BUMUO ang Police Regional Office 9 ng Special Investigation Task Group para sa mas komprehensibong imbestigasyon sa shooting incident sa Ateneo de Zamboanga University (ADZU). Sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ni Senador Risa Hontiveros, sinabi ni Zamboanga City Police Office director Police Col. Fidel Fortaleza na layunin ng task group na maisama ang iba pang police units sa pagsisiyasat. Kabilang dito ang Anti-Cybercrime Group na susuri sa cellphone at iba pang gadgets ng batang shooter. Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Fortaleza…
Read MoreCategory: BALITA
29 NA PATAY, 3 NAWAWALA SA HABAGAT AT MGA BAGYO
BAHAGYANG humina na ang mga pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat at Tropical Depression Neneng, subalit posible pa ring makaranas ng mga pag-ulan sa Metro Manila at Luzon. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Saudel sa Linggo o Lunes na maaaring muling magpalakas sa umiiral na Habagat at magdala ng mga pag-ulan. Samantala, sa 11 a.m. update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umakyat na sa 29 ang iniulat na nasawi…
Read MorePNP TITIYAKIN KALIGTASAN NG MGA TAUHAN SA DISASTER RESPONSE
INATASAN ni PNP chief, PGen. Melencio Nartatez Jr., ang lahat ng police commander na pangalagaan ang kapakanan ng kanilang mga tauhan. Kinakailangan na ibigay ang kanilang suporta sa panahon ng deployment para sa mga disaster response dahil sa epekto ng malalakas na pag-ulan nitong nakaraang mga araw. Kanya ring iniutos sa mga lokal na hepe ng pulisya at sa mga pinuno ng yunit na tiyaking maayos, protektahan at bigyan ng sapat na kagamitan ang mga tauhan na naka-deploy sa field operations, alinsunod sa umiiral na kondisyon ng panahon. Ang nasabing…
Read MoreBULACAN ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY
ISINAILALIM ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando sa state of calamity ang buong lalawigan ng Bulacan matapos ang magkakasunod na Bagyong Maymay at Luis na pinalakas pa ng Habagat o Southwest Monsoon na nagdulot ng malawakang pagbaha at pinsala. Ang kapasyahan na batay sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) Council, ay inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan na may Kapasyahan Blg. 708-T’2026 sa isang espesyal na sesyon na ginanap noong Agosto 17, 2026, sa ilalim ng pinagtibay na PDRRMC Resolution No. 11, Series of 2026. Layunin ng deklarasyong…
Read MoreKARAGDAGANG 13 PUMPING STATIONS ITATAYO SA METRO MANILA
MAGTATAYO ang gobyerno ng 13 karagdagang pumping stations sa Metro Manila bilang paghahanda sa epekto ng climate change at inaasahang pagtaas ng volume ng ulan sa bansa. Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., target na matapos ang karamihan sa mga pumping station bago matapos ang taon o sa pagsisimula ng susunod na taon. “Most of them should be in place already,” bahagi ng pahayag ng Pangulo matapos pangunahan ang inspeksyon sa Tripa de Gallina Pumping Station sa Barangay 190, Baclaran 1-11, Pasay City, nitong Huwebes, Agosto 20. Sinabi ni Marcos…
Read MoreONLINE TROLLS KAKASUHAN NI REP. CENDAÑA SA PAMBABASTOS SA KANYANG KAPANSANAN
NAGBABALA ng legal na hakbang si Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña laban sa mga online troll at basher na patuloy umanong umaatake sa kanyang kalagayan at kapansanan. Sa isang pahayag, sinabi ng mambabatas na hindi na niya palalampasin ang pambabastos ng ilang online pages, influencers at indibidwal na ginagawang katatawanan ang kanyang pagiging stroke survivor. Inihayag ni Cendaña na sanay siya sa araw-araw na kritisismo bilang isang pampublikong opisyal, ngunit sumobra na umano ang mga pag-atake sa kanya online at offline. “Ilang taon ko nang pinapalagpas ang araw-araw na paninira…
Read MoreAMERIKANONG WANTED SA ASSAULT SA U.S., ARESTADO SA DAVAO
ARESTADO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Amerikanong wanted sa Estados Unidos dahil sa umano’y mga kaso ng assault. Dinakip ng BI Fugitive Search Unit (FSU), katuwang ang pamahalaan ng Estados Unidos, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 11, Police Station 18 ng Davao City Police Office at iba pang intelligence units, si James Charles Davis, 53, sa isang condominium unit sa J.P. Laurel Avenue, Barangay 20-B Poblacion, Davao City. Isinagawa ang operasyon matapos humingi ng tulong ang gobyerno ng Estados Unidos sa BI kaugnay ng…
Read MoreVILLAR, SUPORTADO ENHANCED ANTI-HOSPITAL DETENTION BILL
BUONG suporta ang ipinahayag ni Senator Mark A. Villar sa pag-apruba ng Senado sa Senate Bill No. 1511 o ang panukalang Enhanced Anti-Hospital Detention Act, na naglalayong magpataw ng mas mabigat na parusa sa mga ospital at medical clinic na ilegal na pumipigil sa paglabas ng mga pasyente at kanilang mga kapamilya dahil sa hindi pa nababayarang hospital bills. Ayon kay Villar, hindi na dapat dagdagan pa ang paghihirap at kahihiyang dinaranas ng mga pamilyang humaharap sa mabigat na emosyonal at pinansiyal na epekto ng pagkakaospital. “Hindi dapat maging kulungan…
Read MoreZAMBOANGA SHOOTING PASOK SA TERROR ACT — VIDA
TINAWAG ni Department of Justice (DOJ) Secretary Frederick Vida na isang terrorism o terror act ang naganap na pamamaril sa Zamboanga City dahil nagdulot ito ng takot sa publiko. Ito ang inihayag ni Vida habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga law enforcement agencies, bagama’t iginiit niyang hindi muna niya maaaring ibahagi ang iba pang detalye sa isinasagawang operasyon. “On the aspect of it being a terrorist act, definitely nakikita naman because the purpose of terrorism is to sow fear in the general population. So pag nakita nyo that element of…
Read More