Pamilya tinulungan ng Manila LGU; 12-ANYOS PATAY, 1 PA SUGATAN SA PINULOT NA PAPUTOK

ISA ang nasawi habang kritikal ang isa pa matapos masabugan ng inipong mga paputok ang dalawang menor de edad sa Tondo, Maynila noong Linggo ng gabi. Kinilala ang nasawi bilang isang 12-anyos na estudyante, habang ang isa pang menor de edad na kasama nito ay agad isinugod sa ospital para sa agarang gamutan. Kapwa residente ang mga biktima ng Almeda Street, Tondo. Batay sa imbestigasyon, napansin umano ng isang tricycle driver ang dalawang bata na nakaupo sa gilid ng kalsada at may hawak na malaking triangulo. Ilang minuto ang lumipas,…

Read More

Pangunahing idinulog sa NCMH hotline MARAMING DUMARANAS NG ANXIETY AT DEPRESYON NGAYONG HOLIDAY SEASON

TINUKOY ng Department of Health (DOH) na ang mga nakaranas ng anxiety o pagkabalisa at depressive symptoms ang nangunguna sa humingi ng tulong sa mental health hotline ng National Center for Mental Health (NCMH) sa mga huling linggo ng 2025. Ayon sa DOH, nagsimula ang pagdami ng mga tawag bago pa ang bisperas ng Pasko. Pumangalawa sa mga dumulog sa hotline ang may mga suliranin sa love life o relasyon, habang pumangatlo naman ang may problema sa pamilya. Karamihan sa mga tumawag sa NCMH Crisis Hotline ay mga indibidwal na…

Read More

PNP: ANTIDEPRESSANT NA INIINOM NI USEC CABRAL MAY SUICIDAL EFFECT

SINISILIP ng mga awtoridad ang posibilidad na may epekto sa pag-uugali ang iniinom na antidepressant na gamot ng dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary na si Ma. Catalina Cabral, ayon kay PNP Forensic Group Director Police Col. Pierre Carpio. Ayon kay Carpio, handa ang PNP Forensic Group na magsagawa ng DNA “cross-matching,” subalit hinihintay pa ang reference sample mula sa isang kamag-anak ni Cabral upang maisagawa ang paghahambing. Sa isang pulong-balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Carpio na sapat na sa ngayon ang fingerprint examination upang makumpirma…

Read More

MRT-3 WALANG FARE HIKE SA 2026

MAAASAHAN ng mga komyuter na walang pagtaas ng pamasahe sa susunod na taon sa Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3. Ayon sa MRT-3, walang napag-uusapan na pagtaas ng pamasahe o fare hike sa 2026. Sinabi ng MRT-3 general manager Mike Capati, ang line stations ay aayusin muna lalo na ang mga escalator. Aniya, sa papasok na taon hanggang 2027 ay mayroon silang papalitan ‘fully’ na escalator sa Taft Avenue at Ayala. Unti-unti ring magdedeploy ng mga Dalian train ang MRT-3, target nilang ma-deploy ang lahat ng 48 Dalian trains…

Read More

2025: KONTROBERSYA, KALAMIDAD AT PAGKAKABUKLOD NG MGA PINOY

HINDI naging tahimik ang 2025. Sa loob ng isang taon, hinarap ng bansa ang mabibigat na isyung pampulitika, pagpanaw ng mga iniidolong personalidad, mga lindol at bagyo, at mga pangyayaring gumulantang sa publiko. Bawat buwan ay may iniwang marka — may nagpagulat, may nagpaiyak, at may nagbukas ng mas malalaking tanong tungkol sa direksyon ng bansa. ENERO Agad naging usap-usapan ang pagsisimula ng taon matapos magsanib-pwersa ang ABS-CBN at GMA sa mga proyekto sa telebisyon, tampok ang espesyal na kolaborasyon sa ika-20 season ng Pinoy Big Brother. Ngunit kasabay ng…

Read More

LIBRENG SAKAY SA LRT-2, MRT-3 SA RIZAL DAY ALOK NG LRTA

MAG-AALOK ng libreng sakay ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa lahat ng mga pasahero sa ilang oras sa Martes, Disyembre 30, 2025 bilang paggunita sa Araw ni Rizal. Ang libreng sakay sa LRT-2 at MRT-3 ay iaalok mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi, ayon sa anunsyo ng pamunuan ng dalawang rail transit noong Sabado. Idineklara ng Malacañang ang Disyembre 30 o Araw ni Rizal bilang isang regular na holiday.…

Read More

CHRISTMAS RUSH: 2 PATAY, HIGIT 260 SUGATAN SA MOTORCYCLE ACCIDENTS — DOH

DALAWANG indibidwal ang nasawi habang mahigit 260 ang nasugatan sa mga aksidente ng motorsiklo sa kasagsagan ng Christmas rush, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Biyernes. Batay sa Road Crash Injuries Bulletin ng DOH para sa Disyembre 21 hanggang alas-5:00 ng umaga ng Disyembre 26, umabot sa 263 indibidwal ang naitalang sangkot sa mga insidente ng road crash. Ayon sa DOH, ang bilang na ito ay 7 porsiyentong mas mababa kumpara sa kaparehong monitoring period noong 2024. Nagmula ang datos sa 10 sentinel hospitals na patuloy na minomonitor ng…

Read More

STRAY BULLET AT PAGSABOG NOONG PASKO: 3 PATAY, IBA PA SUGATAN

NASAWI ang isang sibilyan sa tama ng stray bullet sa Maynila, habang dalawa pa ang namatay sa pagsabog na hinihinalang mula sa nakaimbak na pyrotechnic products sa Dagupan City sa nagdaang pagdiriwang ng Pasko. Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes, Disyembre 26, 2025, isang indibidwal ang nasawi matapos tamaan ng ligaw na bala sa Tondo, Maynila sa kasagsagan ng inuman noong Christmas Eve. Ayon kay PBGen. Randulf Tuano, tagapagsalita ng PNP, naganap ang fatal stray bullet incident sa Barangay 120, Tondo, Manila. Lumilitaw sa inisyal na…

Read More

5 PATAY, 22 SUGATAN SA PAGBULUSOK NG BUS SA BANGIN SA CAMSUR

NAUWI sa trahedya at matinding pagluluksa ang dapat sana’y masayang Pasko ng mga pasahero matapos bumulusok sa may 10 metrong lalim na bangin ang isang passenger bus, na ikinasawi ng limang katao at ikinasugat ng mahigit 20 iba pa kahapon ng madaling araw sa Camarines Sur. Ayon sa inisyal na ulat na ibinahagi sa media ni Police Lt. Col. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng PNP–Police Regional Office 5, naganap ang aksidente sa kahabaan ng Rolando Andaya Highway, Barangay Magais I, bayan ng Del Gallego, bandang alas-2:00 ng madaling araw ng…

Read More