HINIMOK ng bagong talagang National Bureau of Investigation (NBI) Director na si Atty. Melvin Matibag si dating presidential spokesperson Harry Roque na umuwi ng Pilipinas at harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya kaugnay ng isyu ng human trafficking sa POGO hub. “Come home and face all the charges,” pahayag ni Matibag matapos ang courtesy call sa Department of Justice (DOJ). Nauna nang sinabi ni Roque na ang pagkakatalaga kay Matibag sa NBI ay gantimpala umano sa paghahain nito ng disbarment complaint laban sa kanya kaugnay ng “polvoronic” video.…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
Tiniyak ni Mayor Isko P66.8-M ALLOWANCES MATATANGGAP NA NG MANILA LGU EMPLOYEES
TINIYAK ng pamahalaang lungsod ng Maynila na mababayaran na ngayong linggo ang naantalang sahod ng Job Order (JO) at Contract of Service (COS) personnel mula sa Manila Health Department at mga ospital na pinatatakbo ng lungsod para sa Enero 2026. Ito ay matapos ianunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso sa Monday flag raising ceremony, ang pagpapalabas ng P66,821,000 bilang clothing allowance para sa mahigit 9,000 kawani ng pamahalaang lungsod. Sinabi ni Domagoso, makatatanggap ng P7,000 bawat isa ang 8,543 regular na empleyado bilang kanilang clothing allowance para sa 2026. “Imbes…
Read MorePEOPLE POWER 40 KICK-OFF CONCERT, NILAHUKAN NG HIGIT 20,000
MAHIGIT 20,000 katao ang dumagsa sa Quezon Memorial Circle para sa People Power 40 Kick-Off Concert na nagsilbing makulay na panimula sa paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Batay sa pagtaya ng pamahalaang lungsod ng Quezon City, lumobo sa higit 20,000 ang dumalo sa event na inorganisa ni Mayor Joy Belmonte at ng Mayors for Good Governance, kasama si Senador Bam Aquino at ang Kaya Natin! Movement. Sa temang “Awit at Aksyon Kontra Korapsyon,” tampok ang pagtatanghal ng mga mang-aawit, rock bands, rappers, comedians at dance groups…
Read MoreREP. ZAMORA HUMIRIT NG DAGDAG-PONDO SA FLOOD CONTROL
HINILING ni Davao de Oro Rep. Maria Carmen Zamora sa administrasyon ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. ang karagdagang pondo para sa flood control projects matapos mapatunayang epektibo ang mga ito sa gitna ng matinding pag-ulan dulot ng shear line na tumama sa malaking bahagi ng Mindanao. Ayon kay Zamora, malaki ang naitulong ng mga proyekto lalo na sa paligid ng Kalaw Bridge sa kahabaan ng Agusan River sa bayan ng Monkayo, Davao de Oro. “We’re proud to say na yung ating mga flood control projects dito sa ating distrito ay…
Read MoreLONG-TERM SOLUTIONS KONTRA BAHA TINATRABAHO NA
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko nitong Sabado na aktibong tinatrabaho ng kanyang administrasyon ang mga pangmatagalang solusyon upang matugunan ang problema sa pagbaha sa bansa. Pinangunahan ng Pangulo ang inspeksyon sa nagpapatuloy na operasyon sa ilalim ng Oplan Kontra Baha sa Sagop Creek sa Barangay Triangulo, Naga City. Ininspeksyon din niya ang Barangay Concepcion Pequeña. “This is only the beginning. Ito, desiltation lamang ito. Kagaya ng mga ginagawa natin sa ibang lugar, this is not going to be one time,” pahayag ng Pangulo matapos ang inspeksyon.…
Read MoreBI: BANTAG, HINDI PA LUMALABAS NG BANSA
KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) na wala silang record na nakalabas ng bansa si dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag. Ito’y sa gitna ng patuloy na pagtugis sa kanya kaugnay ng pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid noong Oktubre 2022. Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, nananatiling nasa bansa si Bantag base sa kanilang datos. Nauna nang inilagay ang dating opisyal sa Immigration Lookout Bulletin Order at may Hold Departure Order na rin laban sa kanya mula sa Muntinlupa City RTC noong 2023. Nahaharap si Bantag sa…
Read MorePRO-CAR: WALANG VALIDATED INFO NA NASA CORDILLERA SI BANTAG
ITINANGGI ng Police Regional Office–Cordillera (PRO-CAR) na may kumpirmadong impormasyon na nasa kanilang rehiyon si Bantag. Ayon kay PRO-CAR Regional Director BGen. Ericson Dilag, wala pa silang validated report sa eksaktong kinaroroonan ng dating BuCor chief, bagama’t pinaigting na ang manhunt operations. Nauna nang sinabi ni Jonvic Remulla na base sa huling impormasyon ay posibleng nasa Cordillera si Bantag. May inilabas nang arrest warrant ang Muntinlupa court noong Abril 2023 kaugnay ng pagpatay kina Percy Lapid at inmate na si Jun Villamor. Samantala, naglaan ang Department of Justice ng ₱2…
Read More17,525 NAGPAREHISTRO SA BARMM; MAGUINDANAO DEL NORTE, PINAKAMARAMI
UMABOT na sa 17,525 ang kabuuang aplikante na nagparehistro para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary elections, ayon sa pinakahuling datos ng Commission on Elections. Batay sa tala hanggang Pebrero 19, 8,616 ang kababaihan habang 8,903 naman ang kalalakihan na nakapagpatala sa rehiyon ng Bangsamoro. Pinakamataas ang bilang sa Maguindanao del Norte na may 4,654 registrants. Sinundan ito ng Maguindanao del Sur (3,428), Basilan (2,911), Special Geographic Area sa Cotabato (2,353), at Tawi-Tawi (2,151). Pinakamababa naman ang naitala sa Lanao del Sur na…
Read More₱1.5-M PAUTANG, BAGONG PAG-ASA SA MGA MAGNINIYOG SA CAMSUR
BAGONG sigla sa mga magniniyog sa Lagonoy, Camarines Sur matapos makakuha ang Sipaco Agriculture Cooperative (SACOOP) ng ₱1.5 milyong pautang mula sa Land Bank of the Philippines sa tulong ng Department of Agrarian Reform (DAR). Ayon sa DAR, ang pondo ay magbibigay ng sapat na puhunan upang mapalago ang produksyon, mapahusay ang ani at madagdagan ang kita ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs). Ayon sa ahensya, binubuo ang pautang ng ₱1 milyon sa ilalim ng Coconut Farmers and Industry Development (CFID) Credit Program at ₱500,000 sa pamamagitan ng Accessible Loan…
Read More