HABANG tinututukan ng state weather bureau ang panibagong Tropical Storm na nagbabantang magdala ng tuloy-tuloy pang pag-ulan na nararanasan ngayon ng bansa, patuloy na lumolobo ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at epekto ng Southwest Monsoon o Habagat. Ayon sa PAGASA, kasalukuyan nilang mino-monitor ang Tropical Storm Nangka (formerly LPA 08d) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na posibleng magdulot pa ng mga pag-ulan sa bansa. Samantala, sa datos na ibinahagi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot na sa 3.1…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
VP SARA SINAMPAHAN NG 3 COUNTS OF GRAVE THREAT SA QC RTC
OPISYAL nang isinampa ng Department of Justice (DOJ) sa Office of the Clerk of Court ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang tatlong bilang ng kasong Grave Threat laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng umano’y pagbabanta nito sa buhay nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez. Kinumpirma ito ni DOJ Presidential Spokesman Atty. Polo Martinez, na nagsabing nakitaan ng prima facie evidence at matibay na ebidensya ang umano’y pagbabanta ng Vice President na nakuhanan sa video. Isinampa ang…
Read MoreFLOOD CONTROL PROGRAM, MAY PONDO NA SA 2027 BUDGET
MULA sa zero budget noong 2026, pinaglaanan na ng P107.4 bilyon ang flood control program sa ilalim ng 2027 National Expenditure Program (NEP). Ayon kay DBM Acting Secretary Kim Robert de Leon, kailangan nang pondohan ang mga flood control program dahil may mga proyektong kailangang ituloy ng pamahalaan. Sa nasabing alokasyon, P19.6 bilyon ang nakalaan para sa capital outlay, habang P3.41 bilyon naman ang para sa flood control programs ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kabilang ang maintenance at operasyon ng mga flood control structure gaya ng pumping stations. “Hindi…
Read More2027 BUDGET BUBUSISIIN PARA MATIYAK NA BAWAT PISO AY MAPAKIKINABANGAN NG MGA PILIPINO — SPEAKER DY
NANGAKO si House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III nitong Martes na masusing susuriin ng House of Representatives ang panukalang pambansang badyet para sa 2027 upang matiyak na ang bawat pisong ilalaan ay magdudulot ng konkretong pakinabang sa mga Pilipino. Sa pormal na pagtanggap ng Kamara sa 2027 National Expenditure Program (NEP), sinabi ni Dy na mananatiling sentro ng proseso ng pagbabadyet ang kapakanan ng mga Pilipino, alinsunod sa tema ng pamahalaan na “People-Centered Growth for an Inclusive and Resilient Future.” “Hindi sapat na sabihin kung magkano ang ginagastos. Dapat…
Read MoreMERALCO 24/7 NA NAGTATRABAHO PARA MAIBALIK ANG SERBISYO NG KURYENTE SA MGA LUGAR NA APEKTADO NG HABAGAT
Tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco) na walang tigil ang pagtatrabaho ng mga crew at personnel ng kumpanya para ligtas na maibalik ang serbisyo ng kuryente sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng Habagat. Makikita sa larawan ang mga crew ng Meralco na nagsasaayos ng mga pasilidad ng kuryente sa Meycauayan, Bulacan. “Nagpapasalamat kami sa aming mga customer sa kanilang pang-unawa at tulong na maiparating sa amin ang mga alalahanin sa serbisyo ng kuryente para mabilis namin itong maaksyunan. Makakaasa ang aming mga customer na hindi titigil ang aming mga…
Read MoreEXTRADITION NI QUIBOLOY INAARAL PA NG PHL GOV’T — MALACAÑANG
PINAG-AARALANG mabuti ng gobyerno ng Pilipinas ang kahilingan ng Estados Unidos na i-extradite ang lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo Quiboloy, ayon sa Malacañang. Si Quiboloy, na kasalukuyang nakapiit sa Pasig City Jail, ay nahaharap sa mga kasong child sex trafficking, bulk cash smuggling at iba pang kaso sa Estados Unidos, bukod pa sa mga lokal na kaso ng qualified human trafficking at child abuse. “Sinabi po niya (Pangulong Ferdinand Marcos Jr.) na kailangan ‘tong pag-aralang mabuti. Pero in a couple of weeks ay magbibigay…
Read MoreBASURA LUMUTANG SA BASECO BEACH
LUMUTANG ang tambak na mga basura sa Baseco Beach sa Maynila kasabay ng pagtaas ng tubig-dagat at malakas na alon dulot ng patuloy na malakas na pag-ulan na nagsimula pa nitong mga nakaraang araw. Ilang tonelada ng mga basura ang tinangay at naipon sa baybayin ng dagat bunsod ng pagtaas ng alon na tinatayang tatlong talampakan ang taas, habang mataas ang lebel ng tubig dahil sa high tide. Dahil dito, agad nagsagawa ng puspusang clearing operations ang Department of Environment and Public Services (DEPS) ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila. Sa…
Read MorePUJALTE OUT, DR. MERCADO IN BILANG KALIHIM NG DOH — MALACAÑANG
INANUNSYO ng Malacañang na itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Lunes, Agosto 10, si Dr. Edwin Mercado bilang bagong kalihim ng Department of Health (DOH). Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, si Dr. Mercado ay kasalukuyang Acting President and Chief Executive Officer ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), kung saan siya itinalaga noong Pebrero 2025. Bago ang kanyang appointment bilang DOH Secretary, nagsilbi si Dr. Mercado bilang medical director ng Daniel Mercado Medical Center mula 1998 hanggang 2000 at naging president…
Read MoreNATIONAL FLOOD MANAGEMENT PLAN IGINIIT NI PANGILINAN
IGINIIT ni Senador Kiko Pangilinan ang pangangailangang bumuo ng komprehensibong national flood management plan at magsagawa ng full accounting sa public funds na inilalaan para sa flood control projects. Sinabi ni Pangilinan na hindi dapat maging normal ang pagbaha at hindi dapat nangangamba ang mga Pilipino tuwing umuulan. Ayon sa senador, paulit-ulit na lamang ang eksenang nakikita tuwing malakas ang ulan—binabahang mga kalsada, tubig na pumapasok sa mga bahay at paaralan, at mga pamilyang napipilitang lumikas. Binigyang-diin ng senador ang pangangailangan para sa isang pangmatagalan at pambansang flood management plan…
Read More