1,500 FIRETRUCKS TARGET NG DILG NA MAIPAMAHAGI SA BUONG BANSA

TARGET ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na maipamahagi sa buong bansa ang nasa 1,500 firetrucks sa susunod na taon upang tugunan ang kakulangan sa firefighting equipment at mapalakas ang emergency response capabilities ng Bureau of Fire Protection (BFP). Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, bibilhin ng Pilipinas ang mga firetruck sa pamamagitan ng government-to-government agreement sa Republic of Korea upang matiyak ang direkta at transparent na procurement process at maiwasan ang middlemen. “Within one and a half years, kumpleto na lahat ang munisipyo, wala na tayong…

Read More

QUIMBO TAHIMIK SA PAGKASO KAY ROMUALDEZ

NANANATILING tahimik si dating Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo sa gitna ng mga kinakaharap na kaso ni dating House Speaker Martin Romualdez. Para kay dating senatorial candidate Dr. Richard Mata, dapat magkomento si Quimbo, lalo pa’t siya ang nagsilbing acting chairperson ng House Committee on Appropriations sa ilalim ni Romualdez. “Stella Quimbo was the acting head of the House Committee on Appropriations under Martin’s leadership. We need her comment,” sabi ni Dr. Mata sa isang Facebook post. Dating kinatawan ng 2nd District ng Marikina mula 2019 hanggang 2025, nagsilbi…

Read More

GOBERNADOR SUSUWAYIN SI PBBM DAHIL SA PULITIKA?

PINANGANGAMBAHANG madiskaril ang tulong na bahagi ng Handog ng Pangulo program ni Pangulong Bongbong Marcos, sa Kabikulan na isa sa mga target ng programa dahil umano sa pulitika. Simultaneous ang gagawing pamamahagi ng tulong sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa darating na Lunes, September 14, at dahil hindi mapupuntahan nang personal ni Pangulong Marcos ang lahat kaya naman nagbigay ito ng direktiba sa kanyang Presidential Management Staff (PMS) na magpadala ng kanyang kinatawan sa isa sa mga lalawigan sa kabikulan “handpicked” ni Pangulong Marcos ang nasabing opisyal. Subalit ang…

Read More

PNP, PINURI NG ADUANA SA NASABAT NA P960-M SMUGGLED CIGARETTES

PINURI ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang Philippine National Police (PNP) matapos masabat ang 15 container trucks na naglalaman ng tinatayang P960 milyong halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes sa Bataan at Pampanga. Ayon kay Commissioner Nepomuceno, naging mahalaga ang pagiging mapagmatyag at mabilis na pagkilos ng PNP at iba pang police units na sangkot sa intelligence operations upang mapigilan ang pagbiyahe ng kontrabando patungo sa target nitong destinasyon. “Malaking bagay ang kontribusyon ng ating kapulisan sa ating kampanya laban sa smuggling. Habang binabantayan ng BOC ang…

Read More

HALOS 10K PULIS INILATAG SA BARMM ELECTION

NAKA-DEPLOY na sa BARMM ang 9,821 police personnel, mas mataas ito sa naunang bilang na 9,435. Ang nasabing bilang ay large-scale security deployment ng Philippine National Police para sa BARMM Parliamentary Election sa Setyembre 14. Pinakamalaking bahagi ng deployment ay nakalaan sa 4,313 voting centers, bukod pa sa COMELEC offices, treasurers’ offices at checkpoints sa buong rehiyon. Nakahanda naman ang 2,120 bilang Quick Reaction Forces na siyang tutugon sa anomang insidente. Kabilang din sa deployment ang 1,754 Special Electoral Board personnel na itatalaga para tumulong sa election-related duties. Sinabi naman…

Read More

ILBO NAKAABANG NA LABAN KAY LEVISTE — DOJ

NAKAABANG ang posibilidad na ma-isyu ang immigration lookout bulletin order (ILBO) laban kay Batangas 1st District Congressman Leandro Leviste sakaling tumanggi itong humarap at sagutin ang alegasyon ng qualified human trafficking laban sa kanya at iba pa. Sa regular press conference sa DOJ, sinabi ni Justice Secretary Fredderick A. Vida na maaaring mag-isyu ng ILBO ang Bureau of Immigration (BI), na nasa ilalim ng DOJ, laban kay Leviste. Masusing sinusuri ng DOJ ang referral ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng kaso, kabilang ang kahilingan nitong maglabas ng ILBO…

Read More

ILANG SENADOR PABOR NA HUMARAP SI VP SARA SA IMPEACHMENT TRIAL

MAS pabor sina Senators Raffy Tulfo at Erwin Tulfo na personal na humarap sa impeachment trial si Vice President Sara Duterte upang direktang masagot ang mga alegasyon laban sa kanya. Ayon kay Senator Raffy, mas mainam kung haharap mismo si VP Sara upang “straight from the horse’s mouth” o direktang marinig mula sa Bise Presidente ang kanyang sagot sa mga alegasyon. Sa panig naman ni Senator Erwin, iginiit niyang ang impeachment court ang tamang forum para makapagsalita ang Bise Presidente at marinig ng lahat, lalo na ng kanyang mga supporter,…

Read More

Kung hindi siya mastermind ROMUALDEZ HINAMONG ITURO ‘BIG FISH’ SA FLOOD SCAM

HINAMON ni Atty. Ariel Inton si dating House Speaker Martin Romualdez na pangalanan ang mga taong umano’y sangkot sa kontrobersiya sa flood control projects ngayong nahaharap na siya sa kasong plunder sa Sandiganbayan. Ipinagtataka rin ni Inton kung bakit tila hindi tuwirang masabi ni Romualdez na walang kinalaman sa flood control scam ang kanyang pinsan na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sinabi ni Inton na bagama’t iginiit ni Romualdez ang kanyang pagiging inosente at karapatan sa due process, dapat din nitong linawin kung sinu-sino ang tinutukoy niyang ibang taong…

Read More

GRAVE THREAT CHARGES, PINAHAHARANG NI VP SARA SA KORTE SUPREMA

Naghain ng petisyon sa Korte Suprema si Vice President Sara Duterte upang kuwestiyunin at ipahinto ang tatlong bilang ng kasong grave threat na isinampa ng Department of Justice (DOJ) laban sa kanya. Sa Petition for Certiorari and Prohibition na may kalakip na aplikasyon para sa Temporary Restraining Order (TRO), kinuwestiyon ni Duterte ang resolusyon ng DOJ na nagrekomendang sampahan siya ng mga naturang kaso. Target din ng kanyang kampo na mapawalang-bisa ang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court na nagbasura sa kanyang motion to quash, gayundin ang warrant of…

Read More