FLOOD CONTROL MASTER PLAN NG PNOY ADMIN SINISILIP NA

SINISILIP ng administrasyong Marcos ang Flood Management Master Plan na binuo noong panahon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, kasabay ng paghahanda ng pamahalaan na simulan ang pagpapatupad ng bagong Flood Management Plan. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na binabalikan nila ang planong tinawag na Aquino-Singson Masterplan. Sa ngayon, aniya, ang hawak ni Dizon ay ang bahagi ng plano para sa major river basins. Sinabi ni Castro na wala…

Read More

Sa paggunita sa National Suicide Prevention Month OPEN COMMUNICATION PAALALA NG DSWD

BINIGYANG-DIIN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kahalagahan ng bukas na komunikasyon at emosyonal na suporta habang ipinagdiriwang ng bansa ang National Suicide Prevention Month ngayong Setyembre. Ayon kay DSWD Asst. Secretary Irene Dumlao, tagapagsalita ng ahensya, mahalagang may mapagkakatiwalaang taong maaaring makausap ang mga nakararanas ng mabibigat na problema. “Hindi maipagkakaila na maraming Pilipino ngayon ang nakararanas ng anxiety, depression, o iba pang mental health issues dahil sa matinding problema. Tulad ng laging sinasabi ni Secretary Rex Gatchalian, minsan kailangan lang nating mapagkakatiwalaan at makakausap para…

Read More

‘BGC BOYS’, BONOAN ‘DI DAPAT MALIBRE SA PLUNDER CASE – LAWYER

KINUWESTYON ni Pamantasan ng Lungsod ng Maynila College of Law Dean Atty. Jose Roy III ang hakbang ng Office of the Ombudsman na gawing state witness si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan, sa halip na ituring siyang pangunahing akusado sa mga kasong may kaugnayan sa flood control projects. Ayon kay Roy, hindi aandar ang kickback scheme kung walang direktang pakikilahok ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na may kontrol sa disenyo, bidding at pagpapalabas ng pondo ng pamahalaan. “Nakapagtataka kung bakit binibigyan ng Ombudsman…

Read More

ONE MERALCO FOUNDATION NAGPAABOT NG TULONG SA MGA KOMUNIDAD NA NAAPEKTUHAN NG HABAGAT

Namahagi ng tulong ang OMF at Meralco Balagtas Business Center volunteers ng relief goods sa mga kabahayan ng mga residenteng apektado sa Barangay San Juan sa Balagtas, Bulacan dahil sa malakas na ulan dulot ng Habagat. Nakaapekto ang matinding pag-ulan dulot ng habagat sa maraming komunidad sa bansa na nakaranas ng tuluy-tuloy na pag-ulan, pagbaha at high tide partikular  sa ilang bahagi ng Bulacan, Cavite, Rizal at Marikina. Marami sa mga pamilya ang nahirapang lumabas ng kanilang mga tahanan at makakuha ng mga pangunahing pangangailangan dahil hindi na madaanan ang…

Read More

178 LGUs Nasa State of Calamity: Hindi Na Ito Simpleng Pagbaha

PUNA ni JOEL O. AMONGO HINDI na maaaring ituring na karaniwang pagbaha lamang ang nararanasan ngayon sa maraming bahagi ng bansa. Umabot na sa 178 local government units o LGUs ang nagdeklara ng State of Calamity dahil sa lawak at tindi ng epekto ng patuloy na pag-ulan, pagbaha at mga bagyong tumama sa bansa. Sa ganitong bilang, malinaw na hindi na lamang iilang komunidad ang nangangailangan ng agarang tulong kundi napakaraming pamilyang nawalan ng tahanan, kabuhayan at kapanatagan. Ang State of Calamity ay hindi simpleng deklarasyon na inilalagay lamang sa…

Read More

SABLAY NA P8B BUDGET NG NEW BI BUILDING, SINO KUMITA?

BISTADOR ni RUDY SIM NGAYONG buwan ng Setyembre ay gaganapin ang 86th anniversary ng Bureau of Immigration (BI) at sa inaasahan ay matutuloy na ang pananabik ng mga empleyado na makatapak sa bago nilang tahanan na ginastusan ng 8 bilyong piso at itinayo ng halos sampung taon. Ngunit sa hindi inaasahan ay tila dismayado raw ang mga empleyado dahil sa sablay na pagkakagawa ng kanilang bagong building sa Macapagal Boulevard sa Pasay City. Matatandaan na sa huling taon ng panunungkulan ng dating administrasyon ay sinamantala ng mga dating opisyal ng…

Read More

PISO KADA PARCEL, KAKASA KA BA?

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN NOONG una, akala ko isa na naman itong isyu na pinag-aawayan online. Pero nang subukan kong bilangin kung magkano talaga ang kikitain sa ₱1 bawat parcel, doon ako napaisip. Isang parcel, isang piso. Para kumita ng ₱500, kailangan mong magbalot ng 500 parcels. Para umabot ng ₱1,000, 1,000 parcels naman. Biglang hindi na ganoon kasimple ang isang piso. Napapaisip tuloy ako kung gaano karaming oras at pagod ang kailangang ilaan para kumita ng halagang talagang mararamdaman mo. Ito ang naging tanong ko nang makita…

Read More

SINO SA MGA TAGA BOC AT PNP NAGSASABI NG TOTOO

TAMBULI ni JESSE RUIZ MUKHANG mapapalaban nang husto si Bureau of Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno na ipagtanggol ang kanyang mga tauhan sa isyu ng recycling ng mga nasamsam na illegal tobacco products laban sa mga tauhan naman ng Philippine National Police-Highway Patrol Group. Dahil, mga bossing, nakahanda rin ang mga tauhan ng PNP-HPG na labanan sa korte ang mga tauhan ng Aduana at katunayan may mga nagbulong na naghain na ng reklamo ang mga pulis laban sa dalawang tauhan ng Customs (BOC). Kaugnay ito, mga boss, ng kontrobersyal na…

Read More

LIGTAS AT KAPANI-PANIWALANG BARMM POLLS TINIYAK NI PBBM

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mamamayan ng Bangsamoro na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat sa loob ng mandato nito upang matiyak ang ligtas, mapayapa at kapani-paniwalang inaugural parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Setyembre 14. Inihayag ito ng Pangulo matapos pangunahan ang pagbubukas ng 2026 National Peace Consciousness Month, kung saan binigyang-diin niya ang buong suporta ng kanyang administrasyon sa makasaysayang halalan sa rehiyon sa kabila ng ilang pagpapaliban dito. “We are prepared for the first Parliamentary elections in the Bangsamoro…

Read More