualdez. Sa gitna ito ng pagrerekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee na magsagawa ng case build up laban kay Romualdez kaugnay sa pagkakasangkot sa flood control anomalies. Sinabi ni Lacson na dahil nabanggit din si Romualdez sa imbestigasyon sa Blue Ribbon Committee kaya’t irerekomenda nila na pag-aralan ang lahat ng nakalap na ebidensya laban sa kongresista. Kung makakita anya ng sapat na ebidensya na…
Read MoreNATIONWIDE CONSULTATIONS SA ANTI-DYNASTY BILL NILARGA
SINIMULAN na ng House of Representatives ang nationwide public consultations kaugnay ng panukalang Anti-Political Dynasty Act. Tiniyak ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na magiging bukas at people-centered ang gagawing dayalogo upang makuha ang tunay na pulso ng mamamayan. Ang unang konsultasyon ay isinagawa sa Carmona City, Cavite na pinangunahan ng House Committee on Electoral Reforms and Suffrage sa pamumuno ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong. Sa kanyang video message, sinabi ni Dy na layunin ng konsultasyon na marinig ang iba’t ibang pananaw tungkol sa panukala. “Ang…
Read MoreDOH, DOLE SANIB-PWERSA SA BAKUNA KONTRA TIGDAS
PINAGTULUNGAN ng Department of Health (DOH) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapalakas ng bakunahan kontra tigdas at tigdas-hangin sa bansa. Hinimok ng dalawang ahensya ang mga employer na payagan o i-excuse ang mga empleyadong magpapabakuna ng kanilang mga anak sa ilalim ng programang DOH-Ligtas Tigdas. Ayon sa DOH at DOLE, maaaring pansamantalang makaliban sa trabaho ang mga magulang o tagapangalaga para madala sa bakunahan ang kanilang mga anak basta makapagsusumite ng patunay na sila ay nagpabakuna. Pinayagan din ng DOLE ang paggamit ng available leave credits ng…
Read More4K BAGONG SILID-ARALAN ITATAYO PARA PUNAN CLASSROOM SHORTAGE
MAGPAPATAYO ang pamahalaan ng tinatayang 4,000 bagong silid-aralan sa buong bansa upang matugunan ang kakulangan sa mga classroom, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ito ay kasunod ng nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Education (DepEd) at local government units (LGUs). “Pormal nating itinatag ang pagtutulungan ng DepEd at ng iba’t ibang lalawigan upang matiyak na bawat batang Pilipino ay may ligtas at disenteng silid-aralan,” pahayag ng Pangulo. Sinabi ni Marcos na ito pa lamang ang unang yugto ng mas malawak na classroom-building program ng administrasyon.…
Read MorePILIPINAS LAGAPAK SA CORRUPTION INDEX
INAASAHAN na umano ng Malacañang ang pagbaba ng ranggo ng Pilipinas sa Corruption Perceptions Index (CPI) kung saan bumagsak ang bansa sa ika-120 puwesto mula sa dating ika-114 sa hanay ng mahigit 180 bansa. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, inaasahan na ito dahil mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nagbukas ng usapin laban sa korupsyon. “Expected po iyan dahil binuksan po ng Pangulo ang isyu tungkol sa korupsyon. So, kung binuksan ng Pangulo ang korapsyon, magkakaroon ng pag-iimbestiga, at ito po…
Read MoreNETWORK SA PH NG PEDOPHILE NA SI EPSTEIN PINABUBUNGKAL
PAIIMBESTIGAHAN ni Senador Loren Legarda sa Department of Justice at National Bureau of Investigation maging sa Senate Committee on Women ang umano’y naging network at operasyon ng Amerikanong pedophile na si Jeffrey Epstein sa bansa. Sinabi ni Legarda na maghahain siya ng resolusyon para bungkalin ang sinasabing operasyon ni Epstein sa bansa noong 2010. Ayon sa senadora, ang naturang panahon ay saklaw na ng umiiral na mga batas kontra human trafficking, kaya’t mahalagang siyasatin kung paano ito nangyari at sinu-sino ang sangkot. Binanggit din ni Legarda na lumulutang sa social…
Read MoreBiyudo, senior citizens target ‘LOVE SCAM’ SUMISIPA TUWING PEBRERO – CICC
NAGBABALA ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa publiko, lalo na sa kalalakihan, senior citizens at mga biyudo, laban sa tumitinding modus ng love scam habang papalapit ang Valentine’s Day. Ayon sa CICC, karaniwang tinatarget ng mga sindikato ang matatanda at biyudong lalaki batay sa ginagawang profiling ng mga manloloko. Kadalasan umano sa nabibiktima ay mga negosyante at retirees. Ibinunyag ni CICC Executive Director Usec. Aboy Paraiso na mula Enero 9 hanggang Pebrero 6 ay nakapagtala na ang ahensya ng 18 kaso ng love scam na pawang may edad…
Read MoreANTI-FAKE NEWS BILL DAPAT BALANSE — MALACAÑANG
SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang anti-fake news measure basta’t hindi nito masasagasaan ang kalayaan sa pagpapahayag. Ito ang tiniyak ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro matapos banggitin ng Pangulo ang panukala sa isinagawang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting. Ayon kay Castro, kabilang ang anti-fake news at digital disinformation bill sa 21 priority measures na target maipasa bago Hunyo. “Ang sabi lamang po ng Pangulo ay dapat balansehin dahil baka masagasaan ang freedom of expression. Dapat malinaw kung ano ang fake…
Read More