ANTI-DYNASTY BILL PIPIGIL SA PAMAMAYAGPAG NG MGA PAMILYA SA LGU – REP. ADIONG

BINIGYANG-DIIN ni House Committee on Suffrage and Electoral Reforms chairperson Zia Alonto Adiong na layon ng isinusulong na Anti-Political Dynasty Act sa Kamara na tuldukan ang sabay-sabay na pagkontrol ng magkakamag-anak sa mga local government unit (LGU). Sa gitna ng deliberasyon para sa House Bill No. 8389, ipinaliwanag ni Rep. Adiong na layunin ng panukala na pagbawalan ang magkakadugo na maglingkod nang sabay sa iisang lokalidad upang maiwasan ang monopolya sa kapangyarihan. “Hindi na po puwede sabay na manungkulan si misis at si mister. Si misis at iyong kanyang anak,…

Read More

BATO, ‘TUMAKAS’ NA

KINUMPIRMA ni Senate President Alan Peter Cayetano na wala na si Senador Ronald Bato dela Rosa sa Senado. Ito ay dahil naniniwala si Bato na kahit safe siya sa Senado ay mas makabubuti para sa lahat ang pag-alis niya sa gusali. Kinumpirma ni Cayetano na nag-text sa kanya ang asawa ni Bato na nagpapasalamat at humihingi ng paumanhin sa mga senador. Umaasa anya ang asawa ni dela Rosa na hindi masasayang ang kanyang sakripisyo at mananatiling solido ang 13 senador na miyembro ngayon ng Senate Majority Bloc. “I’d also like…

Read More

PETISYON NI BATO TATABLAHIN NG OSG

KOKONTRAHIN ng Office of the Solicitor General (OSG) ang petisyon ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa Korte Suprema. Ito ang kinumpirma ng OSG sa pamamagitan ng ipinalabas na statement kaugnay ng isyu. Ayon sa OSG magsusumite sila sa Supreme Court ng sagot sa inihaing urgent motions ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa laban sa posibleng pag-aresto at paglipat sa kanya kaugnay ng warrant ng International Criminal Court (ICC). “The Office of the Solicitor General (OSG), as the statutory counsel of the Government, shall file, on behalf of all respondents…

Read More

Makabayan bloc ‘kung totoong nakatakas’ si Bato MONUMENTAL BLUNDER AT KAWALAN NG HUSTISYA

MARIING kinondena ng Makabayan bloc ang umano’y pagtakas ni Senador Ronald dela Rosa mula sa Senado kasunod ng paglabas ng arrest warrant laban dito mula sa International Criminal Court. Sa joint press statement nina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Jane Elago at Kabataan Rep. Renee Louise Co, tinawag nilang “monumental blunder” at malaking sampal sa mga biktima ng war on drugs ang insidente. “The fact that a person wanted by an international tribunal for crimes against humanity could slip out of a heavily secured government…

Read More

URBAN GARDENING ITINAMPOK SA VILLAR FOUNDATION COOKING COMPETITION

IPINAKITA ng mga kalahok mula sa iba’t ibang barangay ang kanilang husay sa pagluluto sa ginanap na Villar Foundation Cooking Competition noong Mayo 14 sa Villar SIPAG Complex. Gamit ang mga sariwang ani mula sa urban gardens, kasama ang karne at isda, naghanda ang mga kalahok ng masusustansya at masasarap na putahe na nagbigay-diin sa kahalagahan ng urban gardening sa pagsusulong ng food security, sustainability at mas malusog na komunidad. Pinangunahan ang aktibidad nina Cynthia Villar, managing director ng Villar Foundation, at Senadora Camille Villar. Kapwa binigyang-diin ng dalawa ang…

Read More

LIDERATO NG SENADO PINAGPAPALIWANAG SA ‘PAGTAKAS’ NI BATO

HINIKAYAT ni Senador Sherwin Gatchalian ang liderato ng Senado na magpaliwanag kung totoo ang impormasyon na nakalabas na ng Senado si Senador Ronald dela Rosa matapos ang kaguluhan noong Miyerkoles ng gabi. Ayon kay Gatchalian, mabigat ang impormasyong nakatakas umano ang kanilang kasamahan sa gitna ng tensyon sa Senado. Isang senador na tumangging magpabanggit ng pangalan ang unang nagkumpirma na ipinaalam umano ng Senate Secretariat na nakalabas na si dela Rosa matapos ang insidente. Batay sa impormasyon, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang umano’y makalabas si dela Rosa kasama ang isa…

Read More

AFP UMALMA SA ‘CORNED BEEF’

UMALMA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa paggamit ng terminong “corned beef” para ilarawan ang mga NPA na nasawi sa engkuwentro sa Toboso, Negros Occidental, at tinawag itong “disrespectful” at “dehumanizing.” Sa ginanap na pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, inihayag ni AFP spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, kailanman ay hindi kinukunsinti ng militar ang anomang pananalitang nakabababa sa dignidad ng sinoman, anoman ang kanilang kinabibilangan. “The AFP does not condone disrespectful and dehumanizing language towards any individual, regardless of affiliation. We remind the public that every loss of…

Read More

PARAK NA TULAK NABITAG SA PAMPANGA

ISANG 28-anyos na aktibong pulis na sinasabing kabilang sa PNP-PDEA drug watchlist, ang naaresto sa ikinasang joint anti-narcotics operation ng PNP Provincial Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency sa San Fernando City, Pampanga noong Martes, ayon sa Police Regional Office 3 (PRO-3). Ayon sa ulat, inaresto ang suspek bandang alas-11:49 ng umaga sa Purok 5, Barangay San Jose sa isinagawang operasyon ng PNP-PDEU, katuwang Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office 3, at iba pang police units. Nakumpiska sa operasyon ang 105 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang street…

Read More

CAYETANO: NBI PWEDENG MAGHAIN NG WARRANT PERO LOCAL COURTS DAPAT

TINIYAK ni Senate President Alan Peter Cayetano na maaaring magsilbi o maghain ng warrant of arrest laban sa sinoman basta ito ay nagmula sa korte sa Pilipinas. Ayon kay Cayetano, kailangang sundin ang tamang proseso at hindi maaaring basta na lamang magtungo sa Senado upang maghain ng warrant of arrest. Sa ngayon, sinabi ni Cayetano na ginagamit pa ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang lahat ng legal remedies bago magpasya kung paano nito haharapin ang warrant laban sa kanya. Matatandaang inihayag ng National Bureau of Investigation na mayroon itong…

Read More