NAGSAGAWA ng magkasanib na anti-piracy exercise ang Philippine Coast Guard (PCG) at Japan Coast Guard (JCG) sa Manila Bay nitong Linggo, Oktubre 18, upang palakasin ang kanilang kooperasyon sa maritime security at paghusayin ang kakayahan sa pagtugon sa mga insidente ng pamimirata. Isinagawa ang pagsasanay kasunod ng pagdating ng barko ng JCG na Shikishima sa Eva Macapagal Pier 13 sa Maynila noong Biyernes, Oktubre 16. Nakatakdang manatili sa Pilipinas ang barko hanggang Oktubre 18. Ayon kay Commodore Algier Ricafrente, acting deputy chief of staff for international affairs ng PCG, unang…
Read MoreCategory: BALITA
EX-CONG. ‘MEOW’ BARZAGA, WAGI SA AMATEUR BOXING SA TAGAYTAY CITY
NAGWAGI si dating Cavite 4th District Rep. Kiko “Meow” Barzaga sa kanyang exhibition fight kontra Tain Landrito sa Tagaytay Fight Night na ginanap sa Casiana Hotel sa Tagaytay City noong Linggo, Oktubre 18, 2026. Sa halip na kalmot, suntok ang ipinamalas ni Barzaga sa boxing ring nang makipagsabayan kay Landrito sa kanilang three-round special lightweight bout. Mula sa Kongreso patungo sa boxing ring, ipinakita ng dating kongresista ang kanyang mga punching combination na tinawag niyang “PAC-MEOW COMBO!” Idineklarang panalo si Barzaga sa pamamagitan ng decision matapos ang kanilang palitan ng…
Read MoreANAK NG BATANES, PINARANGALAN
HINIRANG ng Batanes Provincial Government si Retired Philippine Navy Commodore Edward Ike M. De Sagon bilang nag-iisang awardee ng Gawad Mangpus for Ivatan Excellence 2026, bilang pagkilala sa kanyang military service at mga ambag sa lalawigan. Iginawad ang parangal noong Hunyo 26, 2026, sa pagdiriwang ng ika-243 Founding Anniversary ng Batanes sa Batanes State College Amphitheatre sa Basco. “I thank the provincial government of Batanes, the awards committee, and everyone who saw in my life and service something worthy of this recognition. I accept this award with humility, but I…
Read MoreP5.96M ECSTACY HULI SA NIGERIAN NATIONAL
ISANG itinuturing na foreign high value target ang inaresto matapos na mahulihan ng P5.96 milyong halaga ng party drugs sa isinagawang anti-narcotics operation ng Angeles City Police Office sa Barangay Balibago, Angeles City, nitong nakalipas na linggo. Ayon sa ulat, inaresto ang 46-anyos na Nigerian national na kinilala sa alyas na “Justine” matapos mahulihan ng 3,510 piraso ng hinihinalang ecstasy o happy pills kasunod ng ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng ACPO Police Station 4, City Intelligence Unit, Regional Drug Enforcement Unit, at iba pang yunit sa pakikipagtulungan…
Read More4 SASAKYAN INARARO NG TRUCK, 20 SUGATAN
UMABOT sa 20 katao ang iniulat na nasaktan matapos umanong araruhin ng isang dump truck ang apat na sasakyan, kabilang ang isang pampasaherong jeep, nang mag-overshoot ito sa Taytay, Rizal, noong Sabado ng umaga, Oktubre 17, 2026. Ayon sa ulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO), may lulang buhangin ang nasabing dump truck habang binabaybay ang kahabaan ng Ortigas Avenue Extension bandang Tikling area. Idinagdag pa sa ulat na nag-overshoot umano ang dump truck sa isang kurbadang bahagi ng highway sa bandang Barangay Dolores at tumawid sa kabilang linya…
Read MoreLOLA SINAKSAK, TINDAHAN SINUNOG
PATAY ang isang 67-anyos na lola matapos saksakin sa leeg bago sinunog ang kanyang sari-sari store sa Barangay Magdapio, Pagsanjan, Laguna, noong Biyernes ng madaling araw, Oktubre 16. Batay sa paunang imbestigasyon ng Pagsanjan Municipal Police Station, unang iniugnay ng Bureau of Fire Protection sa faulty electrical wiring ang sunog na naiulat dakong alas-3 ng madaling araw. Ngunit sa patuloy na pagsisiyasat sa labi, lumitaw sa death certificate ng biktima na saksak sa leeg ang sanhi ng kanyang pagkamatay. Sumuko ang suspek sa mga awtoridad matapos siyang puntahan ng mga…
Read MoreSUPER TYPHOON ROSAL MAGPAPAULAN SA LUZON, BICOL
MAY posibilidad na bahagyang maibsan ang nararanasan ngayon na labis na tag-init dala ng El Niño phenomenon dahil tinututukan ngayon ng state weather bureau ang Super Typhoon Champi na posibleng pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) bukas, araw ng Martes na maaaring magpa-ulan sa Hilagang bahagi ng Luzon at Bicol region. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), sakaling magtuloy-tuloy sa tinatahak na landas ang Typhoon Champi, tatawagin itong Tropical Storm Rosal na maaaring may dalang malakas na hangin at mga pag-ulan. Ayon sa inilabas na…
Read MoreTULFO PINAG-IINGAT MGA OFW SA FRANCE, SAUDI AT ISRAEL
PINAG-IINGAT ni Sen. Erwin Tulfo ang mga overseas Filipino worker (OFW) na nasa bansang France, Saudi Arabia at Israel dahil sa mga kaguluhan sa mga nasabing lugar. Sa isang press statement, sinabi ng senador na umiwas ang mga kababayan natin sa malawakang kilos protesta ng mga estudyante at manggagawa sa France partikular na sa Paris. “Doble ingat po sa ating mga kababayan dyan sa France lalo na pagpapasok sa kanilang trabaho dahil sa malawakang rioting at looting,” ani Tulfo. “Sa Saudi naman maging mapagmanman at makinig sa mga balita bago…
Read MoreSa kabila ng ‘pagbabanta’: JINGGOY HUMIRIT NG DIPLOMASYA KAYSA IDEKLARANG PERSONA NON GRATA ANG CHINESE AMBASSADOR
NANAWAGAN si Senator Jinggoy Estrada ng pagpipigil at pagpapatuloy ng diplomasya sa gitna ng mga panawagang ideklarang persona non grata si Chinese Ambassador Jing Quan. Sinabi ni Estrada na nauunawaan niya ang pagkadismaya ng publiko sa kamakailang pahayag ng Chinese envoy na madaling mananalo ang Beijing kung gugustuhin nitong gumamit ng puwersa. Gayunman, binigyang-diin ng senador na hindi makabubuti ang padalus-dalos na pagkilos bilang tugon sa mga pahayag ng diplomat. Ayon kay Estrada, dapat mahigpit na iprotesta ng Pilipinas ang ganitong mga pahayag at igiit ang paggalang sa bansa, nang…
Read More