PINAGBITIW sa puwesto si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Education Minister Mohagher Iqbal matapos lumabas ang special audit report ng Commission on Audit (COA) kaugnay ng umano’y iregularidad sa pagbili ng P2.2 bilyong halaga ng education at training materials. Batay sa dalawang pahinang liham ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua noong Mayo 11, 2026, inatasan si Iqbal na agad magsumite ng irrevocable resignation, at kapag hindi ito sumunod ay ituturing umano itong kusang nagbitiw sa puwesto. Kabilang umano sa audit findings ng COA laban sa Ministry of Basic,…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
MGA KINAUSAP NG PGMN, MALALANTAD NA — NBI
MALALANTAD na umano ang mga personalidad na nakipag-ugnayan sa founder ng Peanut Gallery Media Network (PGMN) na si Franco Mabanta matapos aprubahan ng korte ang cyber warrant na hiniling ng National Bureau of Investigation (NBI). Ito ang inihayag ni NBI Director Atty. Melvin Matibag matapos payagan ng Pasig Regional Trial Court ang pagbusisi sa mga gadgets na nakumpiska kay Mabanta at apat pang indibidwal na inaresto sa isinagawang entrapment operation. Sa ginanap na MACHRA Balitaan ng Manila City Hall Reporters Association sa Harbour View sa Ermita, Manila, kinumpirma ni Matibag…
Read MoreIMPEACHMENT COURT VS VP SARA, BINUO NA
PORMAL nang nanumpa ang mga senator-judge sa gagawing impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte matapos mag-convene sa plenaryo ngayong Lunes. (DANNY BACOLOD) TULUYAN nang nag-convene ang Senado bilang impeachment court para talakayin ng articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Sa sesyon kanina ay inirefer na sa Senate Committee on Rules ang articles of impeachment. Bukod sa articles of impeachment, inanunsyo ng Senado na hawak na rin nila ang box mula sa Bureau of Internal Revenue na naglalaman ng mga dokumento ni VP Duterte. Tanong naman…
Read MoreFORMER UP PROF DE LEON ITINALAGANG DBM CHIEF
KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Department of Budget and Management Secretary Kim Robert De Leon bilang permanenteng kalihim ng ahensya. Si De Leon, dating propesor ng University of the Philippines at dating DBM Undersecretary, ang pinakabatang miyembro ngayon ng Gabinete ni Pangulong Marcos. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary and Palace Press Officer Claire Castro na inaasahang manunumpa si De Leon sa kanyang bagong tungkulin ngayong Mayo 19, 2026. Kinilala si De Leon bilang isang career public servant na…
Read MoreP526-M SMUGGLED YOSI NASABAT NG NAVY
HAWAK ngayon ng Bureau of Customs ang tinatayang P526 milyong halaga ng hinihinalang smuggled tobacco products na nasabat ng mga tauhan ng Philippine Navy sa isinagawang joint anti-smuggling campaign kaugnay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang kampanya kontra smuggling at pagbabantay sa mga hangganan ng bansa. Ayon sa BOC, malaking dagok ito sa smuggling syndicates matapos masabat ng Philippine Navy-Western Mindanao Naval Command (WESMINCOM) ang dalawang major maritime smuggling attempts sa Western Mindanao sa loob lamang ng 48 oras. Sa joint inventory na isinagawa ng Philippine…
Read MoreAFTERSHOCK SA MAGNITUDE 5.2 EARTHQUAKE ASAHAN
PINAALALAHANAN ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang publiko hinggil sa posibilidad na makararamdam ng mga aftershock kasunod ng Magnitude 5.0 earthquake na tumama sa Maguindanao del Sur, Ayon sa ulat na ipinarating ng PHIVOLCS sa Office of Civil Defense, ang lindol na may lakas na magnitude 5.0 at tumama bandang alas-7:25 noong Sabado ng gabi, ay posibleng lumikha ng mga pagyanig o aftershock bagama’t wala inulat na naging pinsala ito sa mga naapektuhang bayan. Ang epicenter ay nasa 9 kilometro hilagang-kanluran ng General Salipada K. Pendatun, Maguindanao…
Read MoreBernos nanawagan ng proteksyon laban sa mga ‘fly-by-night’ na solar provider
Nanawagan si Abra Lone District Representative JB Bernos sa pamahalaan na palakasin ang proteksyon para sa mga Pilipinong lumilipat sa solar energy, kasabay ng pagdami ng mga ulat tungkol sa mga “fly-by-night” na solar power providers. Ayon kay Bernos, bagama’t mahalagang suportahan ang paglipat ng mga kabahayan sa renewable energy dahil sa benepisyo nito sa kalikasan at sa pangmatagalang pagtitipid sa kuryente, dapat tiyakin ng gobyerno na ligtas ang mga mamimili laban sa mga abusadong kumpanya. “Lubos nating sinusuportahan ang paglipat sa renewable energy, ngunit kailangang maging maagap ang gobyerno—lalo…
Read MoreAPLASCA 6-BUWAN SUSPENDIDO SA GULO SA SENADO
INANUNSYO ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla ang pagpapataw ng anim na buwang preventive suspension kay acting Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca kaugnay ng naganap na kaguluhan sa Senado noong Miyerkoles, Mayo 13, 2026. Sa isinagawang press conference nitong Biyernes, Mayo 15, sinabi ni Remulla na pinirmahan na niya ang rekomendasyon para sa suspensyon ni Aplasca. “There was a recommendation and I signed for six months preventive suspension of the acting Sergeant-at-Arms of the Senate Mao Aplasca for what happened on the other night,” ayon kay Remulla. Paliwanag ng Ombudsman, layunin…
Read More7 PULIS SIBAK SA PAGNANAKAW NG ‘POGO MONEY’
SINIBAK na sa serbisyo ang pitong pulis kaugnay sa pagnanakaw umano ng perang nakumpiska sa isang POGO operation at gagamitin sana bilang ebidensya sa kaso. Batay sa dokumento mula sa Directorate for Personnel and Records Management, kabilang sa mga tinanggal sa serbisyo ang dating CIDG cash evidence custodian na si Police Lt. Col. Joey Arandia at anim nitong tauhan. Napatunayang guilty ang mga ito sa administratibong kasong Grave Misconduct, Grave Dishonesty, at Conduct Unbecoming of a Police Officer. Sa ulat, naganap pa noong Oktubre 2024 ang operasyon ng CIDG sa…
Read More