NASA 98 kilo ng high grade marijuana o kush ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nitong Huwebes kasunod ng inilunsad na “board, inspection and search” operation sa Subic Bay Yacht Club. Ayon sa ulat, tinatayang nagkakahalaga ng P162.2 million ang nasamsam na kush matapos ang isinagawang board, search and inspection operation ng Bureau of Customs sa pamamagitan ng Port of Subic, kasama ang iba pang law enforcement agencies. Sa ibinahaging report ng BOC, at maging ng Philippine Coast Guard,…
Read MoreAuthor: admin 3
DOJ WALANG NAITALANG BULLYING COMPLAINTS MULA HULYO 30
WALA pa ring naitalang reklamo ang Department of Justice (DOJ) kaugnay ng bullying mula Hulyo 30 hanggang Setyembre 2, 2026, ayon kay DOJ Undersecretary Ian Norman Dato. Gayunman, nilinaw ni Dato na hindi nangangahulugan ang zero complaints na wala ring nagaganap na bullying incidents, partikular sa mga paaralan. “Zero complaints does not mean zero incidents,” ani Dato sa isang press conference. Ipinaliwanag niya na karaniwang unang inaaksyunan sa paaralan ang mga insidente ng bullying sa pamamagitan ng Child Protection Committees. Umaabot lamang sa DOJ ang mga kaso kapag nairefer ang…
Read MorePI SA KASO VS BALDWIN, 8 PA GUMULONG NA
GUMULONG na sa Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation (PI) laban kay dating Ateneo de Manila University coach Tab Baldwin at walong iba pa kaugnay ng pagkamatay ng dalawang Ateneo cagers na sina Rene Baterbonia at Divine Adili. Ayon kay DOJ Undersecretary Ian Norman Dato, isinagawa nitong Lunes, Agosto 31, ang unang pagdinig sa PI kaugnay ng reklamong reckless imprudence resulting in homicide laban sa mga respondent. Sa press briefing ng DOJ, sinabi ni Dato na ito ang kasong inirekomenda ng kagawaran batay sa mga ebidensyang nakalap, at hindi…
Read MoreOVM: MEDICAL ASSISTANCE TULOY KAHIT NASUNOG OPISINA
MANANATILING bukas sa publiko ang medical assistance program ng Office of the Vice Mayor (OVM) sa Maynila sa kabila ng sunog na tumama sa bahagi ng tanggapan nitong Miyerkules, Setyembre 2. Ayon sa OVM, agad na ipinatupad ang mga pansamantalang hakbang upang hindi maantala ang pagbibigay ng tulong sa mga Manilenyong nangangailangan ng serbisyong medikal. Sumiklab ang apoy 5:00 ng madaling araw at mabilis naman itong naapula ng Bureau of Fire Protection (BFP). Batay sa paunang ulat ng BFP, isang lumang electrical socket ang nag-spark at nadamay ang nakasaksak na…
Read MoreGCASH “PERA COACH” GABAY NG PINOY SA PANANALAPI
GINAWANG mas madali ng GCash ang pag-unawa ng mga Pilipino sa mga konsepto ng personal finance sa pamamagitan ng Pera Coach, isang AI-powered tool na nagbibigay ng praktikal at conversational na gabay sa karaniwang usapin tungkol sa pera. Sa halip na gumamit ng teknikal na mga termino, gumagamit ang Pera Coach ng generative artificial intelligence upang makipag-usap sa mga user tungkol sa mga pang-araw-araw na desisyon sa pananalapi, kabilang ang pagbabadyet, pag-iipon, paggastos at pagtulong sa gastusin ng pamilya. Nakasandig ang tool sa mga sitwasyong pamilyar sa mga Pilipino. Halimbawa,…
Read MoreSEGURIDAD SA 2026 BAR EXAM TINIYAK NG PNP
ALINSUNOD sa kautusan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at DILG Sec. Jonvic Remulla, tiniyak ng Philippine National Police ang kaligtasan at seguridad ng mga examinee sa 2026 Bar Examination. Inatasan ni PNP chief, PGen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang lahat ng yunit ng pulisya na ipatupad ang komprehensibong seguridad sa nasabing pagsusulit. Ipinag-utos din ng hepe ng Pambansang Pulisya na magtalaga ng sapat na mga tauhan at resources upang matiyak ang kapayapaan sa buong tatlong araw ng pagsusulit. “This is an important event for the legal community…
Read MoreDILG NANAWAGAN NG SAMA-SAMANG PAGKILOS KONTRA FAKE NEWS
NANAWAGAN ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa sama-samang pagkilos ng gobyerno na makalos ang pagpapakalat ng fake news and misinformation, at binibigyang-diin na ang tumpak, napapanahon, at beripikadong impormasyon ay napakahalaga upang maiwasan ang takot at pagkalito sa panahon ng krisis. Nitong Huwebes, umapela si SILG Jonvic Remulla para sa isang nagkakaisang pagkilos ng pamahalaan upang pigilan ang pagpapakalat ng fake news at maling impormasyon. Sa ginanap na pulong balitaan sa Kapihan sa Manila sa Prince Hotel sa Ermita, Manila, sinabi ni DILG Undersecretary for…
Read MoreEkonomiya, junk shops ‘pinilay’ DAAN-DAANG MANGGAGAWA APEKTADO SA STEEL PLANTS RAID
NAWALAN ng hanapbuhay ang daan-daang manggagawa sa apat na steel at metal manufacturing company sa bansa matapos ang serye ng raid ng pinagsanib na pwersa ng Department of National Defense (DND), Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), at National Bureau of Investigation (NBI) sa mga pasilidad na pinaghihinalaang lumalabag sa nuclear safety at consumer protection laws. Bukod sa mga manggagawa, naapektuhan din umano ang ekonomiya ng mga bayan at lungsod na kinaroroonan ng mga planta dahil sa paghinto ng operasyon ng mga ito. Sa isang steel plant sa Barangay Ilang, Bunawan,…
Read MoreTulong sa pamilya pinatitiyak 2 PINOY PATAY SA HORMUZ ATTACK
INIUTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang pagbibigay ng government assistance, benepisyo, kompensasyon at insurance proceeds sa mga pamilya ng dalawang Filipino seafarer na nasawi sa pag-atake sa Saudi-flagged crude oil tanker na SIDR habang naglalayag sa Strait of Hormuz. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, ipinaalam ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac kay Pangulong Marcos ang insidente. Agad namang nagpaabot ng pakikiramay ang Pangulo at administrasyon sa mga pamilya ng dalawang seafarer na mula Cabuyao, Laguna, at…
Read More