PNP-NCRPO FULL ALERT SA TRILLION PESO MARCH

SIMULA bukas Pebrero 21, ilalagay ng Philippine National Police- National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) sa full alert status ang kanilang buong pwersa upang matiyak na mapapanatili ang kapayapaan at seguridad bago ang isasagawang Trillion Peso March. Ayon kay NCRPO spokesperson Maj. Hazel Asilo, magtataas sila ng alert level sa kabila ng kawalan ng anomang na-monitor na validated threat. “Para sa mga threats, wala po tayong namo-monitor na mga banta pero patuloy naman ‘yung ginagawa natin na pakikipag-ugnayan sa ating other intel agencies para ma-sure na lagi tayong nakahanda in…

Read More

2 SA 7 MINORS NA TUMANGAY NG MOTOR, ISINUKO NG MAGULANG

CAVITE – Hawak na ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang dalawang binatilyo habang pinaghahanap ang lima pa nilang kasamahan na pawang menor de edad din, na pwersahang pumasok sa isang tindahan at tinangay ang dalawang motorsiklo sa Gen. Trias City noong Miyerkoles ng madaling araw. Sina alyas “Jay”, 16, Grade 5 student, at “Tahniel”, 13, out-of-school youth, ay nasa kustodiya na ng Gen. Trias CSDW matapos isuko ng kanilang mga magulang, habang ang lima na kinilalang sina “Choky”, 11; “Burnok”, 12; “Kalbo”, 13; “Junior, 9; at “Yuri”, 13,…

Read More

8 PULIS SINIBAK SA PAGKAMATAY NG DETAINEE

SINIBAK sa pwesto ang walong opisyal ng pulisya sa PNP-Police Regional Office Bicol kaugnay ng pagkamatay ng isang Person Under Police Custody sa Del Gallego, Camarines Sur noong Pebrero 6. Ayon kay PNP Public Information Office chief, BGen. Randulf Tuaño, kabilang sa mga inalis sa pwesto ang Provincial Director ng Camarines Sur Police Provincial Office at Catanduanes Police Provincial Office, gayundin ang hepe ng Del Gallego Municipal Police Station. Ayon kay Tuaño, ito’y bunsod ng late reporting sa insidente ng pagkamatay ng isang arrested suspect sa kamay ng apat nilang…

Read More

OSG PINABABASURA SA SC HABEAS CORPUS PARA KAY DUTERTE

NAGHAIN ng memorandum ang Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema na hinihiling na ibasura ang petition for writ of habeas corpus na inihain ng mga anak ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Ang petisyon ay inihain nina Davao City Rep. Paolo Duterte, Acting Mayor Sebastian Duterte at Veronica “Kitty” Duterte para sa agarang paglaya ng kanilang ama. Sa tatlong pahinang memorandum, inilatag ng OSG ang tatlong pangunahing argumento: Una, wala na umano sa hurisdiksyon ng Pilipinas ang dating pangulo kaya hindi na maipatutupad ang anomang writ na ilalabas.…

Read More

‘FREE ELECTRICITY’ ITINULAK SA KAMARA

KUNG hindi lalampas sa P2,000 ang buwanang bill mo sa kuryente, posible kang mag-zero balance. Ito ang layunin ng House Bill 2700 o “Free Electricity for Low-Consumption Households Act” na inihain ni Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos. Sa ilalim ng panukala, ang mga kabahayang kumokonsumo ng hanggang 135 kWh kada buwan ay mabibigyan ng libreng kuryente sa pamamagitan ng Direct Government Subsidy. “This bill seeks to institutionalize a Direct Government Subsidy for low-consumption households… phasing out the current system of cross-subsidization,” ani Marcos. Sa kasalukuyan, ang subsidy para sa indigent…

Read More

CBCP: ALALAHANIN ANG DIWA NG EDSA

NANAWAGAN ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga mananampalataya na “alalahanin, magsisi, at tumugon” bilang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution. Ayon kay Gilbert Garcera, ang mapayapang rebolusyon na nagpatalsik sa diktadura ay nananatiling isang espiritwal at moral na hamon sa sambayanan. Hinikayat ng CBCP ang publiko na buhayin ang diwa ng EDSA sa pamamagitan ng patuloy na pagsasalaysay ng kasaysayan nito at pagpapaalab ng tapang at pananagutan para sa kabutihang panlahat. Binigyang-diin din ng mga obispo ang pangangailangan ng pagsisisi sa mga…

Read More

NASAWI SA MV TRISHA KERSTIN 3, UMAKYAT SA 58

UMAKYAT na sa 58 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa lumubog MV Trisha Kerstin 3 sa Baluk-Baluk Island, Basilan. Sa pinakahuling update, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na 293 naman ang bilang ng kabuuang survivors at mayroon pa ring 21 indibidwal na nanatiling nawawala. Binibigyang-diin ng PCG, ang mga bilang na ito ay mula sa pinagsama-samang datos mula sa Philippine National Police-Scene of the Crime Operatives (PNP-SOCO), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM), at mga apektadong pamilya na nakikipag-ugnayan sa…

Read More

SENIOR CITIZEN TIMBOG SA 4 RAPE CASES

ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District-District Police Intelligence and Operations Unit (DPIOU), na pinamumunuan ni PMaj. Kevin Rey Bautista, ang isang 62-anyos na lalaking “wanted” sa kasong statutory rape at three counts of rape. Ani Bautista, isinagawa ang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa pamamagitan ng intelligence-driven police operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusadong taga-Zapanta Street, Malate, Manila. Kinilala lamang sa alyas na “Jun,” siya ay naaresto sa Sitio Greenfield’s, Brgy. San Vicente, Municipality of Macalelon, Quezon Province, dakong alas-2:30 ng hapon noong Pebrero 12, 2026,…

Read More

P100-B HALAGA NG DROGA NAKUMPISKA SA 3 TAON — PNP

IPINAGMALAKI ng Philippine National Police (PNP) na umabot sa P100 bilyon ang halaga ng ilegal na droga na nakumpiska sa loob ng tatlong taon. Ayon kay PNP Chief Jose Melencio Nartatez, resulta ito ng tuluy-tuloy at intelligence-driven operations laban sa mga sindikato ng droga. Alinsunod aniya ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatupad ang mga operasyon na may paggalang sa karapatang pantao at sa tuntunin ng batas. Una nang sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na tinatayang P99.5 bilyon ang nakumpiskang droga sa nakalipas na tatlong taon…

Read More