MV TRISHA KERSTIN 3 OVERLOADED – DOTr

KINUMPIRMA ng Department of Transportation sa Senate Committee on Public Services na overloaded ang MV Trisha Kerstin 3 nang lumubog sa karagatan ng Basilan, noong January 25. Sa pagdinig ng komite, ipinaliwanag ni Transportation Assistant Secretary Manuel Cabochan III na ang allowed capacity ng barko ay 352 na pasahero at 24 hanggang 27 na crew. Subalit sa datos, 293 na ang survivors, 52 ang namatay at 24 pa ang nawawala kaya’t malinaw na may inconsistencies sa passenger manifest. Bukod sa taong sakay, overloaded din ang kargamento at hindi dumaan sa…

Read More

Sa pagsusuot ng uniporme ng pulis PAGSASAMPA NG KASO KAY NORMAN MANGUSIN PINAG-AARALAN NG PNP

INIHAYAG ni PNP Spokesperson P/Brig. Gen. Randulf Tuaño, pinag-aaralan ng Pambansang Pulisya ang pagsasampa ng kaso laban sa isang vlogger. Matatandaang nag-viral sa social media ang content creator na si Norman Mangusin o mas kilala bilang si Francis Leo Marcos, habang nakasuot ng uniporme ng pulis. Pinagmumura at hinamon din ng suntukan ni Mangusin si Police Regional Office 2 Director P/Brig. Gen. Antonio Marallag Jr. Ayon kay Tuaño, posibleng maharap sa kasong usurpation of authority at illegal use of uniforms or insignia si Mangusin na posibleng magresulta sa pagkakakulong. Iginiit…

Read More

Para sa special election 7 KANDIDATO NAGSUMITE NG COC SA ANTIPOLO

MAY kilalang mga politiko at personalidad na naghain ng Certificate of Candidacy para sa Ikalawang Distrito ng Antipolo para sa special election upang mapunuan ang nabakanteng pwesto ni dating Rep. Romeo Acop. Ayon sa Comelec, inaasahan na pito ang opisyal na kandidato kasama ang isang ordinaryong mamamayan mula sa Antipolo na tumakbo sa halalan. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, maituturing na maganda ang kinalabasan ng filing of candidacy dahil nagpapakita ito ng pagiging masigla at buhay ng demokrasya sa Ikalawang Distrito ng Antipolo. Sa pagtatapos ng en banc session…

Read More

P10-B CANCER FUND ITINUTULAK NI VILLAR

MAGHAHAIN si Senador Camille Villar ng panukalang batas na magtatatag ng ₱10-bilyong Cancer Medicine and Treatment Assistance Fund upang matulungan ang mahihirap at kapos-palad na pasyenteng may kanser sa bansa. Inilatag ng senador ang panukala bilang paggunita sa World Cancer Day, kung saan layon nitong magbigay ng libreng gamot at paggamot sa kanser sa pamamagitan ng mga PhilHealth-accredited na pampublikong ospital sa bawat lalawigan. Makikipagtulungan ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of the Interior and Local…

Read More

POLICE COLONEL, 11 PA KINASUHAN SA HAZING SA BASILAN

KINASUHAN na ang 12 mga pulis na sangkot sa isinagawang hazing sa welcome rites sa mga bagong destinong pulis sa Lamitan City, Basilan. Kasong paglabag sa RA 11053 o Anti-Hazing Act of 2018 ang naisampa sa mga pulis na kinabibilangan ng isang police colonel; isang police major; limang police corporals at limang patrolmen. Sa isinagawang pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesperson P/BGen. Randulf Tuaño, sa kabuuan, 77 PNP personnel ang sinibak sa pwesto at 22 sa mga ito ang nasa restrictive custody na. Inaasahan naman na tataas…

Read More

6 PANG BANGKAY MULA SA MV TRISHA KERSTIN 3 NAREKOBER NG PCG

ANIM pang bangkay ng mga pasahero ang narekober ng technical divers mula sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3 sa Baluk-Baluk Island Basilan, na nagdala sa kabuuang bilang ng mga nasawi sa 51. Natagpuan ang limang bangkay ng technical divers nang magsimulang sumisid dakong alas-6 ng umaga sa lalim na 180 feet sa loob ng barko sa bahagi ng unang deck ng economy accommodation area. Samantala, isa pang bangkay ang narekober sa lalim na 187 feet sa loob din ng accommodation area ng lumubog na barko. Agad na isinakay ang…

Read More

2 HVI ARESTADO SA BUY-BUST SA PASAY

NADAKIP ang dalawang suspek sa ilegal na droga kabilang ang dating karelasyon ng isang tinaguriang “ninja cop” at isang dating opisyal ng barangay sa buy-bust operation sa Pasay City na nagresulta rin sa pagkakakumpiska ng humigit-kumulang ₱170,000 halaga ng shabu. Kinilala ni Pasay City Police Chief Col. Joselito De Sesto ang mga suspek na itinago sa mga alyas na “Sheryl,” 40, at “Vince,” 53, kapwa itinuturing na high-value individuals. Inaresto ang mga suspek sa parking area ng isang sangay ng McDonald’s sa kanto ng F.B. Harrison at Villaruel Streets, Pasay…

Read More

BULKANG MAYON NAGBUGA NG LAVA

BUNSOD ng patuloy na pag-aalboroto ay nagbuga ng lava ang bulkang Mayon, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Sabado, Pebrero 7, 2026. Sinabi ng Phivolcs na nakataas sa alert level 3 ang paligid ng Bulkang Mayon. Ayon pa sa Phivolcs, bukod sa pagbuga ng lava ay namataan din ang pag-agos ng lava sa bunganga ng bulkan. Nabatid pa sa ulat na naitala rin ang dalawang volcanic earthquake sa paligid ng bulkan, at 335 beses na pagguho ng bato. Idinagdag pa sa ulat na bukod sa pagyanig…

Read More

DEATH TOLL SA BAGYONG BASYANG: SUMAMPA SA 12

UMABOT na sa 12 ang bilang ng mga nasawi dulot ng pananalasa ng Tropical Storm Basyang, ayon sa pinakahuling ulat ng Office of Civil Defense (OCD) hanggang alas-6 ng gabi nitong Sabado. Ayon sa OCD, siyam sa mga nasawi ay naitala sa Northern Mindanao (Region 10). Apat sa mga ito ang namatay matapos matabunan ng landslide sa Cagayan de Oro City, habang apat naman ang nasawi sa Lanao del Norte. Isa pang kaso ang patuloy pang bineberipika ng mga awtoridad. Tatlo naman ang naitalang nasawi sa Caraga Region dahil sa…

Read More