MAHIGPIT na mino-monitor ng National Irrigation Authority (NIA) ang lebel ng tubig sa Pantabangan at Magat dams alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipagpatuloy ang pagbabantay sa mga dam. Sa pangunguna ni NIA Administrator Eduardo “Eddie” Guillen, patuloy na sinusubaybayan ng ahensya ang water level ng dalawang pangunahing dam sa gitna ng sunod-sunod na pag-ulan. Batay sa pinakahuling ulat, nasa 178.27 meters above sea level ang water level sa Magat Dam sa Isabela, habang 187.72 meters above sea level naman sa Pantabangan Dam sa Nueva Ecija.…
Read MoreCategory: BALITA
MGA PASYENTE NG BATANGAS DISTRICT HOSPITAL INILIKAS
MAAGANG inilikas ang 17 pasyente ng San Juan District Hospital ng Pamahalaang Bayan ng San Juan sa lalawigan ng Batangas, dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig-baha sa kinatitirikan nito sa Brgy. Talahiban. Inilipat ang mga pasyente sa pasilidad na hindi apektado ng baha sa karatig bayan upang matiyak ang kaligtasan at tuloy-tuloy na serbisyong medikal. Personal namang nagtungo sa ospital ang mga opisyal ng LGU upang suriin ang sitwasyon at tiyakin ang maayos na paglilikas at transportasyon ng mga pasyente. Samantala, nananatiling mataas ang tubig sa Laiya-San Juan Road…
Read MoreKasalukuyang parusa malabnaw KASO VS LOOSE FIREARMS DAPAT NON-BAILABLE – DILG
NANAWAGAN si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa Kongreso na gawing non-bailable ang mga kasong may kinalaman sa pagmamay-ari ng loose firearms na ginamit sa paggawa ng krimen. Kasunod ito ng shooting incident sa loob ng Ateneo de Zamboanga University na ikinasawi ng isang Child in Conflict with the Law (CICL) na sinasabing shooter at isang Grade 10 student. Ayon kay Remulla, hindi ito ang unang insidente ng ganitong uri. Noong Hunyo, isang shooting incident din ang naganap sa San Jose National High School…
Read MoreKaya nagamit ng ADZU shooter 2 BARIL NG AMA INIWAN LANG SA SASAKYAN
KINUMPIRMA ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno na kinuha ng estudyanteng suspek mula sa sasakyan ng kanyang ama ang dalawang baril na ginamit sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University junior high school building nitong Martes, Agosto 18. Dalawang estudyante, kabilang ang suspek, ang nasawi habang anim na iba pa ang nasugatan sa insidente. Ayon kay Nepomuceno, nasa loob ng sasakyan ang dalawang baril na parehong kinuha ng suspek bago pumasok sa high school campus. Ang ama ng suspek na si Lt. Lars Jalandi, ay hepe ng Customs…
Read MoreSERBISYO NG PHLPOST PATULOY SA KABILA NG MALAKAS NA ULAN AT BAHA
MANILA, Philippines — Patuloy na ginagampanan ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang tungkulin nitong panatilihing konektado ang mga Pilipino at maghatid ng mahahalagang serbisyo publiko sa kabila ng malalakas na pag-ulan, pagtaas ng tubig-baha, at masamang panahon sa ilang bahagi ng bansa. Sa kabila ng mahirap na kondisyon, patuloy na nagbibigay ng mahahalagang serbisyo sa koreo at komunikasyon ang PHLPost sa publiko. Nananatili sa kanilang mga puwesto ang mga postal frontliner upang maghatid ng mga sulat, parsela, komunikasyon ng pamahalaan, Postal ID, at iba pang mahahalagang dokumento habang sumusunod sa…
Read MoreCAYETANO: MINORITY HANDANG DAGDAGAN ANG TUNGKULIN PARA MAPABILIS ANG TRABAHO SA SENADO
HANDANG makipagtulungan ang Minority bloc sa Majority upang mapabilis ang trabaho ng Senado at matugunan agad ang mga isyung nangangailangan ng agarang aksyon. Ayon kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, bukas din ang Minority bloc na gampanan ang anumang karagdagang responsibilidad upang makatulong na matiyak ang mabilis na pagtugon ng Senado sa mga pangangailangan ng taumbayan. “There are some real issues, and I think all of us do want to work together to speed up the work,” pahayag ni Cayetano sa sesyon ng Senado nitong Agosto 19, 2026. “Given…
Read MoreALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS, LEARNING MODES SA NCR, 17 LALAWIGAN IPATUTUPAD BUKAS
IPINAG-UTOS ng Malacañang ang pagpapatupad ng naaangkop na alternative work arrangements sa mga tanggapan ng gobyerno at alternative learning modes at learning continuity measures sa mga pampubliko at pribadong paaralan bukas, Huwebes, Agosto 20, bilang paghahanda sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng habagat. Nakasaad sa Memorandum Circular No. 131 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph G. Recto, sa pahintulot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang hakbang ay alinsunod sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa banta ng localized flooding at…
Read MoreP130K pinasosoli sa buyer REAL ESTATE DEVELOPER PINAGMULTA NG SC
INATASAN ng Korte Suprema ang real estate developer na Empire East Land Holdings Inc. na isauli ang P130,000 na ibinayad ng isang buyer matapos mabigong maibigay ng sales agent ang ipinangakong Contract to Sell. Bukod sa refund, inatasan din ng Supreme Court (SC) ang developer na magbayad ng P260,000 exemplary damages kay John Edrem Bautista. Nagbayad si Bautista ng P20,000 reservation fee at karagdagang P110,000 para sa isang residential unit. Ayon kay Bautista, nangako ang sales agent na bibigyan siya ng Contract to Sell matapos niyang bayaran ang reservation fee.…
Read MoreSorry na lang sa mga mali ng intindi: ‘ANTE KLER’ HINDI MAGSO-SORRY SA WALANG MODO REMARK
HINDI humingi ng paumanhin si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa mga gurong umalma sa kanyang pahayag na may ilang guro umanong nagtuturo sa mga estudyante kung paano maging “walang modo.” Ginawa ni Castro ang pahayag matapos ang insidente ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University (AdZU) Junior High School campus, kung saan binigyang-diin niya ang papel ng mga magulang at guro sa paggabay sa mga kabataan. Ayon kay Castro, wala siyang sinisising mga guro at ang kanyang pahayag ay paalala lamang sa mahalagang…
Read More