PLUNDER, MONEY LAUNDERING VS ROMUALDEZ, CO KASADO

INANUNSYO ng Office of the Ombudsman ang paghahain ng mga reklamong kriminal laban kina dating House Speaker Martin Romualdez, dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, at iba pang respondents kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects. Ayon kay Assistant Ombudsman Atty. Mico F. Clavano, ihahain ang reklamong plunder sa ilalim ng Republic Act No. 7080, gayundin ang reklamong paglabag sa Anti-Money Laundering Act. Sinabi ni Clavano na isasagawa ang paghahain ng mga reklamo matapos ang masusing imbestigasyon ng Ombudsman at pagsasagawa ng preliminary investigation. Nilinaw naman niya na ang…

Read More

MALAKING AKTIBIDAD NG INC SASABAY SA SONA NI PBBM

KINUMPIRMA ng Philippine National Police (PNP) na magkakaroon ng aktibidad ang Iglesia ni Cristo (INC) sa Hulyo 27, kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., makikipag-ugnayan ang PNP sa pamunuan ng INC kaugnay ng kanilang nakatakdang pasasalamat at sa lugar kung saan ito gaganapin. Tiniyak ni Nartatez na magbibigay ang PNP ng sapat na seguridad sa pagtitipon, na inaasahang dadaluhan ng humigit-kumulang 100,000 katao. Sinabi rin ng PNP chief na nakahanda na ang traffic…

Read More

MAHIGIT P174.6 MILYONG AYUDA, IPINAMAHAGI SA NEGROS AT SIQUIJOR

MAHIGIT P174.6 milyong cash assistance at iba pang ayuda ang ipinamahagi sa mahigit 20,000 manggagawa, magsasaka at iba pang benepisyaryo sa Negros Oriental, Negros Occidental at Siquijor, ayon sa Malacañang. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na isinagawa ang pamamahagi sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang mapalawak ang oportunidad sa trabaho at kabuhayan sa bagong tatag na Negros Island Region. Pinangunahan ni Labor Secretary Francis Tolentino ang pamamahagi ng livelihood grants sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP), gayundin…

Read More

FIL-CHI BUSINESSMEN DISMAYADO SA AI-VIDEO NG CHINA DAILY

MAGING ang pinakamalaking grupo ng mga negosyante na kabilang sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII,) ay nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa inilabas na AI-generated video ng China Daily na naglalarawan sa Pilipinas sa pamamagitan ng derogatory caricature. Kasabay nito, sama-samang hiniling ng lahat ng kasapi ng FFCCCII sa China Daily na tanggalin ang nasabing nakasisirang puri na caricature. “We respectfully urge that this video be taken down and removed. No matter how sincere or deeply held the differences between governments on maritime or territorial…

Read More

POLICE CAPTAIN PATAY SA PAGRESPONDE SA GULO SA VIDEOKE BAR

DEAD ON ARRIVAL sa pagamutan ang isang pulis makaraang barilin nang magresponde sa isang kaguluhan sa videoke bar sa Capiz. Kinilala ang biktimang si PCapt. Rian Fuentes Ampoyos, nakatalaga sa 1st Capiz Provincial Mobile Force Company. Ayon kay PRO 6 Regional Director P/B General Randulf Tuaño, nagresponde si Ampayos kasama ang dalawa nitong tauhan makaraang makatanggap ng tawag hinggil sa kaguluhan sa isang videoke bar sa Brgy. Binuntucan, Pontevedra, Capiz nitong Lunes ng madaling araw. Habang inaawat ng biktima ang mga nag-aaway, minalas naman itong mabaril sa ulo ng isa…

Read More

‘FORGIVENESS CLAUSE’ SA MGA KASONG RAPE, PINAAALIS

NAGHAIN si Akbayan Party-list Rep. Dadah Kiram Ismula ng House Bill No. 10099 na naglalayong alisin ang “forgiveness clause” sa Revised Penal Code kaugnay ng kasong rape. Layunin ng panukala na alisin ang Article 266-C ng Revised Penal Code na nagpapawalang-bisa sa criminal liability ng rapist kapag pinakasalan nito ang biktima o kapag pinatawad ng asawa ang asawang nanggahasa. Ayon kay Ismula, hindi dapat gamitin ang kasal o kapatawaran upang makaiwas sa pananagutan ang salarin. Katuwang ni Ismula sa panukala sina Akbayan Party-list Reps. Chel Diokno at Perci Cendaña, at…

Read More

DIOKNO: BUONG FINANCIAL PICTURE KAILANGAN SA MGA KASONG UNEXPLAINED WEALTH

IGINIIT ni House prosecutor at Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno sa Senate impeachment court na dapat masuri ang kabuuang kalagayang pinansyal ng isang opisyal sa pagdinig ng mga kasong may kaugnayan sa unexplained wealth. Ayon kay Diokno, batay sa jurisprudence ng Korte Suprema, hindi sapat ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) at income tax return (ITR), kaya hinihiling ng prosekusyon ang bank records, Bureau of Internal Revenue (BIR) records, at Anti-Money Laundering Council (AMLC) records ni Vice President Sara Duterte. Binanggit niya ang desisyon ng Korte Suprema…

Read More

PAG-AMIN NA ‘KOMUNISTA’ NI ROBIN IPINAUBAYA NA SA AFP

IPINAUBAYA ng Department of National Defense (DND) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pag-aksyon kaugnay ng pag-amin ni Senator-Judge Robinhood Padilla na siya ay isang “komunista” sa gitna ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., ang AFP ang dapat magsagawa ng kaukulang proseso kaugnay ng naturang pahayag, lalo’t si Padilla ay isang colonel sa Philippine Army Reserve Force. Nauna nang sinabi ni Padilla sa pagtatanong kay National Bureau of Investigation (NBI)-BARMM Regional Director Atty. Jeremy Lotoc na, “Komunista po ako,”…

Read More

CAYETANO SA SENATOR-JUDGES: TUNGKULIN NATING LITISIN AT PAGDESISYUNAN KASO NI VP DUTERTE

IGINIIT ni Senate Minority Leader at Senator-Judge Alan Peter Cayetano na ang tungkulin ng Senate impeachment court ay litisin at pagdesisyunan ang kaso laban kay Vice President Sara Duterte batay sa ebidensiya. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagpapanatili ng integridad ng impeachment court at ng bawat senator-judge sa gitna ng mga isyung nakapalibot sa paglilitis. “Ilang beses ko na narinig dito na it’s our job to clear or prosecute the Vice President. Hindi po, it’s our job to try and to decide. It’s the prosecution’s job to… prosecute. And…

Read More