3.2M FOOD PACKS KASADO NA SA PAGBABALIK NI ‘PILANDOK’ – DSWD

TINIYAK ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na handa ito na tumugon sa mga apektadong lokal na pamahalaan (LGUs) at mga pamilyang nawalan ng tirahan na maaaring mangailangan ng tulong habang inaasahang muling makapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) si Bagyong Pilandok. “Handa ang DSWD na mag-augment ng tulong sa mga lokal na pamahalaan na maaaring maapektuhan ng pagbabalik ni Bagyong Pilandok sa PAR. Mayroon pong higit 3.2 milyon na family food packs (FFPs) ang kasalukuyang naka-preposition sa iba’t ibang strategic locations sa ating bansa,” sabi ni…

Read More

Sa posibleng peligro sa mga bata PORTION NG RIVER WALK SA LAGUNA ISINARA

PANGANIB sa buhay, ito ang dahilan kaya isinara ang bahagi ng Biñan Riverwalk sa Biñan City matapos mamataan sa CCTV ang ilang batang tumatalon sa ilog habang mataas ang tubig at malakas ang ulan. Ayon sa Biñan City Disaster Risk Reduction and Management Office, nakita sa CCTV ng Command Center ang mga batang naglalaro at tumatalon sa Biñan River sa bahagi ng Evangelista Bridge sa kasagsagan ng pag-ulan dahil sa Habagat. Nagbabala ang mga awtoridad na delikado ang ganitong gawain dahil maaaring tangayin ng malakas na agos ang mga bata,…

Read More

FAJARDA, HINDI NA IPATATAWAG NG PROSEKUSYON MATAPOS MA-STROKE

HINDI na ipatatawag ng House prosecution panel ang disbursing officer ng Department of Education (DepEd) na si Edward Fajarda bilang testigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte dahil sa humanitarian consideration matapos itong makaranas ng stroke. Ayon kay Private Prosecutor Rey Robles, ibinatay ng prosecution team ang desisyon sa pinakahuling medical update kay Fajarda, kung saan sinabi ng kaniyang mga doktor na nangangailangan pa siya ng 30 araw na recovery period. “In view of the latest medical update and the confirmation by the doctors of the Senate, as…

Read More

VILLAR, NAGHAIN NG PANUKALANG HAZARD PAY AT INSURANCE PARA SA MEDIA WORKERS

NAGHAIN si Senator Mark A. Villar ng Senate Bill No. 2440 o “Media Workers Hazard Pay Act” na naglalayong magkaloob ng hazard pay at karagdagang insurance benefits sa mga media worker na nade-destino sa mga mapanganib na lugar at sitwasyong pang-emergency. “Ang mga media worker ang nagsisilbing mata at tainga ng publiko sa panahon ng matitinding krisis at panganib. Kung inaasahan natin silang humarap sa panganib upang mapanatiling ligtas at may sapat na kaalaman ang ating mga kababayan, tungkulin din nating tiyakin na sila ay protektado, insured, at mayroong hazard…

Read More

DBM, ISINUSULONG BAGONG SISTEMA PARA MAPABILIS SALARY ADJUSTMENTS NG GOVERNMENT EMPLOYEES

ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maayos at mabilis na maibigay ang karampatang sahod ng government employees at public school teachers, isinusulong ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagbabago sa kasalukuyang request-based process para sa personnel services deficiencies. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malacañang, sa pangunguna ni DBM Secretary Kim Robert de Leon, pinag-aaralan ang isang sistemang hindi na mangangailangan ng hiwalay na funding request para maproseso ang salary adjustments. Sa ilalim…

Read More

VP DUTERTE, HINAMON NI REMULLA NA MAGLABAS NG EBIDENSYA NG HARASSMENT

HINAMON ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla si Vice President Sara Duterte na maglabas ng ebidensya upang patunayan ang alegasyon nitong hinarass siya ng Philippine National Police (PNP) nang ipatupad ang warrant of arrest laban sa kaniya kaugnay ng kasong grave threats. Sa pulong balitaan ng DILG sa Camp Crame nitong Lunes ng umaga, sinabi ni Remulla na batay sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), dumaan sa tamang proseso ang pag-aresto sa Bise Presidente. Ayon kay Remulla, ibinigay din kay Duterte…

Read More

SPEAKER DY: KAHUSAYAN GAMITIN UPANG IANGAT ANG KAPWA, MAGLINGKOD SA BAYAN

HINIMOK ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III nitong Lunes ang mga Pilipino na gamitin ang kanilang mga kasanayan at talento hindi lamang para makamit ang pansariling tagumpay, kundi upang mapabuti rin ang buhay ng iba at makatulong sa pag-unlad ng bansa. Sa kanyang talumpati bilang pagkilala sa mga Metrobank Foundation Outstanding Filipinos 2026, sinabi ni Speaker Dy na ipinakita ng mga nagwagi ngayong taon ang tunay na kahulugan ng paglampas sa kahusayan o “Beyond Excellence” sa pamamagitan ng kanilang dedikasyon sa paglilingkod sa bayan. “Ang excellence ay pagiging mahusay…

Read More

CHILD HAUS IPINAGDIWANG IKA-24 ANIBERSARYO

IPINAGDIWANG ng CHILD Haus ang ika-24 anibersaryo nito noong Setyembre 6, 2026 sa Palacio de Manila sa Maynila, na pinangunahan nina founder Ricky “Mader” Reyes at Hans Sy ng SM Prime Holdings. Binigyang-pugay sa pagdiriwang ang Center for Health Improvement and Life Development (CHILD Haus) para sa patuloy nitong pagsuporta sa mga batang may cancer. Itinampok din sa programa ang 24 na batang benepisyaryo na tumatanggap ng libreng serbisyo mula sa CHILD Haus. Kasama sa programa ang montage ng kasaysayan ng CHILD Haus mula 2003 hanggang 2026, na nagpakita ng…

Read More

PATAY NA SANGGOL ISA SA BENEFICIARIES NG OVP CONFIDENTIAL FUNDS

LUMITAW na isang dalawang buwang gulang na sanggol na namatay noong 1965 ang kabilang umano sa mga nakalistang tumanggap ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP), batay sa pagsusuri ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ito ang lumabas sa testimonya ni PSA Assistant National Statistician Marizza B. Grande sa ika-22 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senate impeachment court. Sa pagdinig, sinabi ni Grande na ang pangalang Marlin Sunga na nakalista sa acknowledgment receipt (AR) ng OVP ay tumutugma sa isang sanggol na namatay…

Read More