TESTIGO VS. MARCOLETA, UBOS NA; HULING DALAWA, HINDI NA PINATAWAG SA WITNESS STAND

WALA nang natitirang testigong ihaharap ang prosekusyon sa paglilitis sa kasong kinakaharap ni Senador Rodante Marcoleta at ng kanyang mga kapwa akusado sa Sandiganbayan matapos magkasundo ang magkabilang panig na hindi na kailangang humarap sa witness stand ang huling dalawang testigo. Nagkasundo ang prosekusyon at depensa sa ilang stipulations o pagkilala sa mga katotohanan at dokumento, kabilang ang mga deed of donation na sentro ng kaso. Kabilang sa mga testigong hindi na kailangang humarap si Atty. Cecil F. Federizo, ang notary public na nagnotaryo sa mga nasabing dokumento. Kinuwestiyon ni…

Read More

Kapag may promo fare SENIOR CITIZEN, PWD AT STUDENT DISCOUNT PINALILINAW NG LCSP

MULING iginiit ng Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP), sa pangunguna ng pangulo nitong si Atty. Ariel Inton, ang pangangailangang linawin kung dapat pa ring ipatupad ang mga mandatoryong diskwento para sa senior citizens, persons with disabilities (PWDs) at mga estudyante kapag may promo fare sa pampublikong transportasyon. Nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na dapat ibigay ang itinakdang 20 porsyentong diskwento sa senior citizens at PWDs, gayundin ang diskwento para sa mga estudyante. Gayunman, nagtanong si Inton kung dapat pa ring ibawas ang mga diskwento…

Read More

FAKE NEWS VS PBBM, CONG. SANDRO PINAIIMBESTIGAHAN SA NBI AT PNP-ACG

DUMULOG na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) upang matukoy at mapanagot ang mga nagpakalat sa social media ng pekeng balitang nag-uugnay kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos sa pagpopondo sa ilegal na droga na nasabat sa Laos. Ayon kay PDEA Spokesperson Atty. Joseph Frederick Calulut, walang katotohanan ang kumakalat na impormasyon at hindi kailanman iniugnay ng ahensya ang mag-amang Marcos sa nasabing drug shipment. Dahil dito, humingi…

Read More

KRISIS HINDI SI VP SARA TARGET NG WHOLE-OF-GOV’T APPROACH – PCO

PINALAGAN ng Malacañang ang alegasyon ng kampo ni Vice President Sara Duterte na nagsasagawa ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng koordinadong hakbang ng pamahalaan laban sa Bise Presidente. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, ginagamit ng pamahalaan ang whole-of-government approach upang tugunan ang epekto ng krisis sa Gitnang Silangan at ng matinding El Niño, at hindi upang siraan o pabagsakin ang sinomang opisyal. “Ang gobyerno, ang pamahalaan, ang Pangulo ay ipinapatupad ang whole-of-government approach para labanan natin ang epekto ng…

Read More

13 RESPONDENTS SA PHARMALLY SCANDAL HINDI NA MATUNTON

NANANATILING mabagal ang pag-usad ng kasong plunder kaugnay ng umano’y maanomalyang P11.5 bilyong kontrata ng Pharmally Pharmaceuticals Corp. para sa mga suplay noong COVID-19 pandemic, matapos mahirapan ang Office of the Ombudsman na matunton ang 13 sa kabuuang 46 na respondent. Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla, marami sa mga respondent ang hindi na matagpuan, dahilan upang maantala ang pag-usad ng kaso. “In the case of Pharmally, there are 46 respondents. That’s why it’s taking a while. Many of them have become invisible, as if they are trying to…

Read More

URDANETA MAYOR PARAYNO, BISE ALKALDE AT 6 NA KONSEHAL, SINIBAK NG OMBUDSMAN

SINIBAK sa serbisyo ng Office of the Ombudsman ang alkalde, bise alkalde at anim na konsehal ng Urdaneta City, Pangasinan, kaugnay ng umano’y hindi pagsunod sa 12-buwang suspensiyong ipinataw ng Office of the President (OP). Kabilang sa mga pinatawan ng parusa sina Mayor Julio Fernandez Parayno III, Vice Mayor Jimmy Dereje Parayno at anim na konsehal ng lungsod. Ayon sa ulat, nag-ugat ang desisyon sa pinagsamang mga reklamong administratibo kaugnay ng umano’y pagtanggi ng mga opisyal na sumunod sa kautusan ng OP na nagpatupad ng 12-buwang suspensiyon laban sa kanila…

Read More

P2.72M HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA BUY-BUST SA PAMPANGA; 2 ARESTADO

ARESTADO ang dalawang lalaki matapos makumpiska sa kanila ang humigit-kumulang P2.72 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Mabalacat City, Pampanga, nitong Huwebes ng gabi, Oktubre 15, 2026. Kinilala lamang ang mga suspek sa mga alyas na “Boy” at “Dondon,” kapwa 35-anyos. Ayon sa Police Regional Office 3 (PRO3), isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit ng Mabalacat City Police Station ang operasyon bandang alas-9:45 ng gabi sa Barangay Dau, sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Nasamsam sa operasyon ang tinatayang 400 gramo ng hinihinalang shabu…

Read More

SUSPEK SA PAGPATAY SA BABAE NA NATAGPUAN SA REFRIGERATOR SA RIZAL, ARESTADO

ARESTADO na ang live-in partner ng babaeng natagpuang patay sa loob ng refrigerator sa inuupahan nilang apartment sa Rodriguez, Rizal, noong Setyembre 16. Ayon kay Philippine National Police Public Information Office Chief Police Colonel Allen Rae Co, naaresto ang 27-anyos na suspek sa Cubao, Quezon City, matapos ang halos isang buwang pagtatago. Dinakip siya sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong serious illegal detention. Sinabi ni Co na isasampa rin ang kasong murder laban sa suspek, na dati nang itinuturing na person of interest sa kaso. Batay sa…

Read More

HEPE NG PASAY CITY POLICE SINIBAK

pulis

INALIS sa puwesto si Pasay City Police Chief Police Colonel Joselito De Sesto, epektibo noong Setyembre 29, 2026, bilang bahagi ng command responsibility at upang bigyang-daan ang imbestigasyon sa isang operasyon ng Drug Enforcement Unit ng Pasay City Police. Kinumpirma ito ni National Capital Region Police Office (NCRPO) spokesperson Police Lieutenant Colonel Hazel Asilo. Pansamantalang itinalaga si Police Colonel Robert Baesa bilang officer-in-charge ng Pasay City Police Station. Si Baesa ay nagsisilbi ring deputy district director for operations ng Southern Police District. Tumanggi munang magbigay ng karagdagang detalye ang NCRPO…

Read More