PROSEKUSYON MAY PAGKUKULANG SA KASO VS IMELDA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO PANIBAGONG kabanata na naman ang naisulat sa tila walang-katapusang nobela ng mga kaso laban kay dating First Lady Imelda Marcos. Sa desisyon ng First Division ng Korte Suprema na nitong Miyerkoles lamang isinapubliko—tuluyang binaligtad ang hatol ng Sandiganbayan sa pitong bilang ng graft na may kinalaman sa mga private foundation sa Switzerland. Ang ruling ng First Division ay isinulat ni Associate Justice Rodil V. Zalameda at nilabas noong June 10, 2026. Para sa marami, maaaring lumingon sila sa nakaraan at magtaas ng kilay. Ngunit kung susuriin…

Read More

NAKAAMBANG SIBAKAN SA CUSTOMS TILA MAPABIBILIS

TAMBULI ni JESSE RUIZ MUKHANG magkakatotoo ang umuugong na sibakan sa bakuran ng Bureau of Customs bunsod ng mga alingasngas na sabit sa mga anomalya ang ilang mga tauhan sa Aduana. Sana naman hindi totoo na may isang opisyal ng Aduana ang nanganganib na masibak dahil hindi siya OK kay Ma’am. Baka raw mapabilis ang nakaambang sibakan kung hindi matutugunan ang lumulutang na mga kontrobersya sa ilang mga tauhan ng Customs na may kaugnayan sa smuggling gaya ng isang insidente hinggil sa akusasyong recycling ng mga nakumpiskang smuggled tobacco products.…

Read More

GO WITH YOU

HOPE ni GUILLER VALENCIA THE LORD replied, “I will personally go with you. Moses. And I will give you rest-everything will be fine for you,” Exodus 33:14. Si Moses ay binigyan ng mabigat na trabaho ng Panginoon nang atasan siyang pangunahan ang mga Israelita at dalhin sa Promised Land. Hindi sinabi ng Panginoon kung sino ang makakasama o makakatuwang niya upang ituro sa kanya ang landas patungo sa Promise Land. Subalit, sa ating verse ngayon, ay tiniyak ng Panginoon na siya mismo ang sasama sa kanya, “I will personally go…

Read More

PNP MAGDE-DEPLOY NG 15,000 PULIS PARA SA SEPT. 21 RALLIES

NGAYON pa lamang ay pinaghahandaan na nang husto ng Philippine National police ang ilalatag na seguridad kaugnay sa nakaambang anti-corruption rallies ng mga progresibong grupo sa darating na Setyembre 21. Ayon sa PNP-National Capital Region Police Office, magtatalaga sila ng mahigit sa 15,000 police officers para pangalagaan ang kaayusan at seguridad sa isasagawang anti-corruption rallies. “We are preparing for that,” sinabi ni NCRPO officer-in-charge Brig. Gen. Christopher Abrahano sa media nitong Huwebes. “We will be deploying more than 15,000 na mga kapulisan natin to ensure na ‘yung mga rallies na…

Read More

5 PATAY, 87 MISSING SA NASUNOG NA FERRY

PINANGANGAMBAHANG hindi bababa sa lima katao ang nasawi sa nasunog na ferry malapit sa isang tourist hotspot sa Palawan noong Miyerkoles ng gabi, dahil mahigit 80 pa sakay nito ang iniulat na nawawala. Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasunog ang barko na M/V June Aster, tinatayang nasa 2.2 kilometro mula sa dalampasigan nang sumiklab ang apoy. Base sa inisyal na report, lima na ang iniulat na nasawi at ibinaba na sa pampang. Sa video na ipinaskil ng PCG sa Facebook, makikitang nilalamon ng apoy ang buong barko noong Miyerkoles…

Read More

AEROPHONE STORE NILOOBAN, SUSPEK ARESTADO

ARESTADO ang isang lalaki sa loob mismo ng isang tindahan ng mga instrumentong pangmusika, na nagtangkang manloob sa isang kilalang mall sa Imus City, Cavite noong Miyerkoles ng gabi. Hawak na ng Imus Component City Police Station ang suspek na si alyas “Glenn”, 39, ng Bayan-Bayanan, Malabon City, dahil sa reklamo ng store manager ng OD Aerophone sa Ayala Vermosa. Ayon sa ulat, bandang alas-9:30 ng gabi nang mapansin ng security guard ng Ayala Vermosa sa Brgy. Pasong Buaya 1, Imus City, Cavite na puwersahang sinira ang accordion door ng…

Read More

WFH ARRANGEMENT IPINATUPAD NG KAMARA MULA TANGHALI NG HUWEBES

NAGPATUPAD ang House of Representatives ng work-from-home (WFH) arrangement simula alas-12 ng tanghali nitong Huwebes, Setyembre 10, bilang pagsunod sa direktiba ng Office of the President. Inanunsyo ni House Secretary General Cheloy E. Velicaria-Garafil ang WFH arrangement sa isang advisory na inilabas sa bisa ng awtoridad ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III, habang tiniyak ng Kamara ang kaligtasan ng mga kawani nito at pagpapatuloy ng mahahalagang operasyon. Ayon kay Velicaria-Garafil, alinsunod sa Memorandum Circular No. 135 na inilabas ng Office of the President noong Setyembre 10, 2026, ipatutupad ng Kamara…

Read More

TRANSPORT AT LEGAL GROUPS, NANAWAGAN SA DOTr NG PANANAGUTAN SA “GHOST RIDERS” ISSUE

NANAWAGAN ang mga grupo sa transportasyon at legal sector sa Department of Transportation (DOTr) na linawin at papanagutin ang mga sangkot sa hindi pa nareresolbang kontrobersiya ng “ghost riders” sa motorcycle taxi industry. Inilabas ng mga grupo ang panawagan kasabay ng pagdiriwang ngayong Setyembre ng Rule of Law Month, na naglalayong isulong ang paggalang sa batas at patas na pagpapatupad ng mga regulasyon. Ayon kay Atty. Ariel Inton, Pangulo ng Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP), napapanahon ang paggunita sa Rule of Law Month dahil dapat igalang ang mga…

Read More

MGA PEACE CHAMPION NG BANSA BINIGYANG-PUGAY NG OPAPRU

BINIGYANG-PUGAY ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) ang mga tinaguriang peace exemplars bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon sa pagsusulong ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa. Sa ilalim ng Proclamation No. 675, ipinagdiriwang ang Setyembre bilang National Peace Consciousness Month. Bahagi nito ang pagkilala sa mga indibidwal na itinuring na peace champions dahil sa kanilang ambag sa proseso ng kapayapaan. Layunin ng pagdiriwang na palaganapin ang kamalayan, pag-unawa at pagpapahalaga sa komprehensibong proseso ng kapayapaan, gayundin ang pagpapatibay ng mga institusyong nagsusulong ng kapayapaan at seguridad…

Read More