Binuking parte ng ‘drama’ VP SARA GUSTONG MAKULONG SA CAMP CRAME – JONVIC

IBINUNYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na hiniling ng kampo ni Vice President Sara Duterte na sa Camp Crame siya makulong matapos ilabas ang warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng kasong grave threats. Sa isinagawang pulong-balitaan sa Camp Crame nitong Lunes ng umaga, sinabi ni Remulla na nagbago ang posisyon ng kampo ng Pangalawang Pangulo matapos malaman na handang ibigay ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang kaukulang courtesy sa kanyang posisyon. Kabilang dito ang hindi paghahalo kay…

Read More

ROMUALDEZ, CO SWAK SA PLUNDER

PORMAL nang inihain ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez, resigned congressman at dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co at dalawa pang indibidwal kaugnay ng umano’y multi-billion-peso kickback scheme sa mga flood control project. Kinumpirma ng Sandiganbayan Judicial Records Division ang pagsasampa ng kaso, na na-raffle na sa Third Division ng anti-graft court. Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, kabilang sa mga respondent sina Joselyn Tragua Serenio, personal assistant ni Romualdez, at Felicito Cristobal Guevarra ng Samchan…

Read More

Bakas-bakas sa GCash: IPO NG MYNT GAGAWING KASOSYO NG GIANT MOBILE WALLET MGA ORDINARYONG PILIPINO

NGAYONG aprubado na ng Securities and Exchange Commission ang Initial Public Offering (IPO) ng Mynt, Inc. ay pwede nang mag-invest sa GCash ang sinomang ordinaryong Pilipino sa pamamagitan ng pagbili ng “share of stocks” ng higanteng mobile wallet. Para sa maraming Pinoy, ang salitang “stocks” ay parang pang-mayaman, pang-negosyante o pang-expert lang sa pera. Pero pwedeng magbago ang ganitong pananaw ngayong tuloy na ang planong IPO ng GCash, dahil maaari nitong ilapit sa mas maraming pangkaraniwang mamamayan ang konsepto ng pag-iinvest sa stocks at pagiging bahagi ng isang negosyo. Sa…

Read More

BAGONG PLOT TWIST SA WAREHOUSE RAID SA BULACAN

CLICKBAIT ni JO BARLIZO PARANG nalalaos na teleserye na ang nangyari sa kontrobersyal na raid ng PNP-HPG sa isang warehouse sa Sta. Maria, Bulacan noong nakaraang buwan. Medyo lumamlam na kasi ang balita tungkol dito, pero wait lang, biglang may humihirit na papunta na tayo sa exciting part?! Base sa isang lumabas na memo na ipinadala kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno ni SP/LT Erwin Kristoffer Gomez, investigator on case, na naglalaman ng investigation report sa insidente, mukhang mismong mga tauhan ng Customs Police-Enforcement Security Service ang may reklamo hindi lamang…

Read More

PRO-6 NUMERO UNO SA BUONG BANSA SA KAMPANYA KONTRA WANTED PERSONS

Kurdapyo ni TOTO NABAJA NANGUNGUNA ang Police Regional Office (PRO) 6 sa lahat ng Police Regional Office sa buong bansa sa kampanya nito laban sa mga wanted person. Ay abaw ah! Walang duda na mag-Rank 1 ang (Western Visayas) dahil ramdam na ramdam sa limang probinsya ng Aklan, Antiques, Capiz, Guimaras at Iloilo ang paghahabol nito sa mga nagtatago sa batas. Mga Ka-Totong Kurdapyo at Kurdapya, nakakuha ng 29.56 percent overall performance ang PRO-6 simula nitong Agosto 01 hanggang 31 nitong kasalukuyang taon. Mabuhay ka! PBGen. Randulf Tuaño Sir, ang…

Read More

OVM FIRE: BAGO MANISI, ALAMIN MUNA ANG TOTOO

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA May isang ugali tayo na kailangang bantayan lalo na sa panahon ng social media: kapag may nangyaring hindi maganda, gusto agad nating may ituro. May sunog? Sino ang may kasalanan? May aberya? Sino ang nagpabaya? May problema sa isang tanggapan? Sino ang dapat sisihin? Mabilis ang mga tanong. Minsan, mas mabilis pa ang mga akusasyon kaysa aktuwal na imbestigasyon. Kaya mahalagang ilagay sa tamang perspektiba ang nangyaring sunog sa Office of the Vice Mayor (OVM) sa Maynila. Oo, nasunog ang bahagi ng opisina. Oo,…

Read More

MAYOR ATE RIDA ROBES, PINURI SA PANININDIGAN PARA SA MAAYOS NA SERBISYO NG TUBIG

TARGET ni KA REX CAYANONG KAPURI-PURI ang paninindigan ni San Jose del Monte (SJDM), Bulacan Mayor Ate Rida Robes sa patuloy na pagsusulong ng maayos, ligtas at maaasahang serbisyo ng tubig para sa mga residente. Sa gitna ng matagal nang problema sa suplay ng tubig, hindi niya hinayaang manatiling walang kasagutan ang hinaing ng libu-libong San Joseño. Mahalaga ang naging hakbang ng lokal na pamahalaan sa pagbibigay-pansin sa suliraning matagal nang dinaranas ng mga komunidad sa lungsod. Tinatayang 47,611 kabahayan o humigit-kumulang 250,000 residente ang naapektuhan ng hindi maaasahang serbisyo…

Read More

DEATH TOLL SA HABAGAT UMAKYAT NA SA 43

INAKYAT na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa 43 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng Southwest Monsoon o Habagat at mga tropical cyclone na sina Luis, Maymay, Neneng at Pilandok. Ayon sa pinakahuling datos ng NDRRMC, karamihan sa mga naitalang pagkamatay ay dulot ng landslide at pagkalunod bunsod ng sunod-sunod na pag-ulan at pagbaha na nakaapekto sa buhay ng humigit-kumulang 10 milyong Pilipino. Samantala, 20 katao naman ang nasugatan dahil sa epekto ng sama ng panahon. Kabilang sa mga lugar na naitala ang…

Read More

500 MINERO APEKTADO SA NI-RAID NA MINING SITES SA QUEZON

APEKTADO ang kabuhayan ng tinatayang 500 minero matapos salakayin ng NBI at iba pang ahensya ang dalawang mining sites sa Barangay Bulo, Buenavista, Quezon noong Setyembre 3, kaugnay ng umano’y paglabag sa batas sa small-scale mining at mga kautusan ng DENR-MGB. Batay sa search warrant, nakumpiska sa operasyon ang tinatayang 500 sako ng processed at unprocessed gold ore, gayundin ang mga kagamitan at iba pang ebidensyang ginagamit sa pagmimina at pagproseso ng mineral. Ayon sa mga minero, biglaan ang operasyon at ilang manggagawa ang umano’y nahuli at dinala sa NBI…

Read More