DESISYON NG SC SA PANUNTUNAN NG DOJ NAGPALAKAS SA KASO NI MANAS

INANUNSYO ng Korte Suprema noong Marso 11, 2026, na pinagtibay nito ang isang panuntunan ng Department of Justice (DOJ) na nagtaas sa antas ng ebidensyang kailangan bago maisampa ang kasong kriminal sa hukuman. Sa desisyon, idineklara ng SC ang bisa ng Department Circular No. 20, na inilabas noong panahon ng dating Kalihim ng Katarungan at ngayon ay Ombudsman Boying Remulla, na nagtataas ng pamantayan sa preliminary investigation mula sa probable cause lamang patungo sa prima facie evidence na may reasonable certainty of conviction. Dahil sa desisyon ng Korte Suprema, lalong…

Read More

NGU, QUIRANTE MGA DONOR NI BRIAN POE

DALAWANG malalaking government contractor ang kabilang sa mga donor ni FPJ Panday Bayanihan Party-list Rep. Brian Poe-Llamanzares, anak ni dating Senadora Grace Poe. Ayon sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism, nagbigay ng tig-P500,000 sa kampanya ni Poe-Llamanzares sina Maynard Ngu ng Cosmic Technologies Inc. at Joseph Quirante ng Octagon Concrete Solutions. Si Ngu ay kilalang contractor ng Department of Education habang si Quirante ay contractor sa Department of Public Works and Highways. Napag-alaman na nag-donate si Ngu ng P30 milyon sa kampanya ni Escudero bilang senador noong 2022.…

Read More

IMPLEMENTASYON NG BAGONG PROCUREMENT ACT, PINABUBUSISI SA SENADO

NAIS ni Senador Sherwin Gatchalian na siyasatin ng Senado ang pagpapatupad ng bagong Government Procurement Act upang itaguyod ang integridad sa paggamit ng pondo ng bayan. Sa ilalim ng Proposed Senate Resolution 336, binibigyang-diin ang pangangailangang masuri ang katayuan ng implementasyon ng bagong batas sa procurement upang matiyak ang maayos na transition patungo sa mga bagong pamamaraan nito. “Mahalagang tandaan na ang isang transparent, epektibo, at mahusay na sistema ng procurement ng gobyerno ay titiyak na ang pondo ng bayan ay ginagastos nang maayos upang masulit ang bawat piso sa…

Read More

MANIBELA HIHIRIT NG P2 FARE HIKE

PLANONG humirit ng hanggang P2 provisional fare increase ang transport group na Manibela para sa public utility vehicles (PUVs) dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. Ayon kay Mar Valbuena, chairperson ng grupo, napipilitan silang gawin ang hakbang matapos umabot sa P400 hanggang P500 ang nababawas sa arawang kita ng mga tsuper. Ipinaliwanag ni Valbuena na dulot ito ng pagtaas ng presyo ng petrolyo ng P25 hanggang P30 kada litro sa mga nakalipas na linggo, na iniuugnay sa patuloy na tensyon sa Middle East. Dagdag pa niya, inaasahan…

Read More

DOTr TINIYAK KALIGTASAN NG MRT-3 FOUR-CAR TRAINS; ALEGASYON SA ISANG VLOG AT NG ILANG KAWANI ITINANGGI

PINABULAANAN ng Department of Transportation (DOTr) at ng pamunuan ng MRT‑3 ang mga alegasyong lumabas sa vlog ni Eli San Fernando at sa pahayag ng ilang miyembro ng MRT‑3 Employees Association hinggil sa umano’y kakulangan sa kaligtasan ng mga four-car train na ginagamit sa rail line. Iginiit ng DOTr na nananatiling ligtas para sa publiko ang operasyon ng MRT-3, kabilang ang paggamit ng four-car train sets, at sinabi na hindi totoo ang pahayag na hindi ligtas sakyan ang naturang mga tren. Ayon sa ahensya, lahat ng train sets ng MRT-3…

Read More

AMLC HUWAG PAKIALAMAN – LACSON

NAGBABALA si Senador Panfilo Lacson laban sa anomang tangka ng pribadong interes na pakialaman o impluwensiyahan ang pamunuan at operasyon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), at iginiit na dapat manatiling independent at hindi pinakikialaman ang pangunahing financial intelligence body ng bansa. Ayon kay Lacson, napakahalaga ng papel ng AMLC sa pagprotekta sa integridad ng financial system ng bansa kaya hindi ito dapat mapasailalim sa anomang pressure mula sa pulitika o pribadong interes. Binigyang-diin din niya na ang sinomang magtatangkang manipulahin o pakialaman ang konseho ay maaaring managot sa ilalim ng…

Read More

ARMY DRONE ACE KABILANG SA WORLD’S BEST

NAPABILANG ang pamosong drone ace ng Philippine Army sa hanay ng mga pinakamagagaling sa buong mundo nang magtapos ito sa ika‑11 puwesto mula sa 76 na elite na drone pilots na lumahok sa final round ng Military International Drone Racing Tournament (MIDRT AS 26) sa Sydney, Australia nitong nagdaang linggo. Ipinakita ng tagumpay ni reservist PFC Rex Froilan Gil (Codename: RezFVP) ang tumitinding kakayahan ng mga operator ng unmanned aerial systems (UAS) ng Philippine Army. Lumahok si Gil sa high‑speed First‑Person View (FPV) drone events na sumusubok sa husay sa…

Read More

‘MALETA DELIVERY’ PANAHON PA NI DUTERTE — OMBUDSMAN REMULLA

IBINUNYAG ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na nagsimula pa noong administrasyon ni Rodrigo Duterte ang sinasabing “maleta delivery” ng pera sa ilang opisyal ng pamahalaan—at hindi umano ito nag-ugat sa panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Sa pulong balitaan, sinabi ng Ombudsman na nakatanggap siya ng intelligence report mula sa isang mapagkakatiwalaang source na naglalaman ng impormasyon kaugnay sa isyu. Ayon kay Remulla, isa sa mga larawang nakapaloob sa joint affidavit ng nagpakilalang 18 dating sundalo ay kuha pa umano noong panahon ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.…

Read More

PLUNDER, GRAFT CASE VS JINGGOY, EX-DPWH SEC BONOAN ‘SUBMITTED FOR RESOLUTION’ NA

KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na submitted for resolution na ang reklamong plunder at graft laban kina Senador Jinggoy Estrada, dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan at iba pang sangkot. Ayon kay DOJ spokesperson Polo Martinez, natapos na ang pagsusumite ng counter-affidavit ng lahat ng respondents sa reklamo. Kabilang sa mga naghain ng kanilang kontra-salaysay sina dating Public Works officials at state witnesses na sina Roberto Bernardo, Gerard Opulencia, Henry Alcantara at iba pa. Nauna nang naghain si Estrada ng kanyang counter-affidavit sa prosekusyon…

Read More