Habang wala pang writ of preliminary injunction DOLE HINIKAYAT IPATUPAD NA DAGDAG-SAHOD

HINIMOK ni Atty. Ariel Inton ang Department of Labor and Employment (DOLE) na ipatupad na ang naantalang P85 wage hike habang wala pang naibibigay na writ of preliminary injunction ang korte. Ang pahayag ni Inton ay kasunod ng inilabas na temporary restraining order ng Pasig City court na pumipigil sa pagpapatupad ng dagdag-sahod. Ayon kay Inton, naglabas ang Regional Trial Court (RTC) ng Pasig City ng resolusyong pabor sa hinihinging preliminary injunction ng mga nagdemanda upang mapigil ang implementasyon ng P85 wage hike. Gayunman, bago maipalabas ang mismong writ of…

Read More

DOJ KINASUHAN SI TEO­DORO SA RAPE, ACTS OF LASCIVIOUSNESS

APAT na counts ng rape through sexual assault at isang count ng acts of lasciviousness ang isinampa ng Department of Justice (DOJ) laban kay Marikina 1st District Rep. Marcelino “Marcy” Teodoro sa Marikina City Regional Trial Court noong Huwebes. Nag-ugat ang mga kaso sa magkahiwalay na reklamo ng dalawang babaeng pulis na nagsilbing security aides ni Teodoro sa magkaibang panahon. Sa resolusyon ng DOJ, sinabi nitong may probable cause at reasonable certainty of conviction upang kasuhan si Teodoro. Inirekomenda nito ang pagsasampa ng apat na magkahiwalay na information para sa…

Read More

LAW ENFORCEMENT AGENCIES PINAKILOS SA ZAMBOANGA SCHOOL SHOOTING

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa law enforcement agencies ang masusing imbestigasyon sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University noong Martes ng umaga na ikinasawi ng dalawang estudyante. Sa kalatas ng Office of the President (OP), sinabi ng Pangulo na kailangang matukoy ang mga hakbang upang maiwasang maulit ang insidente at hindi na maranasan ng ibang pamilya, paaralan at komunidad ang kaparehong trahedya. “We grieve with the families and the entire Ateneo de Zamboanga community over a tragedy that should never have happened,” pahayag ni Marcos. “Our schools are…

Read More

P1.939 TRILYON NA GINASTOS SA FLOOD CONTROL PERO BAHA PA RIN — LACSON

UMABOT na sa P1.939 trillion ang ginastos ng pamahalaan sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) mula 2011 hanggang 2025, ngunit patuloy pa rin ang malawakang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson, lumilitaw na hindi pa rin sapat ang naging resulta ng napakalaking pondong inilaan para sa flood management. Inilabas ni Lacson ang pahayag kasunod ng malawakang pagbaha sa Metro Manila dulot ng malakas na pag-ulan at Habagat. Binanggit ng senador ang datos ng DPWH flood management spending…

Read More

ASAWA NI STELLA QUIMBO: WALANG MASAMA SA FLOOD CONTROL PROJECTS

IGINIIT ni Marikina 2nd District Rep. Miro Quimbo, asawa ni dating House Committee on Appropriations chairperson Stella Quimbo, na walang masama sa flood control projects at dapat patuloy itong pondohan ng gobyerno upang maiwasan ang malawakang pagbaha. “Sa maiksing salita, flood control by itself is not necessarily bad. But it is how you implement it,” pahayag ni Quimbo sa isang ambush interview. Aniya, isa sa mga aral mula sa mga nakalipas na pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay ang pangangailangang ipagpatuloy ang paglalaan ng pondo para sa flood…

Read More

MERALCO PATULOY ANG POWER RESTORATION SA MGA LUGAR NA TINAMAAN NG HABAGAT; NAGHATID NG TULONG SA MGA KOMUNIDAD

TULUY-TULOY NA PAGPAPANUMBALIK NG SERBISYO NG KURYENTE. Makikita sa larawan ang mga crew ng Meralco na nagsasaayos ng mga pasilidad ng kuryente sa Calumpit, Bulacan nitong Agosto 17, 2026 MAYNILA, PILIPINAS, 18 August 2026— Kasunod nang walang tigil na pagta-trabaho ng mga crew at personnel, naibalik na ng Manila Electric Company (Meralco) ang serbisyo ng kuryente sa halos lahat ng naapektuhang customer dahil sa malakas na ulan at pagbaha na dulot ng Habagat. “Makakaasa ang aming mga customer na hindi titigil ang aming mga crew at personnel na tumugon sa…

Read More

LIBRENG PSYCHIATRIC CONSULTATION ISINULONG SA LAGUNA

ISINULONG ni Laguna Governor Sol Aragones ang pagkakaroon ng libreng psychiatric consultation sa ilang ospital sa lalawigan para mas mapalapit sa mga residente ang tulong para sa mental health. Simula sa Setyembre, magkakaroon ng psychiatrist sa JP Rizal Hospital tuwing Sabado at Linggo, habang may psychiatrist naman sa Laguna Medical Center tuwing Huwebes at Biyernes. Layunin ng programa na matulungan ang mga nangangailangan ng psychiatric consultation, lalo na’t isa sa mga hadlang ang mahal na bayad sa konsultasyon. (NILOU DEL CARMEN) 223

Read More

Para sa mas ligtas na biyahe LIGAW NA HAYOP SA NLEX TUTUTUKAN

MARILAO, Bulacan — Pormal nang nakipagtulungan ang NLEX Corporation at ang Local Government Unit (LGU) ng Marilao upang matiyak ang makataong pagsagip, pangangalaga, at pamamahala ng mga ligaw na hayop na matatagpuan sa NLEX corridor. Ang Memorandum of Agreement ay nilagdaan noong Agosto 10 sa Marilao Municipal Hall nina NLEX President at General Manager Luis S. Reñon at Marilao Mayor Atty. Jemina M. Sy, sa pakikipagtulungan ng Animal Shelter and Care Facility (ASCF) ng munisipyo. “Ang pakikipagsosyo na ito ay bumubuo ng isang mahalagang bahagi ng aming pangkalahatang adbokasiya para…

Read More

SITG BINUO SA PANANAMBANG KAY MACACUA SA MAGUINDANAO

INANUNSYO ng Philippine National Police na bumuo ng Special Investigation Task Group na siyang tututok sa imbestigasyon sa pananambang sa convoy ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua sa Barangay Bitu, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte noong Sabado ng hapon. Sa isinagawang press briefing nitong Lunes ng umaga sa Camp Crame, sinabi ni PNP-PIO chief, PCol. Allen Rae Co, 81 basyo ng bala ang natagpuan sa lugar na pinangyarihan ng pananambang at kabilang sa mga nakuhang basyo ang mula sa 5.56 at 7.62 caliber. Ayon kay Co, wala namang…

Read More