IPINAG-UTOS ni Pangulong Marcos ang agarang pagbabayad sa mga kontratistang maayos at tama ang pagtupad sa kanilang mga kontrata. Ayon kay Castro, buo ang paninindigan ng Pangulo na kailangang paandarin ang ekonomiya kasabay ng pagpapanagot sa mga abusado sa pondo ng bayan. Sa pulong ng Pangulo at ng economic team, hinikayat ang Gabinete na mag-move forward at tiyaking mabilis at de-kalidad ang pagpapatupad ng mga infrastructure projects. Dagdag pa ni Castro, mahalaga ang maayos na ugnayan ng national at local governments upang masubaybayan ang progreso ng mga proyekto. Bilang bahagi…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Hindi makikipagplastikan para sa Senate leadership CAYETANO: LAHAT NANGANGAMPANYA PARA SA MAYORYA
HINDI na makikipagplastikan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa usapin ng Senate leadership, iginiit na malinaw ang kanilang posisyon—gusto nilang maging mayorya, pero kulang pa sa bilang para makuha ang liderato ng Senado. Ayon kay Cayetano, hindi na bago ang isyung ito at nananatiling haka-haka lamang ang lahat hangga’t walang 13 boto na kailangan upang palitan ang kasalukuyang pamunuan. “We’re in the minority. So of course, we want to be in the majority. That was never a secret,” ani Cayetano. Aminado rin ang senador na sa ngayon, parang…
Read MoreDIPLOMASYA SA CHINA SUPORTADO NG PALASYO
SANG-AYON si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa paggamit ng diplomatikong paraan sa pagharap sa umiigting na “war of words” sa pagitan ng mga opisyal ng Pilipinas at Tsina kaugnay ng pinagtatalunang West Philippine Sea (WPS). Ayon kay Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, batid ng Pangulo ang nagpapatuloy na palitan ng pahayag sa pagitan ng ilang opisyal ng Pilipinas at ng Chinese Embassy, na humantong sa panawagan ng ilang mambabatas na ideklara ang isang opisyal ng embahada bilang persona non grata. Sinabi ng Department of Foreign…
Read MoreNanawagan ng hinahon at pananagutan MGA SULSOL PINATINGKAD TENSYON NG PH, CHINA – MAISUG
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NANAWAGAN ang grupong Hakbang ng Maisug ng kahinahunan at pananagutan mula sa mga opisyal ng pamahalaan sa gitna ng tumitinding usapin hinggil sa banta ng digmaan. Sa pahayag ng grupo sa pamamagitan ni Atty. Vic Rodriguez, sinabi nito na hindi ito ang tamang panahon para sa mga salita na maaaring magpalala ng sigalot, lalo na habang patuloy na nahaharap ang mga Pilipino sa lumalalang kalagayang pang-ekonomiya at sa mga epekto ng mga kalamidad. Binigyang-diin nila na mas kinakailangan ang pagtutok ng pamahalaan sa pagbangon ng bansa…
Read MoreLAGANAP NA KAHIRAPAN, KORUPSYON ISINISI SA KONGRESO
ITINURING na may malaking pananagutan ang Kongreso kung bakit nananatiling lugmok sa kahirapan at katiwalian ang Pilipinas dahil sa kabiguang magpasa ng batas laban sa political dynasty, kahit malinaw itong itinatadhana sa 1987 Constitution. Mula pa sa 8th Congress hanggang sa kasalukuyang 19th Congress, paulit-ulit nang inihain ang mga panukalang batas kontra political dynasty ngunit walang naisabatas, ayon kay Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima. “Napakatagal na dapat naipasa ng batas na ito. Sa hindi pagsasabatas nito, nasaan na tayo ngayon? Hindi ba’t talamak pa rin ang katiwalian…
Read MoreSC: HINDI LANG IMPEACHABLE OFFICER, KUNDI PROSESO NG IMPEACHMENT DAPAT SINUSURI
NILINAW ni Supreme Court Associate Justice Amy Lazaro-Javier na hindi lamang ang impeachable officer ang dapat suriin, kundi pati ang mismong proseso ng impeachment bago magbigay ng hatol. Ito ang binigyang-diin ng mahistrado sa kanyang boto na nagpapatibay sa naunang desisyon ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Matatandaang ibinasura ng SC ang Motion for Reconsideration ng Kamara dahil sa kawalan ng due process at paglabag sa one-year bar rule. Ayon kay Lazaro-Javier, ang pananagutan ay para sa lahat—kaya’t…
Read MoreTAUHAN NG CUSTOMS IDINADAWIT SA P1.2-B NA HALAGA NG PUSLIT NA YOSI
INIIMBESTIGAHAN ngayon ang ilang opisyal ng Bureau of Customs sa Port of Batangas dahil sa koneksyon umano sa nakumpiskang P1.2 billion na halaga ng smuggled na sigarilyo sa Barangay Balete, Batangas City noong New Year’s Eve. Sinasabing, ang pagkakatukoy ng pagkakakilanlan ng isa sa mga pangunahing suspek sa smuggling ang susi para malaman ang mga opisyal ng customs na nagbigay ng go signal upang i-clear ang illegal shipments ng yosi. Una ring sinabi ng PNP-Highway Patrol Group na ang mister ng isang empleyado ng customs ang nagrerenta ng container yard…
Read MoreSENADO ‘DI DAPAT MAGPADALA SA EMOSYON SA PAGKONDENA SA CHINA
PINAALALAHANAN ni dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary at Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang kanyang mga kapwa senador na huwag magpadala sa emosyon at magdahan-dahan sa kanilang desisyon at hakbangin sa pagkondena sa China. Paalala ni Cayetano sa kanyang kapwa mambabatas, mayroong epekto para sa ating mga China-based overseas Filipino workers (OFWs) ang gusto nilang ipasa na resolusyon na kumokondena sa isang Chinese embassy official tungkol sa usapin ng West Philippine Sea. Labinlimang senador na kasi ang lumagda sa Senate Resolution No. 256 na kumokondena sa maanghang…
Read MoreSC: IMPEACHMENT VS VP SARA LABAG SA KONSTITUSYON
PINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) En Banc ang nauna nitong deklarasyon na labag sa Saligang Batas ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Z. Duterte. Kahapon ay tuluyan nang ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman ang motion for reconsideration ng Kamara na humihiling na baligtarin ang desisyon noong Hulyo 25, 2025 na nagdedeklarang unconstitutional ang impeachment laban sa Bise Presidente. Ayon sa SC, ang ikaapat na reklamong impeachment na ipinadala sa Senado noong Pebrero 5, 2025 ay malinaw na bawal sa ilalim ng Article XI, Section 3(5) ng Konstitusyon, na nagtatakda…
Read More