INIHAYAG ni PNP PIO chief, PCol. Allen Rae Co, tukoy na ng mga awtoridad ang dalawang suspek na pumaslang kay Alicia Lipata o Mima Alicia, sa Caloocan City. Ayon kay Co, miyembro o inupahan ng isang sindikato ang mga suspek para patayin ang lady vlogger. Ang pagkakakilanlan ng mga suspek ay base sa isinagawang pangangalap ng mga ebidensya, testigo gayundin ang backtracking at forward tracking ng CCTV footages. Sa ngayon, patuloy na isinasagawa ang hot pursuit operation laban sa mga suspek habang inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga…
Read MoreCategory: BALITA
MGA NATATANGING STUDENT LEADER MULING PINARANGALAN SA MARK VILLAR LEADERSHIP AWARDS
MULING kinilala ni Senador Mark Villar ang mga natatanging nagtapos mula sa iba’t ibang tertiary educational institutions sa pamamagitan ng Mark Villar Leadership Awards bilang pagkilala sa kanilang kahusayan sa akademya, pamumuno, integridad, at paglilingkod sa komunidad. Kabilang sa mga pinarangalan ang mga estudyante mula sa Cebu Technological University–Main Campus, Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa, iba’t ibang kampus ng Laguna State Polytechnic University, Southern Luzon State University, at Tanauan City College. Binati ni Villar ang mga awardee at hinikayat silang ipagpatuloy ang paggamit ng kanilang kaalaman at kakayahan sa paglilingkod…
Read MoreAFP IBINASURA BERSYON NG BEIJING SA KOMPRONTASYON SA AYUNGIN SHOAL
IBINASURA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang inilabas na video ng China kaugnay ng komprontasyon sa Ayungin Shoal, iginiit na putol at hindi nito ipinakita ang buong pangyayari. Ayon kay AFP spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, hindi ipinakita sa video ng Chinese Embassy in Manila ang paglapit ng mga bangka ng China Coast Guard (CCG) sa BRP Sierra Madre bago naganap ang komprontasyon. “What they released was a spliced or incomplete part of the video. If they start at the very beginning,…
Read MoreP85 MINIMUM WAGE HIKE SA NCR TINIYAK NA HINDI MAUUDLOT
WALANG plano si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na suspendihin ang P85 daily minimum wage increase para sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR). Ito ang nilinaw ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro kasunod ng panawagan ng ilang grupo na ipagpaliban ang pagpapatupad ng wage hike. “Hindi po. Wala pong suspension, wala pong paghihinto po dito. Tuluy-tuloy po ito,” ani Castro. Dagdag pa niya, wala ring natatanggap na kahilingan mula sa private sector para suspendihin ang wage increase. “Wala pong naipaabot sa atin…
Read MoreBANTA SA PANGULO, BANTA SA BUONG BANSA – MATIBAG
ITINUTURING ng National Bureau of Investigation (NBI) na banta sa pambansang seguridad ang anomang pagbabanta sa buhay ng Pangulo ng bansa. Ito ang binigyang-diin ni NBI Director Atty. Melvin Matibag sa kanyang pagtestigo sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. Kinumpirma rin ni Matibag ang pagbuo ng isang Special Task Force upang ipagpatuloy ang imbestigasyon sa mga kasong grave threats at inciting to sedition laban sa bise presidente kaugnay ng umano’y pagbabanta nito kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin…
Read MoreHiniram na vape hindi naibalik GRADE 10 SINAKSAK NG KAKLASE SA CAVITE
SINUSPINDE ng pamunuan ng isang pampublikong eskuwelahan ang afternoon shift ng kanilang klase dahil sa umano’y insidente ng pananaksak sa isang Grade 10 student ng kanyang kaklase sa loob mismo ng nasabing paaralan sa Tanza, Cavite noong Lunes ng hapon. Bagama’t pinapasok muna ang mga estudyante ng morning shift, nagdulot ito ng napakahabang pila dahil sa ipinatupad na security measure. Makaraang pauwiin ang morning shift, nagdesisyon ang pamunuan ng eskuwelahan na suspindihin ang klase ng afternoon shift. Nauna rito, hiniram umano ang vape ng suspek ng kanyang kaklase noong Biyernes…
Read MorePANIBAGONG PROBOKASYON NG CHINA KINONDENA NG IBA’T IBANG BANSA
AGAD umani ng pagkondena mula sa iba’t ibang bansa ang panibagong provocative action ng China sa West Philippine na ikinasugat ng dalawang tauhan ng Philippine Navy na nakatalaga sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong Lunes ng umaga. Una nang kinondena ng Washington ang tinawag nilang “dangerous and aggressive” action ng China at sinisi ang mga tauhan nila sa pananakit sa dalawang Filipino sailor, ilang metro lamang ang layo sa nakasadsad na Navy detachment, ang BRP Sierra Madre, sa disputed South China Sea. Ayon sa ulat, dalawang sundalo ang…
Read MoreBineberipika ng PNP ATONG ANG NAKAPUSLIT NA PALABAS NG BANSA?
TINUTUKOY pa ng Philippine National Police (PNP) ang katotohanan sa mga ulat na posibleng nakalabas na ng Pilipinas ang gambling tycoon na si Charlie “Atong” Ang. Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang huling impormasyon ng pulisya ay nasa Pilipinas pa si Ang, ngunit patuloy nilang sinusuri ang mga ulat na nakalabas na ito ng bansa. “The last known place he had gone to was still here in the Philippines. If there were reports that he had already fled the country, we are verifying them. But, most…
Read MoreSOLONS KINONDENA PANANAKIT NG CCG SA SUNDALONG PINOY
NAGKAISANG kinondena ng mga mambabatas ang pananakit ng China Coast Guard (CCG) sa dalawang tauhan ng Philippine Navy malapit sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS). Mariing kinondena ng House Young Guns, na kinabibilangan nina Deputy Speaker Paolo Ortega V, Deputy Speaker Jay Khonghun, Pangasinan Rep. Ernix Dionisio, at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, ang insidente. “Tinitindigan namin ang karahasan na ito! Hindi ito tama!” pahayag ng grupo. Ayon sa kanila, hindi dapat maranasan ng sinomang Pilipino ang ganitong uri ng karahasan sa…
Read More