NAGTUNGO ang Emergency Response Team ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa Bacolor, Pampanga nitong Miyerkules, Agosto 19, upang maghatid ng tulong sa mga pamilyang nananatili sa evacuation centers dahil sa ilang araw nang pagbaha. Namahagi ang grupo ng daan-daang hot meals sa Bacolor Integrated School, kung saan kasalukuyang nananatili ang 204 pamilya o 779 indibidwal, at sa Bacolor Mini Convention, na tinutuluyan naman ng 49 pamilya o 220 indibidwal. Ilan sa mga evacuee ay siyam na araw nang nasa evacuation centers habang patuloy na binabaha ang ilang lugar…
Read MoreCategory: BALITA
Habang nade-delay P85 wage hike P66M KADA ARAW NAWAWALA SA NCR WORKERS — LABOR GROUP
TINATAYANG P66 milyon kada araw ang hindi napakikinabangan ng mga minimum wage earner sa Metro Manila dahil sa pagkaantala sa pagpapatupad ng P85 wage increase, ayon sa isang labor group. Dumulog sa Korte Suprema si Partido Manggagawa chairperson at Nagkaisa Labor Coalition spokesperson Ka Rene Magtubo upang ihayag ang epekto ng delay sa pagpapatupad ng dagdag-sahod. Tinatayang 1.1 milyon minimum wage earners sa National Capital Region (NCR) ang apektado ng pagkaantala. “Malaki ang epekto sa mga manggagawa na minimum wage earners. 1.1 million ang estimated minimum wage earners sa NCR.…
Read MoreROMERO ITINANGGING GINAWARAN NG GOLD CROSS MEDAL
MANILA — Mariing itinanggi ni Philippine Air Force Reserve Brig. Gen. Michael “Mikee” Romero na siya ay ginawaran o nagmamay-ari ng Gold Cross Medal ng Armed Forces of the Philippines (AFP). “Para sa rekord, hindi ako ginawaran at wala akong Gold Cross Medal,” pahayag ni Romero. Ayon kay Romero, ang medalya na paulit-ulit na tinukoy sa mga litrato at ginamit bilang sentro ng mga alegasyon laban sa kanya ay hindi Gold Cross Medal. Aniya, ang naturang parangal ay ang Gawad sa Kapayapaan, na ipinagkaloob bilang pagkilala sa kanyang mga naging…
Read More2 PATAY SA PAMAMARIL SA ATENEO DE ZAMBOANGA
DALAWANG high school students ang namatay sa nangyaring shooting incident sa Ateneo de Zamboanga University nitong Martes. Kabilang sa dalawang namatay ang suspek sa pamamaril. Kinilala ang suspek na isang Grade 10 student na ang ama ay nagtatrabaho sa Zamboanga City Customs Office. Ayon sa ulat ng Police Regional Office 9 (PRO9), dakong alas-7:50 nitong Martes ng umaga ay umalingawngaw ang mga putok ng baril sa ika-apat ng palapag ng ADZU High School Campus sa Barangay Lunzuran, Zamboanga City. Batay sa paunang imbestigasyon, bigla na lamang pumasok ang suspek sa…
Read MoreIMPROVEMENT NG PASIG-MARIKINA CHANNEL NAKATULONG NANG BUMUHOS MATINDING ULAN – MALAKANYANG
SA gitna ng matinding pagbuhos ng ulan sa Metro Manila, araw ng Lunes, kapansin-pansin ang malaking tulong ng Pasig-Marikina River Channel Improvement Project PMRCIP ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, dahil sa proyektong ito, hindi umapaw ang ilog at naprotektahan ang mga residente ng Marikina at Pasig City mula sa matinding baha lalo na’t ilang linggo nang walang tigil ang pag-ulan. Aniya, ayon sa Public Works and Highways, sa pangunguna ni…
Read MoreMahigit 1K residente lumikas PUMPING STATION NI QUIMBO SA MARIKINA, PUMALYA
PUMALYA ang pumping station na inilagay ni Marikina 2nd District Rep. Miro Quimbo sa Barangay Tumana sa kasagsagan ng sama ng panahon noong Lunes. Dahil sa pagpalya ng pumping station na nauna nang pinagmalaki ni Quimbo, tumaas ang tubig-baha hanggang beywang bandang alas-dos ng hapon. Dakong alas-3 naman ng hapon, nang mapilitang lumikas sa Concepcion Integrated School ang nasa 169 pamilya, na katumbas ng mahigit 1,000 residente Nasa 93 pamilya, o 558 indibidwal, ang nananatili sa mga silid-aralan para sa elementarya. Umabot naman sa 76 pamilya o 415 indibidwal ang…
Read MoreVILLAR KINONDENA PAMAMARIL SA ZAMBOANGA, NANAWAGAN NG AGARANG AKSYON
MARIING kinondena ni Senator Mark A. Villar ang pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University nitong Martes na ikinasawi ng dalawang estudyante, kasabay ng panawagan para sa agarang hakbang laban sa karahasan sa mga paaralan. Batay sa mga paunang ulat, nangyari ang pamamaril dakong alas-8:30 ng umaga sa loob ng paaralan. Dalawang indibidwal ang nasawi sa insidente, kabilang ang hinihinalang gunman, habang dalawa pang indibidwal ang iniulat na nasugatan. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong pangyayari, kabilang ang motibo at kung paano nakapasok sa paaralan ang armas.…
Read MoreMAS MAHABANG ORAS, DAGDAG ARAW SA IMPEACHMENT TRIAL AT BUDGET HEARINGS, PINAG-AARALAN NG SENADO
PINAG-AARALAN ng Senado ang posibilidad na dagdagan ang oras o araw ng pagdinig para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at sa deliberasyon sa 2027 national budget. Sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na kabilang sa kanilang isasaalang-alang ang mga naging suspensyon o pagpapaikli ng mga pagdinig dahil sa masamang panahon at pagbaha. Para sa impeachment trial, sinabi ni Gatchalian na sa ngayon ay wala pa umanong malaking epekto sa kanilang schedule ang mga naging suspensyon ng pagdinig. Gayunman, pinag-aaralan na nila ang mungkahi ni Senate Majority Leader…
Read MoreWFH MODE PINAIRAL SA DOJ SA GITNA NG KALAMIDAD
NAGLABAS ang Department of Justice (DOJ) ng memorandum circular na nag-aatas ng work-from-home arrangement sa ilang tanggapan nito dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat. Ayon sa DOJ, ipinatupad ang work-from-home arrangement noong Agosto 17 sa DOJ Central Office at sa lahat ng Prosecution Offices sa National Capital Region, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Benguet, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Rizal, Laguna at Occidental Mindoro. Layunin ng kautusan na matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga empleyado bunsod ng inaasahang pagbaha, mabigat…
Read More