Hindi na happy kay Dy NUP KAKALAS SA MAJORITY BLOC?

PINAG-AARALAN ng National Unity Party (NUP) ang posibilidad na kumalas sa Majority Bloc sa Kamara at lumipat sa Minority Bloc. Ito ang kinumpirma ni NUP Chairman at Deputy Speaker Antipolo City Rep. Ronaldo Puno, na nagsabing pag-uusapan ng kanilang 41 miyembro ang plano sa panahon ng Lenten recess. “Itong recess, magmi-meeting meeting, pag-uusapan namin,” ani Puno sa press conference. Ayon sa kongresista, mula pa sa simula ay suportado ng kanilang partido ang liderato ni House Speaker Faustino Dy, ngunit nais nilang suriin ngayong break kung mananatili pa ba sila sa…

Read More

ANAK NI ROMEO ACOP WAGI SA SPECIAL POLLS SA ANTIPOLO

NANALO sa isinagawang special election ng Commission on Elections (Comelec) si Philip Conrad Acop, anak ng namayapang Romeo Acop, upang punan ang nabakanteng puwesto bilang kinatawan ng Antipolo City 2nd District. Iprinoklama si Acop bilang bagong kongresista ng distrito matapos makapagtala ng landslide victory sa special election na ginanap noong Marso 14, 2026. Sa panayam, nagpasalamat si Acop sa 60,051 botante na sumuporta sa kanyang kandidatura. Nakakuha naman ng sumusunod na boto ang kanyang mga katunggali: Reden “Red” Llaga – 12,054; Irvin Paulo “Paui” Tapales – 10,080; Nathaniel “Atty. Nat”…

Read More

Hinintay magbukas TINDAHAN NILIMAS NG HOLDAPER

CAVITE – Pinaghahanap ng pulisya ang isang riding in tandem na nangholdap at tumangay sa kita at cellphone ng isang tindahan sa bayan ng Tanza noong Sabado ng umaga. Ayon sa ulat, bandang alas-5:30 ng umaga nang magbukas ang isang tindahan sa Brgy. Daang Amaya 1, Tanza, Cavite nang pumarada ang isang motorsiklo. Pumasok, tinutukan ng baril ang kahera at nagdeklara ng holdap ang mga suspek at tinangay ang P3,000,00 cash na kita ng tindahan at isang cellular phone ng kahera na P10,000.00 ang halaga. Pagkaraan ay sumibat ang mga…

Read More

PNP MAS PINAIGTING KAMPANYA KONTRA STREET CRIMES

TINIYAK ng Philippine National Police na higit pa nilang palalakasin ang operasyon laban sa street-level crimes matapos maaresto ang dalawang suspek sa pagpatay sa tatlong cellphone technicians sa Cagayan. Sa pinaigting na kampanya laban sa mga krimen sa lansangan, ay na-recover sa operasyon ang ilang baril, bala, at tactical gear. Ayon kay PNP chief, Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., sa pinaigting na laban kontra street crimes ay mahalaga ang tiwala at pakikipagtulungan ng komunidad para sa mabilis na pagresolba ng kaso. Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Nartatez, ang pagkakaaresto sa…

Read More

2 BIG TIME DRUG PUSHER NADAKIP NG PDEA AT PNP

LAGLAG ang dalawang itinuturing na mga bigtime pusher sa isinagawang anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency Sulu Provincial Office (PDEA‑SPO), katuwang ang mga pulis sa Barangay Canelar, Zamboanga City. Ayon sa ulat na isinumite sa punong himpilan ng PDEA sa Quezon City, nagkasa ng buy-bust operation sa labas ng isang hotel noong Sabado na nagresulta sa pag-aresto sa dalawang indibidwal at pagkakasabat ng humigit‑kumulang 500 gramo ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu na may tinatayang standard na halaga na P3,400,000.00. Ayon kay Director III Bryan B. Babang ng PDEA‑SPO,…

Read More

1 KILO SHABU HULI NG PDEA SA HVT

ISANG pinaniniwalaang high value drug personality ang nadakip ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency na nagresulta sa pagsamsam ng isang kilo ng methamphetamine hydrochloride o shabu sa Zamboanga City na may standard market value na P6,800,000.00, ayon sa ulat ng PDEA. Kinilala ang nadakip na bigtime drug personality na si K “Brandon”, residente ng Zamboanga City. Narekober mula sa pag‑iingat ng suspek ang isang resealable plastic bag na naglalaman ng puting kristalinang substansiya na hinihinalang shabu na may bigat na humigit‑kumulang 1 kilo (buy‑bust); at ang ginamit na…

Read More

P28.2-M SHABU NASABAT SA CROATIAN NATIONAL SA NAIA

ISANG Croatian national ang inaresto ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group matapos mahulihan ng mahigit apat na kilo ng crystal meth o shabu sa kanyang bagahe. Kinilala ang banyaga na si alyas “Neri,” 48-taong gulang, dumating sa Pilipinas mula sa Johannesburg, South Africa na may connecting flight mula Hong Kong. Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, katuwang nila ang Bureau of Customs sa pag-aresto sa Croatian national matapos matagpuan sa isinagawang anti-narcotics interdiction ang ipinagbabawal na droga na nakatago sa loob ng isang beige na bagahe na may label…

Read More

DILG PLANONG GUMAMIT NG DRONES KONTRA ILEGAL NA DROGA

PLANONG bumili ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng long-range drones na gagamitin sa pagpapatrolya sa karagatan ng bansa bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga. Sa isang briefing sa Calapan City sa Oriental Mindoro, sinabi ni SILG Jonvic Remulla na mas epektibo at mas mura ang paggamit ng drones kumpara sa tradisyunal na helicopter at speedboat sa pagharang sa mga hinihinalang drug shipment. Ayon kay Remulla, may kakayahan ang mga drone na makipag-ugnayan sa mga barko sa pamamagitan ng radyo. Kapag hindi…

Read More

Eepal sa fuel subsidy mananagot NAKA-MOTORSIKLO ‘DI DAPAT MAIWAN SA OIL TAX RELIEF – ERWIN TULFO

KASUNOD ng pag-certify ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang “urgent” sa panukalang suspensyon ng excise tax sa petrolyo, nanawagan si Senator Erwin Tulfo na gawing inklusibo ang nasabing polisiya para hindi maiwan ang nasa 8.5 milyong Pinoy na gumagamit ng motorsiklo araw-araw. Sa pagdinig ng Senate Ways and Means Committee noong Marso 11, nagbabala si Tulfo laban sa paglimita ng tax relief sa diesel lamang. “Huwag nating iwanan ang mga naka-motorsiklo. Gasolina ang gamit nila, kaya hindi natin pwedeng limitahan lang sa diesel ang suspensyon ng excise tax,” giit…

Read More