NANAWAGAN ang isang citizens’ coalition na nagsusulong ng transparency sa paggasta ng pamahalaan sa House of Representatives na suportahan ang Senate Bill No. 1506 o ang Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability (CADENA) Act, na naglalayong gamitin ang digital technology upang mapahigpit ang pagsubaybay at pagsisiwalat sa paggamit ng pondo ng bayan. Ang CADENA, o Concerned Advocates for Digitalized Expenditure and National Audit, ay pormal na inilunsad ang kampanya nito para sa panukala nitong National Heroes Day, Agosto 31. Inakda ni Senator Bam Aquino ang panukalang batas…
Read MoreDay: September 1, 2026
MALACAÑANG: NO HOLIDAYS FOR PRESIDENT
WALANG “holidays” para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan habang patuloy ang pagtugon sa mga lugar na apektado ng matinding pagbaha dulot ng Southwest Monsoon o Habagat. Sa isang video message, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na “there is no holiday” para sa Pangulo sa gitna ng sitwasyon. “Minomonitor ng Pangulo ang lagay ng panahon. Sa paglakas muli ng ulan itong gabi ng Biyernes at Sabado, ang mga miyembro ng Gabinete ay muling nag-update sa Pangulo…
Read MorePAGBAWI NG TESTIMONYA NI GUTEZA, NAGPABAGSAK SA KREDIBILIDAD NG ‘MALETA BOYS’ – LAWYER
NAWALAN umano ng bigat at kredibilidad ang mga akusasyon ng natitirang “Maleta Boys” matapos bawiin ng pangunahing testigo na si Orly Guteza ang kanyang naunang pahayag hinggil sa umano’y kickback sa kontrobersyal na flood control scam. Ayon kay human rights lawyer Antonio Bucoy, hindi nasusukat sa dami ng mga testigo ang bigat ng isang kaso, lalo na kung unti-unting nababawasan ang mga testigong nagbibigay ng salaysay laban sa isang akusado. Matatandaang sa 18 indibidwal na tinaguriang “Maleta Boys,” apat na ang bumawi sa kanilang mga testimonya. Sinabi ni Bucoy na…
Read MoreCAYETANO KAPAG NAPATUNAYAN ILLEGAL LAND TITLES SA TAGUIG: DAGDAG LUPA SA GOBYERNO
MAGKAKAROON ng karagdagang lupa ang gobyerno kung mapatutunayang ilegal ang mga titulo ng mga ari-ariang nasa gilid ng Laguna Lake sa Taguig, ayon kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano. Ito ang pahayag ng senador, isang araw matapos sabihin ni Senator Panfilo Lacson na may apat na parsela ng lupa na umano’y may mapanlinlang na mga titulo, kabilang ang isang 181,077-square-meter na ari-arian na sakop ng titulong nagmula sa isang homestead patent. Ayon kay Lacson, isasama ang mga natuklasan sa mga dokumentong isusumite sa Office of the Ombudsman. Sa kanyang…
Read MoreNasa 600 lugar sa CL binaha 54 FEARED DEAD, MISSING DUE TO HABAGAT
PINANGANGAMBAHANG umabot sa 54 katao ang nasawi o nawawala dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat, na pinalakas ng mga nagdaang bagyong Luis, Maymay, at Neneng sa Luzon. Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon, umakyat na sa 33 ang kumpirmadong nasawi dahil sa epekto ng mga bagyo at Habagat. Gayunman, hindi pa kasama sa naturang bilang ang mga naiulat na nasawi at nawawala bago mag-weekend. Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Deputy Administrator Bernardo Rafaelito Alejandro IV sa briefing…
Read MorePBBM: soberanya sama-samang ipagtanggol MODERN DAY HEROES KINILALA SA ARAW NG MGA BAYANI
PINARANGALAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Lunes ang mga bayaning Pilipino, kabilang ang mga hindi man kilala ngunit nagsakripisyo para sa pagtatatag at pagpapaunlad ng bansa. Nanawagan din si Pangulong Marcos sa mga Pilipino na isabuhay ang diwa ng kabayanihan sa pamamagitan ng paglilingkod sa bayan at pagtatanggol sa soberanya ng Pilipinas. Sa kanyang talumpati sa paggunita ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, sinabi ng Pangulo na ang okasyon ay pagkakataon hindi lamang upang alalahanin ang mga makasaysayang personalidad na nakipaglaban para…
Read MorePINSALA SA AGRI INFRASTRUCTURE BANTA SA FOOD SUPPLY – SOLON
NAGBABALA si Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform Chairman Senador Francis “Kiko” Pangilinan na maaaring maging banta sa food supply ng bansa at kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda ang pinsala sa agricultural infrastructure dulot ng magkakasunod na malalakas na pag-ulan bunsod ng Habagat at mga bagyo. Nanawagan si Pangilinan sa pamahalaan para sa agarang pagkumpuni at pagsasaayos ng mga nasirang farm-to-market roads, irrigation system at iba pang pasilidad na mahalaga sa produksyon ng pagkain. Iginiit ng senador na kailangang mabilis na maibalik ang mga farm-to-market road, irrigation…
Read More