BARANGAY 743, NAGLUNSAD NG COOKING CONTEST BILANG BAHAGI NG NUTRITION MONTH

MAGLULUNSAD ang Barangay 743, Zone 80, District V, Lungsod ng Maynila ng cooking contest bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month 2026 upang hikayatin ang mga residente na maghanda ng masustansya at abot-kayang pagkain gamit ang mga lokal na sangkap. Pangungunahan ang programa ni Barangay Chairman Felimon “Tuts” G. Tutica Jr. kasama ang mga opisyal ng barangay. Gaganapin ang patimpalak sa Hulyo 25 sa Barangay Hall sa Smith Street, Malate, Manila, sa ilalim ng temang “Gulay sa Barangay, Masustansyang Tunay.” Bukas ang kompetisyon sa mga residenteng 18 taong gulang pataas,…

Read More

‘MIDDLEMEN’ SA OMBUDSMAN USAP-USAPAN SA SOCIAL MEDIA

KUMAKALAT sa social media ang mga post na nag-uugnay sa ilang indibidwal bilang umano’y mga middleman sa pag-aayos ng mga kasong hinahawakan ng Office of the Ombudsman. Sa mga naturang post, inaakusahan ang ilang personalidad na umano’y nakaiwas sa pagsasampa ng kaso matapos makipagkasundo o magbigay ng tinatawag na “restitution.” Gayunman, walang inilabas na opisyal na ebidensiya na nagpapatunay sa naturang mga alegasyon. Iniuugnay rin sa mga social media post ang umano’y mabagal na pag-usad ng ilang kaso kaugnay ng mga flood control project, kumpara sa mabilis na pagproseso ng…

Read More

PPP KINONDENA PANGHA-HARASS SA MGA PHOTOJOURNALIST

KINONDENA ng Press Photographers of the Philippines (PPP) ang umano’y pangha-harass ng ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa beteranong photojournalists na sina Bullit Marquez at Rene Dilan habang kino-cover ang isang kilos-protesta laban sa ASEAN sa Pasay City. Sa inilabas na pahayag nitong Miyerkoles, nanawagan ang PPP ng agarang, patas at transparent na imbestigasyon sa insidente. Ayon sa samahan, ang pangyayari ay paglabag sa kalayaan sa pamamahayag at sa karapatang pangkonstitusyon ng mga mamamahayag na mangalap at mag-ulat ng balita. (EDD CASTRO) 298

Read More

Matibag walang bigat sa unang impeachment article; PROSEKUSYON KULANG EBIDENSYA PARA MA-CONVICT SI VP SARA – INTON

NANINIWALA si Atty. Ariel Inton na walang naidagdag na bigat sa unang impeachment article laban kay Vice President Sara Duterte ang testimonya ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag. Ayon kay Inton, hindi pa rin siya kumbinsido na sapat ang ebidensiya upang mahatulan si Duterte sa unang impeachment article kahit na tumestigo si Matibag. Ipinaliwanag ng abogado na inamin mismo ni Matibag na wala siyang personal na kaalaman sa naging imbestigasyon ng NBI sa kaso ni Duterte dahil hindi pa siya ang NBI Director nang maganap ito.…

Read More

SURVEY: 64% NG MGA PINOY WALA PA RING TIWALA SA CHINA

PARA kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., malinaw na ipinakikita ng pinakahuling survey ng OCTA Research na nais ng maraming Pilipino ang mas matatag na paninindigan ng pamahalaan laban sa China. Batay sa non-commissioned second quarter 2026 Tugon ng Masa survey ng OCTA Research, 64 porsiyento ng mga Pilipino ang nagsabing wala silang tiwala sa China, mas mataas ng siyam na puntos mula sa 55 porsiyentong naitala noong Marso 2026. Sa kabuuang bilang, 37 porsiyento ang nagsabing dapat “somewhat distrust” ng Pilipinas ang China, habang 27 porsiyento ang nagpahayag ng…

Read More

SPEAKER DY, ISINUSULONG PAMBANSANG BALANGKAS NG KAHANDAAN LABAN SA EL NIÑO

HINIMOK ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang mga ahensya ng pamahalaan na magpatupad ng maagap na paghahanda laban sa nakaambang epekto ng El Niño sa halip na umasa sa reaktibong pagtugon kapag lumala na ang tagtuyot. Sa kanyang talumpati sa briefing ng House Committee on Agriculture and Food, sinabi ni Speaker Dy na naranasan na ng bansa ang matinding epekto ng El Niño sa agrikultura, suplay ng pagkain at ekonomiya. Ayon sa lider ng Kamara, bumaba ng 12 hanggang 15 porsiyento ang produksyon ng palay mula 2023…

Read More

CAYETANO SA REKLAMONG GHOST PROJECTS: BAKIT TAGUIG LANG?

KINUWESTIYON ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano kung bakit tila Taguig lamang ang pinagtutuunan ng pansin sa isyu ng mga sinasabing ghost projects sa flood control. Ito ay matapos sabihin ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na ipinaberipika na nito sa district engineer ang alegasyong inilabas ni Senador Panfilo Lacson. Sa isang Facebook Live, sinabi ni Cayetano na kung may mga alegasyon ng iregularidad sa iba pang lugar, nararapat lamang na lahat ng mga ito ay imbestigahan at hindi lamang ang Taguig. Binanggit din…

Read More

BRAWNER OUT, NAFARRETE BAGONG AFP CHIEF OF STAFF

OPISYAL nang inihayag ng Department of National Defense ang pagkakatalaga kay Philippine Army commanding general, Lt. Gen. Antonio Nafarrete bilang ika-61 Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines, kahalili ng magreretirong si Gen. Romeo S. Brawner. Hinirang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Army Lt. Gen. Antonio Nafarrete bilang bagong AFP chief of Staff kapalit ni Gen. Brawner na umabot na sa kanyang mandatory retirement. “The Department of National Defense, upon the authority of President Ferdinand R. Marcos Jr., is pleased to announce the appointment of Lieutenant General…

Read More

SUSPECTS SA PAGPATAY KAY MIMA ALICIA TUKOY NA NG PNP

INIHAYAG ni PNP PIO chief, PCol. Allen Rae Co, tukoy na ng mga awtoridad ang dalawang suspek na pumaslang kay Alicia Lipata o Mima Alicia, sa Caloocan City. Ayon kay Co, miyembro o inupahan ng isang sindikato ang mga suspek para patayin ang lady vlogger. Ang pagkakakilanlan ng mga suspek ay base sa isinagawang pangangalap ng mga ebidensya, testigo gayundin ang backtracking at forward tracking ng CCTV footages. Sa ngayon, patuloy na isinasagawa ang hot pursuit operation laban sa mga suspek habang inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga…

Read More