PNP TINIYAK PARUSA SA BARUBAL NA PULIS

NAGBABALA si Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. sa mga pulis na mahaharap sa parusa ang sinomang hindi maayos magserbisyo o walang galang sa publiko. Inilabas ng PNP chief ang babala kasunod ng pag-viral sa social media ng isang kawani ng Migrant Workers Office na umano’y nagpakita ng kawalan ng respeto sa isang overseas Filipino worker. Pinayuhan ni Nartatez ang police frontliners na panatilihin ang propesyonalismo at respeto sa pakikitungo sa publiko. Aniya, may kaukulang parusa ang sinomang pulis na mapatutunayang bastos o hindi maayos ang…

Read More

BAGONG OIL SUPPLIERS HANAP NG PH SA GITNA NG MIDDLE EAST TENSION

NAGHAHANAP na ang Pilipinas ng ibang bansa na mapagkukunan ng langis sa gitna ng umiigting na tensyon sa Gitnang Silangan, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Sa panayam ng media sa New York City, sinabi ng Pangulo na kasalukuyang nakikipag-usap ang gobyerno sa mga bansang hindi karaniwang pinagbibilhan ng Pilipinas ng langis. “In terms of supply, we are in good shape. Not only do we have inventory in the Philippines, we also are awaiting some supplies that are already in transit,” ani Marcos. “We are talking to many other countries…

Read More

FRASCO TAGILID NA SA DOT

SA gitna ng mga batikos, sinabi ng Malacañang na patuloy pang ini-enjoy ni Department of Tourism Secretary Christina Frasco ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Gayunman, nagpahiwatig si Claire Castro, Palace Press Officer at undersecretary ng Presidential Communications Office, na posibleng may anunsyo sa Malacañang ngayong araw. “Malamang bukas ay mayroon tayong announcement,” ani Castro sa press briefing. Nang tanungin kung may pagbabago sa liderato ng Department of Tourism, sagot niya: “Puwedeng oo, pwedeng hindi. Magbibigay kami ng announcement tomorrow.” Hindi rin niya kinumpirma kung si Commercial…

Read More

20.5 KILO NG SHABU NADISKUBRE SA KETCHUP AT MAYONNAISE CONTAINERS

NADISKUBRE ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ketchup at mayonnaise containers ang tinatayang nasa 20.5 kilo ng crystal meth o shabu makaraang madakip ang dalawang hinihinalang kasabwat ng isang bigtime drug syndicate, sa isinagawang anti-narcotics operation sa Barangay Santo Domingo, Quezon City nitong madaling araw ng Miyerkoles. Tinatayang nasa P142.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu na itinago sa mga lalagyan ng mayonnaise at ketchup ang nasamsam ng mga tauhan ng PDEA-Special Enforcement Service, katuwang ang PDEA Regional Office, at Philippine National Police Drug Enforcement Group. Naaresto ang dalawang high-value…

Read More

FREE FINANCIAL LITERACY EDUCATION FOR OFWs, LUSOT NA SA 2ND READING SA SENADO

KUMPIYANSA si Senador Raffy Tulfo na matutuldukan na ang mga insidente ng umuuwing luhaan ang mga Overseas Filipino Workers dahil sa kawalan ng sapat na ipon matapos ang mahabang panahong pagtatrabaho sa ibayong dagat. Ito, ayon kay Tulfo ay makaraang aprubahan na sa second reading ng Senado ang Senate Bill No. 1910 o “Free Financial Literacy Education for Overseas Filipino Workers and their Families Sinabi ng principal sponsor at author ng panukala na layon nito na turuan ang mga OFW at kanilang pamilya paano magkaroon ng sapat na savings. Saklaw…

Read More

MABILIS NA TRANSITION SA PAGGAMIT NG ELECTRIC VEHICLES, IPINANAWAGAN

IGINIIT ni Senador Sherwin Gatchalian ang pangangailangang bilisan na ang transition patungo sa paggamit ng mga EV o electric vehicle upang maprotektahan ang lokal na ekonomiya mula sa fuel shock o sobrang pagtaas ng presyo ng langis. Sinabi ni Gatchalian na dapat magsilbing wake up call ang patuloy na kaguluhan sa Middle East. Para anya mabawasan ang epekto ng mataas na presyo ng langis dulot ng tensyon, kailangang bilisan ng pamahalaan ang suportang imprastraktura, gaya ng mga charging station, upang mahikayat ang mas maraming organisasyon at indibidwal na gumamit ng…

Read More

Paalala sa mga aplikante FIXERS, PADRINO EKIS SA PAGPASOK SA PNP

BINALAAN ng Philippine National Police ang mga nagnanais maging pulis na huwag dumaan sa padrino o fixers sa pag-aapply sa serbisyo. Ang paalala ay inilabas kasunod ng inilabas na recruitment quota ng PNP para sa 2026 na umaabot sa mahigit 7,000 bakanteng posisyon sa buong bansa. Ayon sa pambansang kapulisan, libre ang buong proseso ng recruitment kaya dapat i-report agad ang sinumang indibidwal na nagpapakilalang may koneksyon sa loob ng PNP o nag-aalok ng “shortcut” kapalit ng bayad. Nabatid na may 6,178 vacancies para sa mga Police Regional Offices kung…

Read More

HIGIT 60K BOTANTE NAGPAREHISTRO SA BSKE 2026

NASA mahigit 60,000 na ang bilang ng mga nagparehistro para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) at sa kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Sa pinakahuling datos ng Commission on Elections, nasa kabuuang 63,360 indibidwal na ang nakapagparehistro para sa 2026 BSKE at Bangsamoro parliamentary elections, binubuo ng 31,192 babae at 31,552 lalaki. Nakapagtala ang Lanao del Sur ng pinakamataas na bilang ng registrants na umabot sa 15,936. Sinundan ito ng Maguindanao del Norte na may 13,585; Maguindanao del Sur na may 9,636,…

Read More

30 kilo pa ng shabu nakuha sa dagat TUMAKAS NA 2 CHINESE SA SUMADSAD NA LANTSA, NADAKIP

MAY 30 pang kilo ng shabu ang nakuha ng mga tauhan ng Philippine Army 2nd Infantry Division kasunod ng pahayag na hawak na ngayon ng 76th Infantry (Victrix) Battalion ang dalawang pinaniniwalaang Chinese nationals na nagtangkang tumakas matapos sumadsad ang gamit nilang speedboat na may lulan na tinatayang humigit kumulang sa 900 kilos ng shabu. Ayon kay 2ID commander, Maj. General Ramon Zagala, kasunod ng inilunsad nilang hot pursuit operation ay nadakip ang dalawang dayuhan, at nasamsam ang karagdagang shabu packs na kaugnay sa 860-kilogram drug haul sa Occidental Mindoro.…

Read More