Kasunod ng paluan sa Ayungin Shoal PBBM GUSTONG I-RESET RELASYON NG PH AT CHINA

NAIS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maibalik sa maayos na kalagayan ang relasyon ng Pilipinas at China matapos ang kamakailang insidente sa Ayungin Shoal. Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro matapos ipatawag ng Pangulo sa Malacañang si Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan upang talakayin ang patuloy na pangamba ng Pilipinas sa mga kilos ng Beijing sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa. Ayon kay Castro, layunin ng Pangulo na hindi na maulit ang mga nagdaang…

Read More

DOUBLE APPROPRIATIONS SA INFRA PROJECTS SA TAGUIG NATUKLASAN

BUKOD sa umano’y ghost projects, ibinunyag ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na may natuklasan din silang posibleng double appropriations sa iisang proyekto sa Taguig City. Sinabi ni Lacson na may tatlong karagdagang slope protection projects na nagkakahalaga ng P100 million ang nakita nila sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act. Kaya naman umakyat na sa P2.285 billion ang kabuuang budget insertions para sa Taguig City na balwarte ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano. Una nang kinumpirma ni Lacson na may nasilip silang dalawang posibleng ghost infrastructure projects. Sinabi rin…

Read More

PBBM ININSPEKSYON MALAMPAYA PHASE 4 PROJECT

PATULOY na isinusulong ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalakas ng seguridad sa enerhiya sa pamamagitan ng pagpapataas ng lokal na produksyon ng natural gas at pagbabawas ng pagdepende sa imported na suplay. Ininspeksyon ng Pangulo noong Huwebes, Hulyo 23, ang Malampaya Phase 4 Project bilang bahagi ng pagpapabilis sa development ng Malampaya gas field. Ang Malampaya gas field ang tanging pinagkukunan ng natural gas sa bansa at inaasahang mauubos ang kasalukuyang reserba nito pagsapit ng 2027. Batay sa datos ng pamahalaan, 52 porsiyento o 35.18 milyong…

Read More

VALID ID ‘DI KAILANGAN PARA MAKAKUHA NG POSTAL ID – PHLPost

NILINAW ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) na hindi kailangang mag-submit ng valid government-issued ID bilang requirement para makapag-apply ng Postal ID. Kailangan lamang magsumite ng Birth Certificate, Barangay Certificate at Postal ID Application Form. Ito ang lang ang mga pangunahing hinihingi ng PHLPost para sa mga first-time na kukuha ng Postal ID. Para sa mga aplikanteng walang maipakitang Barangay Certificate, maaari silang mag-submit ng iba pang tinatanggap na proof of address tulad ng pinakahuling bayarin sa kuryente, tubig, internet, o iba pang utility bill na naglalaman ng kanilang pangalan at…

Read More

Babuyan Island, Cagayan posibleng debris drop zone FISHERS, SEAFARERS BINALAAN SA ROCKET LAUNCH NG CHINA

PINANGANGAMBAHAN ng mga awtoridad ang muling pagbagsak sa karagatang sakop ng Pilipinas ng rocket debris mula sa pinakawalang rocket ng China. Bunsod nito, muling naglabas ng abiso ang Philippine Coast Guard (PCG) hinggil sa isasagawang pagpapalipad ng China ng Yinli-1 (Y4) rocket. Ayon sa babala ng PCG, posibleng gawin ang rocket launch mula alas-10:46 ng umaga hanggang alas-11:21 ng umaga nitong Miyerkoles, Hulyo 22. Ayon sa Coast Guard District North Eastern Luzon, ang nasabing rocket ay nakatakdang paliparin mula sa East China Sea Launch Area sa Shanghai. Nabatid na ang…

Read More

200 PDLs SA NBP INILIPAT SA ZAMBOANGA PRISON

BILANG bahagi ng patuloy na reporma ng Department of Justice (DOJ) sa correctional system, matagumpay na inilipat ng Bureau of Corrections (BuCor) ang 200 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City patungo sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City. Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., umabot na sa 16,530 PDLs ang nailipat sa iba’t ibang Operating Prison and Penal Farms mula nang maupo siya sa puwesto noong 2022. Sinabi ni Catapang, layunin ng programa na mabawasan…

Read More

MAS MAHIGPIT NA PASSENGER VERIFICATION SA MOTORCYCLE TAXI, ISINUSULONG NI REP. GUTIERREZ

NANAWAGAN si 1-Rider Party-list Rep. Ramon Rodrigo Gutierrez na ipatupad ang mandatory at mas mahigpit na passenger verification measures sa mga motorcycle taxi service upang maprotektahan ang mga rider laban sa mga kriminal. Ayon kay Gutierrez, dapat isama sa mga hakbang ang ID verification, facial recognition at mas mahigpit na booking safeguards upang maiwasan ang mga insidenteng katulad ng pagpatay kina rider Ren Ren De Laviga at Move It rider Fabio Norberte Jr. Si De Laviga ay binaril umano ng kanyang pasahero habang bumiyahe mula Maynila patungong Carmona, Cavite, habang…

Read More

HOUSE PROSECUTION PANEL, TINAPOS NA PAGHAHAIN NG EBIDENSIYA SA THREAT CHARGE LABAN KAY VP SARA

PORMAL nang tinapos ng House Prosecution Panel ang paghahain ng ebidensiya para sa impeachment article kaugnay ng grave threat laban kay Vice President Sara Duterte. Sa ikasiyam na araw ng impeachment trial, ipinagpatuloy ang cross-examination kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag bago ipinaalam ni Lead Prosecutor at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro na hindi na kailangan ng prosekusyon ang re-direct examination. Si Matibag ang ikatlo at huling testigo ng prosekusyon para sa unang impeachment article na nag-ugat sa pahayag ni Vice President Duterte noong Nobyembre…

Read More

₱234.3-MILYONG SMUGGLED CIGARETTES, NASABAT NG PHILIPPINE NAVY

NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Navy–Naval Forces Western Mindanao ang tinatayang ₱234.3 milyong halaga ng hinihinalang smuggled tobacco products sa karagatan malapit sa Lutangan Island, bayan ng Olutanga, Zamboanga Sibugay. Ayon sa ulat ng Philippine Navy, nakumpiska ang 1,436 master cases at 55 reams ng mga dayuhang brand ng sigarilyo na New Berlin at Bosque, gayundin ang motorboat na umano’y ginamit sa pagpupuslit ng kontrabando. Agad na isinailalim sa kustodiya ng Bureau of Customs–Port of Zamboanga ang mga nakumpiskang smuggled cigarettes para sa kaukulang legal na proseso. Ayon kay…

Read More