IPINALIWANAG ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD) ang proseso sa pagsususpinde ng klase at trabaho sa gitna ng malalakas na pag-ulan at pagbaha dulot ng Southwest Monsoon o Habagat at mga nagdaang bagyo. Kasunod ito ng sunod-sunod na deklarasyon ng work-from-home arrangements at alternative learning modalities para sa mga manggagawa at estudyante dahil sa epekto ng sama ng panahon. Ayon sa OCD, ang desisyon sa suspensyon ng klase at trabaho ay nakabatay sa siyentipikong impormasyon, pagsusuri sa mga bantang panganib at…
Read MoreCategory: BALITA
SOCIAL MEDIA BAN SA EDAD 16 PABABA IPAPRAYORIDAD SA SENADO
NANGAKO ang mga senador na ipaprayoridad ang pagtalakay at pagsasabatas ng mga panukalang naglalayong ipagbawal ang paggamit ng social media sa mga edad 16 pababa. Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na malinaw sa mga scientific research sa iba’t ibang bansa na may negatibong epekto ang social media sa mga bata, kabilang ang posibilidad na mahikayat silang gumawa ng karahasan at krimen. Ayon kay Gatchalian, naaapektuhan din ng social media ang mental health, kaligtasan, at kapakanan ng mga pamilya at komunidad. Dahil dito, iginiit ng senador…
Read MoreP292.4-M SHABU NABUKING SA MICP
TINATAYANG aabot sa P292.4 milyon ang halaga ng methamphetamine hydrochloride o shabu na nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Manila International Container Port (MICP). Ang halos 43 kilo ng shabu ay ikinubli sa mga fabric pouch na pinagmukhang talc stones at tinangkang ipuslit sa Pilipinas mula Afghanistan. Ang kontrabando ay isinakay sa dalawang 20-foot container na idineklarang naglalaman ng “talc stones.” Isinailalim sa 100% physical examination ang mga shipment matapos ang profiling ng BOC at monitoring sa mga high-risk shipment.…
Read MoreONLINE TROLLS DOUBLE TIME SA PAGSIRA SA HOUSE PROSECUTORS — KAPUNAN
NAKA-DOUBLE TIME umano ang mga online troll na sumusuporta kay Vice President Sara Duterte upang idiskredito ang mga miyembro ng House prosecution panel. Ito ang inihayag ni private prosecutor Lorna Kapunan, kasabay ng pagsasabing bunga lamang ito ng kawalan ng pag-asa ng kampo ng Bise Presidente. “Desperate moves from a desperate defense camp,” pahayag ni Kapunan hinggil sa pagsisikap umano ng mga troll na dominahin ang online discourse at isulong ang narrative na pabor kay Duterte. Dahil maging ang mga private prosecutor ay pinupuntirya na rin umano sa internet, pabirong…
Read MoreKahit bumaligtad si Guteza OMBUDSMAN MAY 28 PANG TESTIGO VS ROMUALDEZ
IBINUNYAG ng Office of the Ombudsman na mayroon itong 28 testigong handang magbigay ng impormasyon laban kay dating House of Representatives Speaker Martin Romualdez kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects. Ayon sa Ombudsman, may direkta at materyal na kaalaman ang mga testigo sa mga transaksyong sinisiyasat kaugnay ng kaso ni Romualdez. Sinabi ng tanodbayan na mahigit 20 sa mga testigo ang kasalukuyang isinasailalim sa legal na proseso ng Office of the Ombudsman. Ayon pa sa Ombudsman, ang mga testigong ito ay mga nakaunipormeng personnel na aktibo pa…
Read MorePONDO SA STUDENT MENTAL HEALTH SA 2027 BUDGET, SUPORTADO NG KAMARA
TINIYAK ni House Speaker Faustino Dy III, ang pagpapatuloy ng pondo para sa mental health at child protection programs sa panukalang 2027 national budget kasunod ng mga insidente ng karahasan sa mga paaralan. Ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, vice chair ng House Committee on Appropriations, lalong ipinakita ng panibagong insidente ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University ang pangangailangang ituloy ang mga programang napondohan na sa 2026 General Appropriations Act. Ipinapaalala ng mambabatas na naglaan ang Kongreso ng P2.37 bilyon sa 2026 budget ng Department of…
Read MoreSanhi ng patuloy na pag-ulan PANSAMANTALANG SCHEDULE IPINATUPAD SA OPD NG MANILA HOSPITALS
NAGPATUPAD ng magkakaibang iskedyul sa Outpatient Department o OPD ang ilang pampublikong ospital sa Maynila nitong Huwebes, Agosto 20, dahil sa masamang panahon. Sarado ang OPD ng Ospital ng Maynila Medical Center o OMMC, President Corazon C. Aquino General Hospital o PCAGH, Justice Jose Abad Santos General Hospital o JJASGH, at Ospital ng Tondo. Limitado naman hanggang tanghali ang OPD ng Gat Andres Bonifacio Medical Center o GABMC, Ospital ng Sampaloc o OSSAM at Sta. Ana Hospital. Bukas ang GABMC mula alas-otso ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali, habang alas-siyete…
Read MoreKUMUHA NG POLICE CLEARANCE INARESTO SA KASONG YOSI
HINDI inakala ng isang lalaki na ang kanyang paninigarilyo ay humantong sa kaso at siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest habang kumukuha ng police clearance sa Gen. Trias City, Cavite noong Martes ng umaga Ayon sa ulat, bandang alas-1:45 ng umaga, nag-apply para sa police clearance si alyas “Rosalio” sa Gen. Trias Component City Police Station (CCPS) sa Brgy. Bagumbayan, Gen. Trias City, Cavite. Subalit naberipika sa National Police Clearance System (NPCS) na may nakabinbing warrant of arrest si Rosalio sa kasong paglabag sa City/Municipal Ordinance, Omnibus…
Read MoreIA-TDO “ORION’S TAMING” EXERCISE 2026 SA SULU SINIMULAN NA
PORMAL nang sinimulan nitong Agosto 19, 2026 ang Inter-Agency Territorial Defense Operations (IA-TDO) “Orion’s Taming” Exercise 2026 sa lalawigan ng Sulu. Bilang bahagi ng simuladong senaryo, inirekomenda ni Maj. Gen. Leonardo I. Peña, pinuno ng 11th Infantry “Alakdan” Division at Joint Task Force Orion, kay Hon. Abdusakur A. Tan II, Gobernador ng Lalawigan ng Sulu, ang pagpapasimula ng operasyon ng Sulu Joint Inter-Agency Coordinating Center (JIACC) at Emergency Operations Center (EOC), na agad namang idineklara ng gobernador bilang hudyat ng pagsisimula ng koordinadong inter-agency response. Dumalo rin sa pagsisimula ng…
Read More