2 JAPANESE FUGITIVES NA MAY KONEKSYON SA GLOBAL SYNDICATE, TIMBOG

TIMBOG ang dalawang high-value Japanese fugitives na konektado sa international crime syndicate sa magkahiwalay na operasyon sa Mandaluyong at Maynila. Kinilala ni PAOCC Executive Director Usec. Benjamin Acorda Jr. ang mga suspek na sina Sato Taiki at Masayuki Aoyagi. Ayon sa ulat, si Taiki ay miyembro ng “Luffy Group” na sangkot sa mahigit 50 kaso ng nakawan sa Japan mula 2021 hanggang 2023, habang si Aoyagi ay kabilang sa JP Dragon Syndicate, isang transnational criminal organization na may ugnayan sa Yakuza. Kapwa sila may kaso sa Japan at itinuturing na…

Read More

ZALDY CO MARAMI PANG IBUBUNYAG — GARBIN

MARAMI pang isisiwalat si dating kongresista Zaldy Co kapag nakabalik na ito ng bansa. Ito ang kumpiyansang ipinahayag ni Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin, na dati ring kasama ni Co sa partylist group. “I expect that he will tell all! Marami pa siyang hindi nasasabi,” ani Garbin. Gayunman, sinabi ng mambabatas na nakasalalay sa antas ng kalayaang ibibigay ng administrasyon ang bigat ng mga rebelasyon ni Co. “In due time and affording him due process under our law, then lahat masisiwalat niya… sana kung maiuwi siya, he can speak…

Read More

2 PULIS SUGATAN SA KAGAT NG NAGWAWALANG LALAKI

SUGATAN ang dalawang pulis makaraang kagatin ng isang lalaki na kanilang aarestuhin Marikina City. Ayon sa ulat, isang tawag ang natanggap ng Concepcion Dos Police Station kaugnay sa isang lalaki na nagwawala sa rooftop ng isang bahay sa isang residential subdivision sa Brgy. Marikina Heights, Marikina City. Kaagad namang nagresponde ang dalawang pulis at nadatnan nila ang suspek na may hawak na kutsilyo. Sinubukan nilang pakalmahin ang suspek subalit naging marahas ito na humantong sa pangangagat sa mga pulis. Isa sa mga pulis ang kinagat sa tagiliran habang ang isa…

Read More

4 KIDNAPPER PATAY, PULIS SUGATAN SA RESCUE OPERATION NG AKG

KINUMPIRMA ng PNP-Anti Kidnapping Group na apat na hinihinalang mga kidnapper ang napatay sa nangyaring rescue operation sa Parañaque City noong Miyerkoles ng gabi. Sa isinagawang pulong-balitaan sa Camp Crame, sinabi ni AKG Director PBGen. Glicerio Cansilao, nagawa pang maisugod ang mga suspek sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival. Napag-alaman na dalawa sa mga nasawi ay dating mga pulis na nasibak sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa krimen, habang ang dalawa naman ay mga sibilyan na dating nasangkot sa kidnapping. Samantala, sugatan naman ang isang tauhan ng AKG na…

Read More

CAYETANO SA MGA ABOGADO: UNAHIN ANG LAYUNIN, HINDI KLIYENTE AT KASO

HUWAG tumingin sa kliyente, kaso, at pangalan kundi sa mas malalim na dahilan at layunin ng ginagawa sa trabaho. Ito ang mensahe ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa mga abogado sa blessing at dedication ng bagong law office ng pastor-lawyer na si Atty. Jeremiah Belgica at kanyang mga partner nitong April 15. Bilang isa ring abogado, sinabi ni Cayetano na may mas mahalagang basehan ang pagiging abogado kaysa sa tagumpay o impluwensya. “The Lord Jesus said, ‘Seek first My Kingdom and righteousness, and everything shall be added unto…

Read More

PAGDINIG SA FLOOD CONTROL PROJECTS SA SENADO SUSPENDIDO

KINUMPIRMA ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na suspendido muna ang pagdinig kaugnay sa umano’y anomalya sa flood control projects, hanggang hindi pa niya naihaharap sa plenaryo ang binuong partial report. Sinabi ni Lacson, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na kailangan munang matalakay sa plenaryo ang partial report bago magdesisyong ipagpatuloy ang pagsisiyasat. Sa pinakahuling impormasyon mula kay Lacson, kabuuang anim na senador na ang lumagda sa report. Bukod kay Lacson, nakapirma sa report sina Senate President Vicente Tito Sotto III, Senador Erwin Tulfo, Senador Risa Hontiveros, Senador…

Read More

DOJ PINANGALANAN 3 VLOGGERS SA PEKENG BALITA SA KALUSUGAN NI PBBM

TINUKOY na ng Department of Justice (DOJ) ang tatlong vlogger na sangkot umano sa pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Ito’y matapos muling dumulog sa DOJ ang Presidential Communications Office (PCO) upang magsumite ng panibagong referral kaugnay sa kumalat na fake news. Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, natukoy na ang mga administrator ng social media pages na nasa likod ng umano’y malisyosong paninira. Kabilang sa pinaiimbestigahan ang mga personalidad na sina: Iloy Bugris: The Queen of Revelations Rigondola Ping Crage Anderpal Dahil dito,…

Read More

EXECUTIVE CLEMENCY KAY MARY JANE VELOSO, PINAG-AARALAN NA NG DOJ

POSIBLENG mabigyan ng executive clemency si Mary Jane Veloso, ayon sa Department of Justice (DOJ). Sinabi ni Justice Secretary Frederick Vida na kasalukuyang sinusuri ng ahensya ang lahat ng legal na opsyon bago iharap ang rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. “Everything is possible… kaya lahat pinag-aaralan,” ani Vida. Target ng DOJ na matapos ang pag-aaral sa susunod na linggo, kasabay ng planong pakikipagpulong sa pamilya Veloso upang ipaliwanag ang mga susunod na hakbang. “Tulad ng napag-usapan natin, nasa listahan ko yan ng priority,” dagdag pa niya. Sa kasalukuyan, nakakulong…

Read More

VILLAR, PINARANGALAN MGA NATATANGING LIDER-ESTUDYANTE NG BATCH 2026

KINILALA ni Senador Mark Villar ang husay at pamumuno ng kabataang Pilipino sa ginanap na Mark Villar Leadership Awards para sa Batch 2026. Pinarangalan sa naturang programa ang mga estudyanteng nagpakita ng natatanging liderato, pananagutan, at paglilingkod sa kanilang mga paaralan. Kabilang sa mga paaralang may awardees ang Baybay City Senior High School, Camarines Sur National High School, Iloilo National High School, Leyte National High School, Masbate National Comprehensive High School, Negros Occidental High School, New Ormoc City National High School, at Ormoc City Senior High School. Ayon kay Villar,…

Read More