LANAO DEL SUR – Maraming buhay ang tiyak na naisalba ng mga tauhan ng Philippine Army, nang marekober ng mga sundalo ang 295 hand grenades mula sa isang taguan ng armas na pinaniniwalaang itinago ng natitirang mga kasapi ng Dawlah Islamiya-Maute Group (DI-MG) sa kabundukan ng lalawigan, ayon sa militar nitong Huwebes. Ayon kay Maj. Gen. Yegor Rey Barroquillo Jr., kumander ng 1st Infantry Division, natuklasan ng kanyang mga tauhan mula sa Army’s 55th Infantry Battalion (55IB), ang taguan nitong Miyerkoles, sa Barangay Piagolongan, Marogong, Lanao del Sur. “Ang dami…
Read MoreCategory: BALITA
Para maging mas magaan pagsasaka CAVITE ARBO TUMANGGAP NG TRAKTORA
MARIING tiniyak ng Department of Agrarian Reform (DAR) na mas mapadadali na ang pagsasaka ng mga kasapi ng Pacheco Agrarian Reform Cooperative (PAR-C) matapos silang pagkalooban ng DAR sa ilalim ng direktiba ni Secretary Conrado M. Estrella III, ng bagong 50-horsepower heavy tractor na may kasamang mga kagamitan. Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng DAR na tulungan ang agrarian reform beneficiaries na gawing mas makabago, mas episyente, at mas produktibo ang kanilang pagsasaka upang mapataas ang kanilang kita. Kaugnay nito, sinabi kamakailan ni Sec. Estrella III na ang pagbibigay…
Read MoreMAYOR ARCILLAS NAKIPAGPULONG SA VILLA CACERES HOMEOWNERS
MATAPOS na mailathala sa pahayagang Saksi Ngayon, nagkaroon na ng pormal na pagpupulong si Mayor Arlene Arcillas ng Santa Rosa City, sa ilang kinatawan ng Villa Caceres Concerned Homeowners upang pakinggan ang kanilang mga hinaing kaugnay sa pamamalakad ng Villa Caceres Estate Homeowners Association. Nauna rito, nagsumite ng liham ang nasabing grupo sa tanggapan ng alkalde na humihiling ng tulong upang obligahin ang kasalukuyang mga opisyal ng Villa Caceres Estate Homeowners Association na magpatawag ng isang General Assembly. Layunin ng naturang pagpupulong na maipakita sa mga miyembro ang Audited Financial…
Read MoreLCSP: SOBRANG MULTA, HINDI ENFORCEMENT NG TRAFFIC RULES ANG PROBLEMA
IGINIIT ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na hindi ang pagpapatupad ng traffic rules ang problema kundi ang sobrang taas ng multa sa ilalim ng Joint Administrative Order (JAO). Ito ay kasunod ng panawagan ni Swerte Party-list Rep. Arlyn Ayon na pansamantalang suspendihin ang panghuhuli sa traffic violators sa gitna ng tumataas na presyo ng petrolyo. Umani ng negatibong reaksyon ang panukala mula sa ilang traffic enforcement agencies na nagsabing maaaring magdulot ito ng kaguluhan sa mga lansangan. Gayunman, ayon sa LCSP, mas makabubuting rebisahin ang JAO dahil…
Read MoreLGUs BINIBIGYAN NG MAS MALAKING KAPANGYARIHAN SA DESENTRALISASYON NG DILG
PINALALAKAS ng Department of the Interior and Local Government ang pagsusulong ng desentralisasyon upang higit na mapalakas ang lokal na pamamahala at mabigyan ng mas malaking kapangyarihan ang mga local government units (LGUs) sa pagpapatupad ng reporma at pagpapaunlad ng komunidad. Ayon sa DILG, layunin ng hakbang na palakasin ang lokal na awtonomiya at gawing mas aktibo ang mga LGU sa pamamahala, pangangalaga sa likas na yaman at sustainable development sa kani-kanilang lugar. Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan inilunsad ang Decentralization and Local Governance…
Read MoreQCPD NAGTALA NG PINAKAMABABANG KRIMEN SA NCR
NAITALA ng Quezon City Police District ang pinakamababang bilang ng insidente ng krimen sa limang police districts ng National Capital Region Police Office sa unang dalawang buwan ng 2026. Ayon sa ulat, mula Enero 1 hanggang Pebrero 28, 2026, nakapagtala ang QCPD ng 247 insidente ng 8 focus crimes, mas mababa kumpara sa 318 kaso sa kaparehong panahon noong 2025. Katumbas ito ng 71 kaso o 22.33% na pagbaba. Ayon kay QCPD Director Randy Glenn Silvio, bunga ito ng pinaigting na police visibility, intelligence-driven operations at malakas na koordinasyon sa…
Read MoreINKLUSIBONG PILIPINAS ISINUSULONG NI VILLAR: SUPORTA SA NATIONAL AUTISM CARE TINIYAK
SUPORTADO ni Senator Mark Villar ang pagpasa ng Senate Bill No. 1822, o ang National Autism Care, Support, and Inclusions Act, sa ikatlong pagbasa. Binigyang-diin niya na ang panukalang batas ay isang mahalagang tulong para sa tinatayang 1.2 milyong Pilipino na nasa autism spectrum. Ipinapakita ng datos na habang isa (1) sa bawat isang daan (100) Pilipino ang nasa spectrum, karamihan sa mga na-diagnose ay matatagpuan sa mga urban hub tulad ng Metro Manila at CALABARZON. Dahil dito, maraming pamilya sa mga rural na lugar ang nahihirapang makakuha ng mga…
Read MoreSOLON UMARAY SA ‘HARASSMENT’ CASE SA OMBUDSMAN
KINONDENA at tinawag na harassment ni Occidental Mindoro Rep Leody Tarriela ang pagsasampa sa kanya ng kaso sa Office of the Ombudsman na nag-ugat lamang nang tanggihan ng DPWH-Mindoro District Office na bigyan ng hinihinging dokumento ang isang brodkaster. Si Tarriela ay sinampahan ng kasong graft sa Office of the Ombudsman ng brodkaster sa Occidental Mindoro na si Radamalyn Fernando Cardoza. “Paano naman na naging kasalanan ko na hindi siya nabigyan ng kung ano mang hinihingi nya na dokumento sa DPWH Mindoro? At kung wala nga siyang nakuhang kung anuman,…
Read MoreDZRH REPORTER INARESTO
DINAKIP ang reporter ng DZRH dahil sa pag-ulat sa Manila councilor na may kasong panghahalay sa isang menor de edad. Si DZRH reporter Misael “Boy” Gonzales Jr. ay dinakip kasunod ng reklamong inihain ni Manila Councilor Rosalino “Jun” Ibay Jr. na nahaharap sa hiwalay na kaso ng umano’y lascivious conduct sa isang 17-anyos na menor de edad. Noong Setyembre 2025, inisyuhan ng arrest warrant ng Manila Regional Trial Court Branch 4 si Ibay kaugnay ng umano’y paglabag sa Section 5(b) ng Republic Act No. 7610, as amended by Republic Act…
Read More